Pang-Lima

231 60 28
                                    

Malapit lang ang DLC sa bahay na tinitirhan ko,siguro mga 10 mins na byahe

Ipinark ko yung kotse ko saka bumaba.Halatang pangmayaman din ang skwelahan na 'to dahil kanya kanya ang kotse ng mga estudyante.

Una kong pinuntahan yung guidance office,naitanong ko na 'to kanina sa guard kaya hindi na 'ko naligaw.Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.

Nakangiti sakin yung principal pag-pasok ko,parang ang bata nya pa masyado para maging principal.

"Good morning po"-bati ko saka umupo,lalo namang lumaki ang ngiti nya

"Good morning din,ako nga pala ang principal ng skwelahan na to.I'm Ryden,just call me Red.you're Lime Kasper Nishikido,right?"-nakangiti nya pa ding sabi,umiling naman ako dahil sa huling sinabi nya.Lime Kasper Nishikido?na-ah

"Suarez po ang apilyedo ko.hindi po Nishikido"-paliwanag ko.Hanggat maaari,ayaw kong gamitin ang Nishikido bilang surname ko.Alam kong sikat si Chaze,kaya ayokong magulo ang buhay ko dahil sa surname na yan.

"But it says here that you are married with Mr.Chazekio Nishikido"-takang tanong nya,tumango naman ako bilang sagot

"Opo,pero Suarez po ang gusto kong gamitin.Pwede po ba yun?"-nagbabakasakaling tanong ko,ngumiti naman aya ulit

"Alright then,here's your schedule and your section"-sabi nya saka iniabot sakin yung papel.

Nagpasalamat lang ako saka lumabas na.Buti na lang kumuha ako kanina ng brochure,may map sa likod nito na magagamit ko.

Mas mapapadali ang paghahanap ko sa classroom ko.

Habang nagbabasa ako eh may nakabangga akong babae.maiksi na wavey ang buhok nya,may dalawang maliit na parte ng huhok nya ang naka tali,hindi din sya nakauniform dahil loose maong jump suit ang soot nya.Mukha syang outsider.

"Sorry miss,haha!may tinataguan kasi ako.by the way highway.I'm Eia nga pala,ikaw?what's your name?"-ang dire-diretchong saad ngmya,weird nya.Masyado syang masiyahin

"Lime.Lime Suarez."-sagot ko.Ngumiti naman sya ng malaki

"Waaa!ang ganda naman ng pangalan mo!magkaibigan na tayo ok?"-nagulat ako dahil sa pagsigaw nya.Ang weird nya talaga

"Student ka din ba dito?"-tanong ko,pero hindi kasi sya nakauniform.Pwede ba ang hindi naka-uniform dito?

"Oo haha,hindi lang ako nakauniform kasi nabasa.Papunta ka na ba sa classroom mo?sabay na tayo.Anong course mo?"-dirediretcho nyang sabi saka ako kinapitan sa braso

"Oo,at Business Administration ang course ko"-sagot ko.umiling naman sya bigla na parang hindi nya gusto ang sinabi ko

"Ang boring ng course mo,dapat nag Psychology ka na lang,mas masaya pa!"-masayang sigaw nya.Ayaw ko naman tlga ng BSBA.May iba akong gusto ang kaso ay ayaw ni papa

"Psychology ba ang course mo?"-tanong ko.Masaya naman syang tumango

"Oo haha!una kong gagamutin yung tropa ko,siraulo kasi yun.Haha!"-sa palagay ko parang mas kailangan nya pang magamot.Iba ang pagiging hyper nya

"Eia"-napalingon kaming dalawa sa tumawag sakanya.Nakakunot ang noo nito habang papalapit

"Oh principal!bakit?"-alanganing tanong ni Eia,parang bigla syang naging uneasy.Pati si Red.

"Bakit hindi ka pa pumupunta sa classroom mo?magrereklamo nanaman yung prof mo dahil late ka."-dirediretchong sabi nito.

Parang bigla syang nagiba,kanina pangiti ngiti sya,ngayon naman napaka seryoso nya.

"Tch!Osya Lime,mauuna na pala ako.Sa susunod na lang ulit.Nasan na ba kasi yung si Winnie?"-tanong nya sa sarili nya habang naglalakad palayo

Nag tsk naman si Red saka umalis na din.Ang weird nila parehas.

Naglakad na ko ulit papunta sa classroom ko.Pagpasok ko eh wala pa masyadong tao.

Pumwesto ako sa bandang dulo saka tumunganga sa bintana.

Hindi ko alam kung ano ba ang una kong dapat isipin.

Pano ba ko makakaalis sa sitwasyon na 'to?gusto kong makipaghiwalay na lang kay Chaze pero alam kong hindi pwede yun.

Magagalit si papa dahil pwedeng bawiin ng pamilya ni Chaze ang lahat ng naipasok nila sa kompanya namin.

Ayoko din naman na makasama ng matagal si Chaze,hanggat kaya kong pigilan ang nararamdaman ko eh gagawin ko.Ayokong lumalim to dahil alam kong ako lang ang makakawawa.

Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko para sakanya dahil alam kong masasaktan lang ako.

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon