Pang-Apatnapu't Siyam

62 2 0
                                    

"Ang kapal talaga ng lalaking kupal na yun! ikaw na nga tong nadisgrasya ng babae nya mas inalala nya pa yung babae nya! Nanggigigl talaga ko sakanya Lime! kapag nakita ko yun wag mo kong awatin na sakalin yun!" inis na sabi ni Maddie habang inaalalayan ako,may cast kasi ang paa ko kaya nakasaklay ako ngayon.Buti na nga lang at hindi napuruhan ang balakang ko,kailangan lang na icast ang paa ko para hindi daw magalaw-galaw at mas mapadali ang paggaling,may ilan-ilang pasa naman ako sa braso at likod pero mawawala din naman yan pagkalipas ng tatlo o apat na araw. Dito muna ko sa dating bahay ni Maddie para magpagaling, ayaw kasi ni Maddie na dun ako umuwi dahil baka daw mapatay ako ng hindi sinasadya ayon sakanya. Hindi din muna ko papasok hanggat hindi pa magaling ang paa ko

"Hindi naman kasalanan ni Shamie ang nangyari,aksidente lang yun kaya wag ka ng magalit. Bawal kang ma-stress diba?" sagot ko naman saka kami naupo sa maliit nyang sofa,dito din kasi sya umuuwi dahil nagaway din sila ni Psyche.

"Hayy nako,Lime. Basta wag mo kong aawatin kapag sinakal ko ang lalaking yun, mas matangkad lang sya sakin pero kayang-kaya ko syang sakalin hanggang maubos oxygen nya sa baga" sagot ulit ni Maddie kaya napailing na ako, stress na stress na sya panigurado

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang mangyari ang bagay na 'to.Tanggap ko pa na nangyayari 'to sakin,kasi makasalanan naman talaga ako.Kasalanan ako na tinubuan ng mukha eh pero hindi ko matanggap na pati sayo Lime ay nangyayari 'to,napakabuti mong tao at kahit kelan ay hindi ka gumawa o umisip ng masama laban sa ibang tao pero bakit sobra kang nasasaktan?! Truepa goals talaga tayong dalawa eh! pareho tayong pinaglalaruan!" inis na sabi nya habang umiiyak kaya kumawala ulit ang luha ko. Bakit nga ba kami ang napaglalaruan ng tadhana?

Nagkatinginan kami nung biglang nag ring ang phone nya,nagkibit balikat lang sya saka sinagot ang tawag at ni-loud speaker yun

"..." ugali nya talaga na hintayin munang magsalita ang tumatawag bago sya tumawag, sabi nya dati for safety purpose daw yun

"Hello? Is this Maddie?"-tanong ng nasa kabilang linya,parang pamilyar ang boses nya pero hindi ko matandaan kung saan o kelan ko narinig

"Yes,speaking.Who's this?"-tanong nya,kilala ko talaga ang boses nya,hindi ko lang maidentify

"Yo,Maddie! It's me Vanna! where are you? are you with Lime?"-tanong nya kaya napatayo si Maddie at napatingin sakin .Sabi ko na eh!

"Si Vanna! buhay pa pala si Vanna, Lime!"-balita nya sakin kaya napatayo din ako,napatawa sya ng malakas nung marinig namin ang mura ni Vanna mula sa kabilang linya

"Damn you,Maddieson! of course I'm fucking alive!"-muli kaming tumawa saka naupo,bigla bigla kasing nawawala tapos biglang nagpaparamdam eh

"Animal ka kasi,bigla kang nawala! saan ka ba nanggaling ha?!"-tanong ni Maddie,nakakatuwa naman na okay talaga sya

"Where are you? Join me here and I'll tell you the whole story!"-yaya nya pa,mukhang nasa bar na naman s'ya dahil sa tugtog.Party girl talaga ang isang 'to

"Magaayos lang kami ni Lime at pupunta na kami jan,text me the bar name.Bye"-paalam nya saka tumayo at hinila ako paakyat ng kwarto

"Tangina n'yo Chaze at Psyche,masyado kaming maganda para magluksa hintayin n'yo lang at makakahanap kami ng kapalit n'yo,mga walang kwenta! ang pangit nyo pa! mga juts pa kayo!" sigaw nya habang paakyat kami kaya napatawa ako

"Nasaan daw si Vanna, Maddie?"-tanong ko,inabot nya muna sakin yung white na dress bago humarap sakin

"Nasa bar at pinapapunta nya tayo dun.Wag nating problemahin ang mga lalaking nanakit satin,Lime magparty tayo ngayon!"- masayang balita nya saka kinuha yung black na dress

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon