Pang-Tatlumpu't Siyam

85 5 1
                                    

"Bakit ang dami ng pinamili mo,Chaze?"- tanong ko habang naglalakad kaming dalawa,katatapos lang namin mamili ng mga pagkain sa super market at nag-lakad lakad muna dahil pareho naman kaming walang klase ngayon.Ang dami ng pinamili namin ay parang pang dalawang pamilya na at kailangan pang gumamit ng cart para maihatid 'to sa dala namin sasakyan

"We need to stock foods in our house,our refrigerator only have water,beer and a box of milk and our drawers have been spiders house for a while so I think we need to put some stock there and also we have an outing this coming Friday right?we'll need some food for that"-paliwanag nya kaya tumango ako,tama naman sya.Ang laki ng bahay namin pero walang laman na pagkain ang drawers at ref,puro alikabok na siguro ang nandun

"Oo nga pala,sa tingin ko ay kailangan na nating mag-hire ng maid.Hindi ako marunong magluto kaya wala ding silbi ang mga pbinili natin"-sabi ko saka humarap sakanya,humarap din sya sakin saka ngumisi.Mukhang may kalokohan nanaman syang naisip,nako

"I know how to cook and I will teach you.We don't and will never need a maid.You have to learn how to cook for our future family"-nakangising saad nya pa saka kumindat at nag-patuloy na kami sa paglalakad,napatahimik naman ako at sumunod na lang sa paglalakad nya.Future family? ibig sabihin nagpa-plano na syang bumuo ng pamilya kasama ako? seryoso na talaga syang magbabago para sakin?

"Why are you so silent,Kasper? Is there any problem?"-biglang tanong ni Chaze kaya Napa-tingin ako sakanya.Hayy,Chaze! bakit ka ganyan?

Umiling lang ako saka yumakap sakanya,narinig ko ang mahinang pagtawa nya at saka ginulo ang buhok ko

"Let's go get some food"-yaya sya saka muling hinawakan ang kamay ko at sabay kaming nagpunta sa isang kilalang cafe,sya ang umorder ng kakainin namin at ako naman ang humanap ng mauupuan.Yung nasa bandang galid at tabi ng salamin ang pinili ko at agad na umupo at inilapag ang sling bag ko,medyo masakit na ang paa ko dahil matagal tagal din kami sa super market dahil masyadong mabusisi ang pagpili ni chase ng mga gulay at karne

"Are you tired?"-tanong ni Chaze pagkaupo sa tabi ko,umiling ako saka ngumiti sakanya

"Hindi naman,may balak ka pa bang puntahan?"-tanong ko,ngumisi lang sya saka umiling.Bakit kaya ang hilig nyang ngumisi?

Kinuha ko yung frappe ko at saka ininom,ano kayang plano nya ngayong araw?

"How many kids do you want to have,Kasper?"-biglang pagasasalita ni Chaze kaya muntik ko ng maibuga ang iniinom ko.Pakiramdam ko ay nainom kong bigla yung cup ng frappe

"A-ano?"-gulat na tanong ko saka bumaling sakanya.Anong sinasabi nya?

"How many kids do you want to have?I think it's okay for us to have our own family since we're married already and we're in our legal age,we're graduating and once I've pass my board exam I'll become a licensed engr so everyday living will not be our problem"-pahabang paliwanag nya kaya napatawa ako ng mahina.Seryoso ba sya sa sinasabi nya?nagpa-plano na syang magkaanak?

"Why are you laughing? I'm serious here,Kasper!"-maktol nya kaya lalo akong natawa,ibinaba ko ang hawak kong cup saka hinawakan ang mukha nya

"Seryoso ka ba?gusto mo ng magkaanak?kapag nagka-anak na tayo,hindi mo na magagawa ang mga bagay na gusto mong gawin,hindi mo na magagawa ang mga nakasanayan mong gawin"-paliwanag ko.Gusto ko din namang magkaanak kami pero ayokong pagsisihan nya 'yon.Gusto kong ienjoy nya muna ang pagiging binata nya at gawin ang mga bagay na nakasanayan nyang gawin.Alam kong hindi madali ang magkaroon ng sariling pamilya kaya ayokong biglain

"Of course I'm serious,I've think about it already and I know I'm ready to have my own family,our own family.I want to have six kids,three girls and three boys.Let's have a big family"-nakangiting paliwanag nya saka ako inakbayan.Nagsalubong naman ang kilay ko dhil sa sinabi nya.Siraulo talaga ang isang 'to

"Anim? ikaw ba ang manganganak ha,Chaze?ayon sa nabasa ko,hindi madali ang manganak!"-protesta ko.Hindi ko yata kakayanin ang manganak ng anim na beses!

"Hahahaha! If only I could give birth then I will own it,but you're the one who can so I will depend on you and don't you want to have a big family?"-tanong nya habang humahalakhak at nilalaro ang dulo ng buhok ko

"Two will be fine,a girl and a boy"-sagot ko.Okay na siguro ang dalawa

"What?two?!No!Five will be fine"-tutol nya kaya umiling ako,na-ah

"Hindi ikaw ang manganganak,Chaze kaya tumigil ka"-tutol ko din.Buti sana kung sya ang manganganak,kahit ilan pa ang gustuhin nya

"Four,its final.We'll have four kids"-kontra nya ulit kaua umiling ulit ako

"Three and it's final.Take it or leave it"-kontra ko din saka muling ininom ang frappe ko.

"Tch! alright then,we'll have three kids"-pagsangayon nya saka ininom din ang sariling frappe.I smile mischievously as I continue to slurp my drink

*****

*DONG*DING*DONG*DING*DONG*DING*DONG*DING*DONG*

Napa-lingon ako kay Chaze dahil sa biglang pagtunog ng doorbell ng sunod sunod,parang galit na galit sa door bell eh

"May inaasahan ka bang bisita?"-tanong ko sakanya pero umiling lang sya habang naka-salubong ang kilay.Kauuwi lang namin at parehong naka-upo sa sofa habang nanonood.Sino naman kaya ang nagdo doorbell na yon?

"Wait here"-saad ni Chaze saka binitawan ang kamay ko at tumayo para puntahan ang kung sino mang tao ang nasa labas.Sino kaya 'yon?

"Tangina mo Chaze! bakit ang tagal mong magbukas ng pinto?! siguro pinapagod mo na si Lime no?!"-napailing na lang ako ng marinig ko ang sigaw ni Vixen at ang malakas na halakhak ni Shire.Sila pala ang halos sumira ng doorbell namin

"Shut up,Dumbass.What do you need?"-narinig kong tanong ni Chaze at ilang sandali lang ay sunod sunod na silang pumasok sa sala kaya tumayo ako para batiin sila

"Magandang hapon,Lime!"-malakas na bati ni Shire at Vixen saka tumakbo papunta sa kusina,tumango lang naman si Kazz habang nakangisi saka dumiretcho upo sa isang sofa,ngumiti naman si Soul saka lumakad palapit sakin pero agad syang hinawakan ni Chaze sa balikat saka nginisihan.Umiling lang si Soul saka binatukan si Chaze na lumapit naman kaagad sakin saka ako hinigit sa bewang.

"Napaka-possesive mo namang gago ka,babatiin ko lang si Lime"-naiiling na saad ni Soul saka ngumiti sakin at umupo na sa tabi ni Kazz na prenteng nanonood ng t.v

"You can greet her without hugging or kissing"-naka-ngising sagot naman ni Chaze saka kami umupo na din,napailing na lang kami ni Soul

"Aba himala't puno ng stock ang ref nyo?anong nakain nyo at namili kayo?"-tanong ni Shire pagkalapit at may dala-dalang chocolate,sumunod naman si Vixen na isang malaking junk food ang dala

"What the fuck?! that's not for you to eat,shit heads!"-sigaw ni Chaze pero tinawanan lang sya nung dalawa at nakisiksik kela Soul at Kazz na agad silang binatukan pareho

"Anong pinapanood nyo?"-tanong ni Shire na lumipat na sa lapag,may carpet naman dun kaya okay lang na umupo sya dun

"Just some news"-sagot ni Chaze saka nagkibit balikat

"Lime,let's talk"-napalingon ako dahil sa biglang pagsasalita ni Soul.Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kazz kaya napalingon din ako sakanya,tumango lang sya sakin kaya kay Chaze naman ako tumingin,salubong ang kilay nya pero tumango pa din kaya tumayo na 'ko at sabay kaming lumabas ni Soul


******

Dito ko na lang po kayo ide-dedicate hehe,wala papo kasing pang update dun sa isa.Salamat po ulit!

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon