Pang-Labing Apat

201 36 2
                                    

"Lime,may facebook ka ba?"-tanong ni Soul habang nakatambay kami ngayon dito sa open field

"Meron,pero madalang ko lang buksan hindi ko naman hilig ang ganun"-sabi ko sabay subo ng macaron.Si Khallil ang gumawa nun para sakin,pero hindi ko naman hilig ang mga ganun kaya hindi ko ginagamit

"Buksan mo dali!i-add mo ko"-excited na utos nya.Inilabas ko yung cellphone ko kaso may naalala ako

"Wala akong application nun"-sabi ko saka bumaling sakanya,bigla namang tumawa si Soul ng malakas

"Dito ka na nga lang mag bukas sa phone ko"-sabi nya sabay abot ng phone nya.Kinuha ko yun saka nag-type at ilang segundo lang eh nagbukas ang page

"Patingin!"-exited na sigaw nya saka kinuha sakin ang cellphone nya saka nag pipindot

"Wow!famous ka pala eh.1,156 friend request...eh?!lima lang ang friends mo?!"-gulat na tanong nya na parang hindi makapaniwala

"Sila lang kasi ang kakilala ko eh"-sagot ko sabay subo ulit ng macaron,ang sarap talaga nito

"Maddie Aspen-Chaos,Psyche Chaos,Khallil Aziron Chance,Michael Iory Lamperouge..teka kilala mo yung pinsan ni Chaze?"-napalingon ako sakanya pinsan?sinong pinsan?

"Small world talaga pero teka dagdagan natin ang friends mo saka papasahan kita ng app,para kang taong tabon eh"-nagkibit balikat naman ako,Hindi ko naman talaga hilig ang mga ganyan nakatambak nga lang sa bahay yung laptop ko na ginagamit ko lang kapag may project ako

"Yan!sure naman na ia-accept ka ng mga to,teka!mauubos mo na yang macaroons wala pa kong nakakain!"-sigaw nya bigla kaya natawa ako,isang box ang dala nya,ngayon pitong piraso na lang.Isinubo nya ng sabay sabay yung tatlo kaya natawa ako lalo

---
"Kain tayo lugaw,gusto ko ma try maging yagit"-yaya ni Shire sa mga kasama
nakatambay sila sa corridor ng classroom nila

"Yagit ka naman talaga try try ka pang nalalaman jan"-pang babara ni Kazz habang tinatali ang buhok.Humalakhak naman ng malakas si vixen

"Haha oo nga!pero tara gusto ko din kumain ng palabok"-singit naman ni Vixen, binatukan sya bigla ni Kazz

"Kunwari ka pa,isa ka din namang yagit"-sabi pa nito matapos iribon ang panali

"Sus!nakita nga kitang bumibili ng mahiwagang burger nung isang araw!"-pangaasar naman ni shire kay Kazz

"Hahaha!sa unang kagat tinapay lahat!"-sigaw ni Vixen na iniba pa ang tono ng boses agad na natawa ang mga nakarinig

"Hahaha!may kasama pang tulo ng pawis"-dagdag pa ni Shire na kunwari eh may iwinisik

"Eeww!kadiri!"-sabi naman ni Kazz na tila diring diri sa mga pinagsasabi ng kasama

"Haha!tara gusto ko ding kumain ng champorado"-singit ni Vixen na tumayo na,tumayo na din si Kazz saka binatukan ulit si Vixen

"Inamo kanina palabok ngayon champorado,hayop ka? di mapakali yang bituka mo"-pambabara ulit ni Kazz.

"Ina nyo!tara na may palamigan sa labas.Madaming bumibili dun eh gusto i-try"-singit din ni Shire

"Gagu wag kang bumili dun!may magic sugar yun!"-sigaw naman ni Vixen habang umiiling pa

"Magic sugar?ano yun pag bumili ka may lalabas na hipopotamus?"-epal pa ni Kazz kaya binatukan sya si Vixen

"Gago!na kaka cancer yun!"-sagot nito,tiningnan naman ni Kazz ng masama ang huli

"Ahhh.K.Edi quak quak na lang!"-masayang suhestyon ni Shire na parang malaking tulong sa ekonomiya ang naisip nya

"Quak quak?ano yun?"-inosenteng tanong ni Kazz saka tumingin sa dalawa

"Yung kulay orange na bilog?"-hindi siguradong sagot ni Shire

"Ano ba laman nun?kulay orange?parang kadiri"-tanong ulit ni Kazz saka inisip ang sinasabi ng nga kasama

"Kadiri ka jan!madami ngang kumakain nun nakikita ko"-sagot naman ni Shire

"Hindi mo nga alam kung anong laman nun eh!at hindi ka pa sigurado kung ano yun tapos sasabihin mo masarap!"-sigaw ni Kazz habang hinampas ang likod ni Shire na agad naka-iwas

"Wala akong sinabing masarap!"-depensa ni Shire,tumawa lang si Vixen saka binatukan ang dalawang kasama.Mga sadistang ugok

"Skewer na lang para walang away!yung patatas na paikot na ganto sa stick?"-sabi naman ni Vixen na pinaikot pa ang daliri

"Bobo mo talaga!french fries lang hindi mo alam?!"-tanong ni Kazz saka binatukan si Vixen

"Bobo mo!taong tabon ka talaga!di yun french fries!nasa stick nga ee!"-sagot naman ni Vixen habang hinihimas ang batok

"Hindi naman tayo mabubusog dun!patatas lang yun eh!"-singit naman ni shire

"Edi lugaw na lang!lima lang"-sagot naman ni Shire.Parehas na napahinto ang tatlo ng may mapagtanto

"Lima?may barya ba kayo?"-tanong bigla ni Kazz kaya napaisip naman ang dalawa

"Huh?ah eh,meron!may 500 ako dito"-sagot ni Shire sabay labas ng wallet

"Wala ka bang barya?500?baka walang maipanukli yung nagtitinda"-sabi naman ni Vixen

"Hindi naman ako naglalagay ng barya sa wallet,pampabigat lang yun eh"-singit din ni Shire

"Oo nga,Ihinuhulog ko sa bantay sexy 169 sukli kong barya eh"-dagdag pa ni Kazz

"Hahaha!bantay sexy?!"-tanong ni vixen habang humahalakhak

"Oo hahaha!foundation ni Chaze"-humahalakhak na sagot ni Kazz

"Hahaha!Oo nga pala asan yung gunggong na yun?"-tanong bigla ni Shire ng mapansin na kanina pa wala si Chaze

"Ayun nakabingwit ng babae nag so clean so good!"-humahalakhak na sagot naman ni Kazz.anagpatuloy sila sa paglalakad

"Hahahaha!tara na nga"-sigaw ni Vixen saka nagpa-tuloy sa paglalakad

"Pero teka,mainit oh masusunog ang balat ko!kakagaling ko lang sa spa!"-napahinto silang tatlo ng makita ang mainit tirik na araw

"Manghiram na lang tayo ng payong!tomjones na talaga ko!"

"tara"

"Wait lang.Hi honey"-lumapit si Kazz sa tatlong babae na kakapasok lang ng building

"Hi Kazz"

"What can we do for you baby?"

"Pwede ba naming mahiram ang payong nyo?"-malanding tanong nito

"Anong kapalit?"-tanong ng isa na nagpapa-cute

"Ide-date kayo ni Chaze"-naka ngising sagot nito,napangiti naman ang tatlo saka agad  a inabot ang payong.Inabot yun ni Kazz saka bumalik sa mga kasama na tumatawa

"Tara na"-nakangisi nyang sambit sabay abot ng payong kinuha naman kaagad yun ng dalawa pa saka sila naglakad

"Tang ina talaga!masusunog ang balat ko!"-reklamo ni Kazz humalakhak lang naman ang dalawa

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon