Pang-Apatnapu't Dalawa

99 4 2
                                    

Nakangiti lang si Lime habang pinapanood ang mga kasama na magkasiyahan,nakaupo sya sa isang bench habang may hawak na tasa ng buko salad.Walang tigil sa paghaharutan sila Chaze,Kazz,Vixen at Shire,walang tigil ang pagtutulakan nila at kung minsan ay napagdidiskitahang ihagis si Siety at Nicole sa pool saka tatawa ng malakas.Hindi din sya masyadong lumulusong ng pool dahil hindi nya din iyon hilig,kapag napapagdiskitahan lang na ihagis nila Shire at Vixen at pagkatapos ay aahon din kaagad

Napailing na lang sya dahil sa pagsapak ni Vixen kay Chaze atsaka naghabulan ang dalawa papunta sa iba pang pool

"Hi Lime!tuyo ka na ah!"-nagitla sya sa biglang pagsulpot ni Vixen sa likod nya at agad nitong inagaw ang tasang hawak muntik na syang mapasigaw ng bigla syang buhatin ni Kazz at saka tumakbo at tumalon sa pool

Pagkalutang ay agad nyang hinampas sa balikat si Kazz na hinalakhakan lang sya kasabay ni Shire na sinipa ni Nicole kaya nahulog sa pool

"Mga loko-loko talaga kayo"-naiiling na sabi nya kaya muling humalakhak si Kazz saka sya inalalayang pumunta sa mas mababaw na parte ng pool

"Hindi ka ba marunong magalit?"-tanong nito kaya nagkibit balikat sya saka muling ngumiti at umupo sa baitang

"Marunong siguro.Hindi ko pa kasi nasusubukang magalit kaya hindi ko din alam ang kapasidad ng galit ko hehe"-sagot nya kaya tumango tango si Kazz habang nanatiling nasa pool at kaharap si Lime.May sapat na layo sa pagitan nila pero hindi yun halata kung mula sa likod ni Lime titingnan

"Wag ka ng umahon,hindi ka titigilan ng gunggong na sila Shire at Vixen hanggat nakikita nilang naka-ahon ka"-payo ni Kazz kaya tumango na lang si Lime at nanatiling nakaupo sa baitang,bigla namang sumulpot si Shire at walang tigil na nagtampisaw at binabasa sila kaya gumanti si Kazz at Lime saka binasa din si Shire na halos nakakainom na ng tubig kaya tumawa sila ng tumawa habang nagbabasaan

Nakangisi namang bumalik si Chaze at agad na lumapit sa pwesto ng mga kasama at hinapit nya sa bewang si Lime na agad na napalingon sakanya

"Are you done eating?"-tanong nya kaya tumango ito at saka ngumiti kaya tumango sya at hinawi ang ilang buhok na humarang sa mukha

"Kazz dumating na daw yung mga speakers!Umpisahan mo na!"-masayang balita ni Vixen kaya agad na umahon si Kazz at Shire saka sila nagtakbuhan

"Let's start the real party!"-malakas na sigaw ni Vixen saka sumunod sa dalawa at nagsunudan naman ang iba pa,naiwan si Chaze at Lime sa pool na parehong nakaupo at nakalublob ang mga paa,naka sandal ang ulo ni Lime sa balikat ni Chaze habang naka-akbay 'to sakanya

"Anong oras na?"-tanong ni Lime habang nilalaro ang mga daliri ni Chaze,kahit na lalaki ito ay hindi maipagkakailang magaganda ang daliri at malinis,hindi mahaba ang kuko nito pero maganda pa ring tingnan.Mahahaba at malaki ang kamay nito kumpara sakanya,napansin nya ang singsing na suot nito kaya napangiti sya.Ang wedding ring nila

"Quarter to Seven,are you tired?"-tanong nito kaya agad syang umiling at pinagpantay ang palad nilang dalawa

"Your hands are small and slim"-komento nito kaya tumango s'ya bilang pagsangayon "And it fits my hands perfectly,like it's made just for me to hold on to.It's made to be mine"-Chaze added and her smile grew wider as she intertwine their fingers and close her eyes to feel the sweet atmosphere,they stayed like that for minutes and decided to join their friends that is starting to enjoy the party as the loud party music start booming,Kazz is the one who's manifesting the music while wearing a pair of headset and is banging his head joyfully in the air,their classmates dance their bodies to the music and everybody enjoyed the night

"Dumating na yung mga alak!"-sigaw ni Roy habang may buhat na isang case ng alak,agad na huminto sa pagsayaw ang iba pa saka pumunta sa gate at binuhat ang ilan pang case ng alak.Umorder sila ng pitong case ng alak para sa pagkakasiyahan ngayong gabi,kakat'wang naging magkasundo na ang dalawang klase at naging kaibigan ang isa't-isa

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon