" Khalil? anong ginagawa mo dito?" tanong ko, ngumiti lang naman s'ya saka kumamot sa batok n'ya
" Napadaan lang, malapit lang dito yung bahay nung binisita ko kaya dumiretcho na ko dito "
" ganun ba, bakit? may kailangan ka? may maitutulong ba ko sa'yo? "
" wala naman, birthday mo ngayon diba? akala ko may handaan, hingi sana ko shanghai hahahahaha " pinihit ko patagilid ang ulo ko dahil sa sinabi n'ya. shanghai? parang narinig ko na pero di ko maalala kung saan.
" ano yung shanghai? " tanong ko kaya lalong tumawa si Khalil. ilang sandali pa s'yang tumawa bago tumikhim at umayos ng tayo
" Aalis ka ba? saan ang lakad mo?"
" Sa Peoples Park lang, may bazaar daw dun, mamimili ako ng pang-regalo "
" Ganun ba, sama ko baka may mabili din ako dun. sasakyan ko na lang ang gamitin natin, hatid na lang kita pauwi "
" Naku wag na, mag-convoy na lang tayo "
" Ayos lang ano ka ba, pa-birthday ko na din sa'yo "
" Ganun ba, sige...salamat "
" Tara "
Nauna s'yang lumakad palapit sa sasakyan n'ya at sumunod naman ako, pinagbuksan n'ya muna ko ng pinto bago sumakay din at nagsimula nang magmaneho. Hindi ba naghanda ang pamilya nila Khalil? bakit paskong pasko ay nasa labas s'ya
" Nasan nga pala si tito Liel? hindi ba kayo magse-celebrate?"
"Nag-celebrate na kami kahapon, galing kami sa puntod ni mama at kaninang seven lang umuwi"
"Aah, kaya pala mukha kang puyat"
"Lagi naman akong mukhang puyat"
"Sabagay, may punto ka. Hahahaha"
Ipinark n'ya yung sasakyan saka kami bumaba. bibilhan ko lang ng mga damit at laruan ang mga bata sa orphanage, pati na din sila sister Luisa at sister Ignasia.
Nagsimula kaming magtingin tingin sa kanang bahagi, maraming stalls ang nakatayo at iba't-ibang paninda ang makikita. mula sa mga laruan, damit, sapatos, accessories at mga pagkain. dito ko napiling mamili dahil ang sabi ay mapupunta sa home for the aged ang proceeds ng bazaar na 'to, project daw to ng panganay na ng apo ng governor ng Solomon Heights.
"Miss bili na kayo ng couple shirts namin, mura lang makakatawad pa kayo kapag tatlong pares ang binili n'yo"
"Mga mam ser dito kayo sakin bumili, siguradong bagay na bagay to sainyo dahil bagay na bagay din kayo"
"Ah hindi po--"
"We're n--"
"They're not couples"
Napalingon kami ni Khalil sa nagsalita at sumalubong samin ang kunot noong si Kazz. Anong ginagawa n'ya dito?
"Kazz"
"Flaus"
"Chance"
Teka? kilala nila ang isa't-isa?
"Let's go, Lime. Dun tayo banda sa mga damit pang-bata, diba mga bata ang pagbi-bigyan mo?" hinawakan ako ni Khalil saka hinila pero hindi kami umusad dahil hinawakan din ako ni Kazz.
"Lime, let's talk"
"Let's go, Lime"
"Lime" hindi ko alam pero parang nagsusumamo ang boses ni Kazz. Bakit kaya? may problema ba s'ya?
BINABASA MO ANG
Married to be Fooled
Romance[Nishikido Series #1] A Womanizer and a girl who dreams to be a nun,what kind of life will they have after their arranged marriage? xxxxxx [UNDER REVISION] Dia Jenny as Lime Kasper Suarez Got7 Yugyeom as Chazekio nishikido Amazing cover by-@ lolathe...