Pang-Dalawampu't Pito

187 28 3
                                    

Kakatapos lang namin kumain at naglalakad na kami ni Soul pabalik sa locker room,hinabol kasi ng mga taga jail booth sila Kazz dahil sa mga hikaw nila kaya naiwan kaming dalawa,buti nga at hindi soot ni Soul ang kanya kaya wala syang problema
"Ayos ka lang ba,Lime?kanina ka pa tahimik eh"-tanong nya saka huminto sa paglalakad,huminto din ako saka ngumiti sakanya at tumango

"Hmmm,okay lang ako.Puntahan mo na sila Kazz,baka bugbugin ng mga yun yung bata bata sa jail booth,mga freshmen pa naman"-saad ko saka sya tinapik sa balikat,tiningnan nya lang ako sandali saka sya nagbuntong hininga

"We're friends right?don't hesitate to tell me your problems,you can share it with me and I'll try my best to help you"-nakangiting sabi nyakaya nginitian ko ulit sya saka tumango
"Don't worry about me,I'll call you later"-sabi ko saka sya mahinang itinulak,nung naglakad na sya palayo ay naglakad na din ako papunta sa gate,pagkalabas eh agad akong pumara ng taxi at sumakay

xxxx
Huminga ako ng malalim para malanghap ang sariwang simoy ng hangin,medyo matagal na din akong hindi nakaka-punta dito.

Nginitian ko yung nga batang nakakasalubong ko ghabang papasok,dati madalas ako dito kaya kilala nila 'ko

"Oh Lime ija,mabuti naman at naka-dalaw ka ulit dito.Kamusta ka na?"-naka-ngiting sabi ni sister Ignacia,nginitian ko din sya saka niyakap,nandito ako ngayon sa isang kumbento.Kumbento ito na may bahay ampunan,14 years old ako nung una akong nakapunta dito at naramdaman ko kaagad nuon na gusto ko ding magsilbi sa kumbento na 'to

"Okay lang po ako sister,kayo po ba?kamusta po yung mga bata?si sister Luisa po?"-nakangiti pa ding tanong ko,gustong gusto kong magsilbi sa Diyos pero ayaw akong payagan ng papa ko,nung 16 years old ako ay sinabi ko sakanya sa gusto kong maging madre pero nagalit lang sya at sinabing hindi para sakin ang pagmamadre,kaya kahit gusto ko ay hindi ko nagawa

"Okay naman kami,si sister Luisa ay may kausap dahil may gustong mag-ampon kay Jasper.Oo nga pala,Lime ija,tuloy na ba ang pagpasok mo ng kumbento?nasabi mo na ba sa papa mo?"-tanong nya kaya napaiwas ako ng tingin at nagbuntong hininga
"H-hindi na po ako pwedeng magmadre,sister.Ikinasal na po ako nung nakaraang buwan.Ipinakasal po ako ng papa ko sa anak ng business partner nya kaya impossible na pong matupad ang gusto ko,kahit po gusto ko ay wala akong magagawa dahil ayaw din po ng papa ko"-mahabang paliwanag ko,nginitian nya lang ako saka hinawakan ang kamay ko

"Kahit naman hindi ka pumasok ng kumbento ay pwede ka pa ring magsilbi sa Diyos,mabuti kang bata at alam kong naiintindihan ng Diyos kung hindi ka matutuloy sa pagpasok.'Wag kang mag-alala,may plano naman ang Diyos para sa'yo.Hayaan mo lang na isagawa nya ang mga plano nya para sa'yo at nasisiguro kong makakamtam mo din ang masayang buhay"-mahabang sabi nya habang nakangiti pa din kaya ngumiti ako ng mas malaki saka sya niyakap
"Salamat po,sister.Oo nga po pala,pwede po bang dito muna 'ko mag-stay?kahit ilang araw lang po"-tanong ko,nginitian nya naman ako saka sya tumango

"Oo naman,hindi ka naman na iba samin.Bakit nga pala--ginawa mo nanaman,Lime?"-taning nya habang naka-tingin sa braso ko na agad kong itinago,dahan dahan akong tumango

"N-nagka-problema po kasi ako at hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko"-naka-yukong sabi ko,medyo matagal ko na din kasing hindi nagagawa ang pagsusugat na sarili kong balat,pero nung nakaraan nga ay nagawa ko nanaman

"Nako ka talagang bata ka,huwag mo na uling gagawin ha?dapat kasi talaga ay itapon mo na ang blade na iyon"-wika nya kaya tumango ako saka ngumiti

----
"Mga ulul kayo,pag nahuli ko kayo gulpi kayo sakin!"-sigaw ni Kazz habang hinahabol ang dalawang freshmen na humabol sakanila kanina para dalhin sa Jail Booth,kung kelan nadulas na si Kazzero ay saka lang nila na-realize na pwede pala nilang bugbugin ang mga ito dahil nga fresh men pa lang

"Bwahahaha!Takbo mga yagit!"-malakas na sigaw ni Vixen habang tumatawa at nakikihabol din,kanina pa sya tawa ng tawa dahil sa sobra ang dungis ni Kazz

"Tang ina nyo,kayo na lang.Pagod na ko,puta!"-reklamo naman ni Shire sa umupo sa gitna ng hallway at hindi pinansin ang mga taong naka-tingin,maluwag na kasi ang turnilyo ng utak nya dahil sa pagtakbo

"K-kuya,s-sorry na po,napagutusan lang po kami!"-sigaw ng isa habang pinagpapawisan at naiiyak na,natatakot na sya kay Kazz dahil nagtransform na ito into hulk

"Oo nga po,hindi naman kami ang may gustong hulihin kayo"-dagdag ng isa pa habang pinupunasan ang pawis at iniiwasan ang iba pang estudyante,tinawanan lang sya ni Vixen

"Pakyu!napagod ako kakatakbo at ang dungis ko pa,tapos ngayon magso-sorry kayo?babangasan ko muna kayo!"-sigaw ulit ni Kazz saka binilisan ang pag-takbo

"Hahahaha!Mga hayop kasi kayo eh!"-dagdag ulit ni Vixen,napahinto lang sila nung biglang lumitaw mula sa kung saan si Soul

"Mga gago,tigilan nyo ang mga bata"-saad nito saka pinaalis na ang dalawang freshmen na nagmamadali namang tumakbo

"Hayop to si Soul eh,pamatay saya"-singit ni Shire nung nakalapit na sya,sinikmuran lang sya ni Soul kaya tumawa nanaman si Vixen

"Hahaha!Gago ka ah,si Bhoxcsz Soul pa aanuhin mo ha"-tumatawang sabi pa nito kaya sinikmuran din sya ni Vixen

"Pantay na tayo,gago"-saad nito habang dinadaing ang nasaktang sikmura

"Ba't nandito ka na,Kaluluwa?"-tanong ni Kazz saka huminga ng malalim at nagpunas ng pawis

"Nagpa-iwan na sa locker room eh,baka daw bugbugin nyo yung mga freshmen at hindi nga sya nagkamali,muntik nyo nang bugbugin"-mahabang saad nito kaya tumawa si Shire at Vixen

"Tara na nga,mga gago kasi ang mga bata na yun eh!ang lagkit ko oh!"-inis na saad ni Kazz saka naunang naglakad,napa-hinto lang sya nung may humarang na babae

"A-ano..Diba kasama nyo si Lime kanina?pwede ko bang malaman kung nasan sya?"-tanong nito habang pinagpapawisan

Nagsalubong naman ang kilay ni Soul at Kazz sa narinig

"Akala ko ba Soul pabalik na?"-tanong ni Kazz saka bumaling kay Soul

"Oo nga,nagpaiwan sa locker room eh.Sya na--shit!"-huling sinabi nito saka tumakbo kaya tumakbo din ang apat

"N-nasaan si Lime?"-tanong ulit ni Jei pero walang sumagot sa tanong nya,mabilis silang naka-rating sa locker room at agad agad pumasok dun si Soul pero walang tao dun

"Shit,wala sya dito"-bulong ni Soul saka sila lumabas at naka-salubong nila si Chaze na pangisi-ngisi

"What's happening with you,Idiots?"-naka-ngising tanong nito pero sinamaan lang sya ng tingin ni Soul

"Lime is missing,you dumbass!"-inis na singhal nya dito,nawala naman ang ngisi ni Chaze saka sumeryoso

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon