Pang-Anim

232 55 23
                                    

Dahil sa lalim ng mga iniisip ko eh hindi ko napansin na pumasok na pala yung prof

"I heard we have a new student,please introduce your self.I'm your philosophy prof by the way,I'm Jesusa Bautista"-naka-ngiting saad ng prof,nailang naman ako dahil naglingunan sakin ang mga kaklase ko.Tumayo ako saka napahawak sa braso ko

"I'm Lime Kasper Suarez,nice meeting you all"-pakilala ko saka ngumiti ng alanganin.Nag-ngitian naman ang mga kaklase ko saka nag-hello.Mukhang mababait ang mga kaklase ko

Pagkatapos kong magpakilala eh umupo na 'ko at nag-umpisa ng mag-discuss ang prof,tahimik lang naman akong nakikinig at ilang oras pa eh natapos na ang subject na yun at nagdismiss na.

Lunch break pagkatapos ay dalawang oras na vacant pagkatapos eh apat na oras ng klase.

Nakakatamad,'yan ang perpektong salita na makakapag-describe ng schedule ko.Hayy

Tumayo na 'ko saka lumabas ng classroom.Nakaramdam ako ng gutom kaya dumiretcho na ako sa cafeteria.

Medyo marami din ang tao pero hindi puno ang cafeteria.Salamin ang buong katawan nito kaya kitang kita ang labas at loob.

"Lime!"-napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko,nakita ko si Eia kasama ang isang lalaki.

"Halika!mag-share tayo ng lamesa!"-masayang sigaw nya saka lumapit sakin saka ako kinapitan.

Hinila nya ko papunta sa lamesa nila,nakatingin lang naman yung lalaki.

"Hoy Winnie!wag mong tinitingnan si Lime!may syota na sya!"-bulyaw ni Eia na ikinagulat ko.Ngumisi naman sakin si Eia pagkalingon nya

"Sya ang sinasabi ko sa'yo na tropa kong gagamutin ko,Haha!"-bulong nya pero halatang rinig naman nung kasama nya

"Tsk!baliw ka talaga,saan ka ba nagpunta kanina?naggala ka nanaman no?kaya di ka nakapasok?"-tanong nung Winnie

"Buang!hinanap ko nga kayo diba?"-pagdadahilan ni Eia.Hindi sya pumasok?

"Mas buang ka loko,nakalimutan mo na namaan ba?may klase kami kanina.Sabi kasi sayo mag pa admit ka na eh."-lintanya nung Winnie.humalakhak nmn ng malakas si Eia.

"Bwahahahahaha!ayaw.Mag shift na lang din kasi kayo!"-maktol nya pa.

Inilibot ko na lang ung tingin ko para di ko mapakinggan yung pinaguusapan nila.

Napadpad yung mata ko sa isang parte ng cafeteria,dahil sa salamin ang pader nito,kitang kita ko kung paano ang pagtitig na ginagawa nya.

Hindi nya napapansin na nakatitig ako sakanya dahil maayado syang hulog sa pagtitig kay Eia.

Magkahalong lungkot at galit ang nakikita ko sa mga mata nya.

Naramdaman nya siguro na may nakatitig sakanya kaya inilibot nya yung tingin nya,buti na lang at naka iwas kaagad ako ng tingin.Muntik nya na kong mahuli.

"Pinagpapantasyahan mo ba sya honey,huh?"-nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Chaze sa tabi ko,hindi ko napansin ang pagdating nya

Nilingon ko sya dahil agad na pumulupot ang braso nya sa bewang ko.Eksena.Kapag nakita 'to ng mga may gusto sakanya ay paniguradong gulo

"Anong sinasabi mo?"-tanong ko.Grabe ang epekto nya sa sistema ko,grabe ang pagkabog na ginagawa ng dibdib ko at ang pagkagulo ng buong sistema ko.Wala syang maidudulot na maganda saakin,nagugulo ang maayos kong mundo kapag malapit sya sakin

"Yun oh,si Mr.principal.Kanina ka pa nakatitig sakanya eh"-paliwanag nya.tiningnan ko sya ng masama,anong sinasabi nya?

"Anong sinasabi mo?hindi ako pedeng magkagusto sakanya"-paliwanag ko din.Nakikita ko na may kakaiba sakanila ni Eia,pero hindi ako mangingialam tungkol dun.

"Hahaha!It's good that you know that,any way,let's dat.I'm sure you don't like being here"-naka-ngising pagaaya nya,nagtataas baba pa yung kilay nya pero umiling naman ako

"No thanks.Okay na ko dito at isa pa,may klase pa 'ko"-sagot ko saka tumayo para umorder ng pagkain ko.

Pumila na ko,lang lima ako mula sa cashier,napasinghap ako nung nakita kong nagtatabihan yung mga nakapila nung lumapit si Chaze papunta sa casheir.Tsk!feeling hari.

"The usual,make it two"-sabi nya saka ngabot ng card

Agad syang inasikaso nung babae sa cashier hanggang sa maibigay lahat ng order nya

Lumakad sya pabalik sa upuan namin kanina saka nya ako hinila papunta dun at pinaupo

"Let's just date here then,so you won't be late for your next class"-nakangisi nyang sambit.Nararamdaman ko ang mga tingin ng ibang estudyante.

Napailing na lang ako,anong kalakohan ba ang pumasok sa isip nya at umeksena sya ng ganito?

Napatitig ako sa babaeng biglang lumapit,hapit ang uniporme ko pero mas hapit ang kanya.

Bakat na bakat ang kulay pula nyang bra,parang gusto ng kumawala ng mga dibdib nya mula sa uniporme,yung palda nya eh masyadong kinulang sa tela,konti na lang at panty na nya ang makikita,makapal ang make up nya,pulang pula ang labi at kulay blonde pa ang buhok.

Malandi syang ngumiti kay Chaze saka umupo sa tabi nito,sinadya nya ring pasayarin ang dibdib nya sa braso ni Chaze.

Napansin ko na biglang nag igting ang panga ni Chaze,natutuwa ba sya o naiinis?syempre natutuwa.Sexy'ng babae ang katabi nya.

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon