Pang-Apat

260 62 32
                                    

"Nandito na po ulit ako mama"-nakangiti kong sambit saka ko nilapag yung mga dala ko.

Umihip naman bigla ang hangin,sandali akong napapikit at dinama ang hangin saka ako umupo,inalis ko yung mga nakaharang na dahon.

In loving memories of :
Kassopea Mnemosyne-Suarez
december 25 1977--december 24 1996

"Mama..Alam mo ba mama,ikinasal na ko.Ngayon ang araw ng kasal ko,ipinakasal ako ni papa kapalit ng pakikipagmerge ng mga kompanya.Pinakasal nya ko para sa mga stocks."-naiiyak kong sumbong.

Kung sana nandito si mama siguro hindi to mangyayari siguro hindi ako maikakasal

"Mama,pa'no na 'ko mama?pa'no na ang pagma-madre ko?hindi na ko matutuloy sa pagpasok ng kumbento,Mama.Mama.."-tawag ko kay mama saka yumuko sa lapida nya  habang umiiyak

⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕⭕

Nagising ako sa isang malakas na ihip ng hangin.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko saka tiningnan yung oras.

4:50 am.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako,tumayo ako saka nagpagpag,tumingin muna ako sa lapida ni mama saka ngumiti ng tipid.

"Aalis na po ako mama,babalik po ako ulit"-paalam ko bago nilisan ang lugar na yun.

Pagdating ko sa bahay eh dumiretcho ako sa kwarto ko,magpapalit na sana ako ng damit pero nagulat ako dahil wala ang mga gamit ko sa kwarto ko.

Nanakawan ba kami?pero imposible,nakalock ang pinto pagdating ko.

Mataas din ang seguridad dito.Saan napunta ang mga gamit ko?tumakbo ako pababa at naabutan si papa na nagkakape at nagbabasa ulit kaya nilapitan ko sya

"Nasaan ang mga gamit ko,Papa?"-tanong ko kaagad,tumingin sya sakin na parang nagtataka

"Hindi mo ba alam?nasa bahay nyo na ni Chaze.Inilipat ang lahat ng gamit mo dun kagabi,hindi ka ba dun umuwi?"-paliwanag nya,napailing naman ako.Bakit kailangan pang magsama kami?

"Pero papa,bakit kailangang ilipat yung mga gamit ko dun?hindi ba pwedeng dun sya tumira tapos ako dito titira?"-tanong ko.Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.Kulang din ang tulog ko,susumpungin ako ng migraine ko nito

"Of course anak!you two are married,you have to live together.What's wrong with that?"-tanong nya.What's wrong with that?is he serious?

Ugh!lalong sumasakit ang ulo ko.Hinagis ni papa sakin ang isang susi at isang papel.

"Go there anak,do your responsibility as his wife."-napailing na lang ako.Hindi ba natatawa ang tatay ko sa mga sinasabi nya?

Kinuha ko yung susi at papel saka lumabas.Nagdrive ako papunta dun sa adress na nasa papel,buti na lang at alam ko ang subdivision na yun kaya hindi ako nahirapang hanapin

Isang two storey na bahay ang sumalubong sakin,may tatlong kotse na nakaparada sa labas.

Pinark ko sa gilid yung kotse ko saka pumasok sa loob.

Pagpasok ko pa lang eh tumambad sakin ang napakakalat na sala.

Madaming bote ng beer,mga balat ng chichriya,mga damit,baso at kung ano ano pa.Napailing na lang ako,mukhang nagkasiyahan sila dito dahil pareparehas silang bagsak sa lapag.

May apat na babae ding nakahiga,isa sa tabi ni Chaze,yung tatlo sa tabi nung tatlo pang lalaki.

Dumitretcho ako sa taas at nagtingin tingin,may tatlong kwarto.Dalawa sa kaliwa at isa sa kanan,binuksan ko isa isa para hanapin ang kwarto ko

Nakumpirma ko na yung kwarto sa gitna ang kwarto ko dahil nandun ang mga pictures ko at picture ng mama ko

Pumasok ako sa loob saka ko nilock ang pinto,naligo ako sandali saka natulog.

--------

Maaga akong nagising kaya maaga din akong nakapaghanda para sa pagpasok.

Pagbaba ko eh naabutan ko yung mga kaibigan ni Chaze na nasa kusina at kumakain.

Hindi ko sila pinansin at dumiretcho sa ref para kumuha ng tubig,wala na yung mga babae.

"Oh.Good morning my gorgeous wife,mind joining us?"-alok ni Chaze habang nakangisi.wala syang soot na pangitaas.

Kahit yung mga kaibigan nya eh hubad din,umiwas ako ng tingin saka umiling.Bakit kailangang nakahubad sila?

"No,thanks"-sabi ko saka lalabas na sana,nagugulo talaga ang sistema ko kapag nakikita ko sya,lalo na kapag nakakausap

"Wait,why are you still wearing that uniform?"-tanong ni Chaze kaya nilingon ko sya,nakaturo pa sya sa suot kong uniform.Saraulo ba sya?

"Papasok kasi ako"-inosenteng sagot ko,tumawa naman ng mahina yung tatlo

"You are not attending
St.Escolastica anymore Kasper,you'll be attending Della Concorde with me"-paliwanag nya na muntik ng ikalaglag ng panga ko.Inilipat nila ko?!

"A-anong sinasabi mo?bakit nila ko nilipat?"-tanong ko.Hindi yun pwede!pati ba naman sa skwelahan?nagkibit balikat sya saka ngumisi

"I don't know,but one things for sure.They transferred you already honey,and you cant do anything about it"-nakangisi nyang sambit saka bumalik sa pagkain

Kaya pala may nakita akong uniporme dun.Ang akala ko isa sa mga babae ang may ari nun.

"And now honey,change your uniform.I'm damn sure  na mas bagay sayo ang uniform ng Della Concorde"-ang lalim ng boses nya lalo na kapag nagtatagalog at ang hilig nyang ngumisi.tch

Umakyat na 'ko sa taas saka nagpalit,masyadong hapit sa katawan ko ang uniporme na to.Akin ba talaga 'to?parang nagkamali sila sa sukat ng katawan ko

Pagkatpos kong maiayos yung nectie ko eh lumabas na ko.nakauniporme na din yung apat,bakit kaya hindi pa umaalis ang mga 'to?

"Hi miss Lime,Im Kourt Vixen Krene"-bati nung may highlight na pink.Mukha syang bata,batang abnormal.

"Hoy Shire,isabay mo 'ko!"-sigaw nung kulay brown ang buhok na nangangalkal sa ref.

Humalakhak naman yung Shire daw na may kulay black na buhok

"Hahaha!hindi ka ba naman gago!iiwan iwanan mo yung kotse mo eh!"-malakas na sigaw nung Shire daw.

"Ulul ka kasi Kazz para kang laging sabik sa babae"-kantyaw nung bumati sakin na Vixen daw ang pangalan.

Umiling na lang ako saka lumabas,sumakay ako sa kotse ko saka nagdrive papunta sa Della Concorde.

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon