Ipinarada ko ang sasakyan ko saka bumama,kaninang umaga lang ako umuwi at dumiretcho ako sa bahay kung saan kami nakatira ni Chaze at dun na naligo,buti na nga lang at may uniform ako dun
Dumaan din muna ako sa bahay nila Chaze para makuha ang ilang damit ko at nalaman ko na hindi umuwi si Chaze kagabi,mukhang nagkasiyahan nanaman sila nila Kazz
Dumiretcho ako kaagad sa classroom ko at naabutan ang mga kaklase ko na nagha-handa pa lang,sinadya kong maagang pumasok para makapag handa din
"Lime!Oh my god!buti pumasok ka na!"-salubong ni Jei pagka-kita nya sakin,nginitian ko lang sya saka ako lumapit sa pwesto nila,mine-make up-an ang kaklase ko na si Caren,mukhang sya ang pumalit sakin
"Pasensya ka na,Jei.Kamusta ang booth natin?"-tanong ko saka umupo sa isang upuan at isinabit ang bag ko sa gilid ng lamesa
"Ayun,medyo humina ang booth natin dahil ikaw nga ang dinadayo ng iba.Kilala ka pala sa St.Escolastica,Lime!"-sagot nya saka tumayo
"Rica!nandito na si Lime!ayusan nyo na sya!"-tawag nya kay Rica at Vina na naka-upo sa teachers table
"Hi Lime!loka ka ah!bat ngayon ka lang pumasok?"-tanong ni Rica saka lumapit sakin,nginitian naman ako si Vina,I just gave them an apologetic smile
"Buti naman at pumasok ka na,Lime.Ang baba kaya ng nakukuha naming tip nung nakaraang dalawang araw,napilitan na nga lang si Caren na mag whole day eh"-saad ni Vina saka inilabas ang mga gagamitin nila para ayusan ako
"Pasensya na talaga"-sagot ko lang,nginitian lang nila ko saka ako inumpisahang ayusan,ilang oras pa at nagbukas na din ang booth namin,katulad nung unang araw ay dagsa ang mga estudyante,yung iba taga dito din sa DLC yung iba naman ay taga ibang eskwelahan
"Okay lang ba,Lime kung mamayang hapon ka na mag-break?wala pa kasing papalit sa'yo dahil nasa clinic si Caren"-tanong ni Jei kaya tumango ako
"Okay lang,para maka bawi na din"-sagot ko saka ngumiti,ngumiti din sya saka nagpaalam na dahil isa sya sa mga kumukuha ng orders
"Nandito na ba talaga ulit?"
"Oo,may nag post na nga sa facebook eh"
"Taraa!geez!pangalawang araw na pagbalik ko dito"
"Order muna tayo,gwapo din yung mga kumukuha ng orders eh,hihihi!"
"Mas gwapo yung barista,ayun oh!"
Busy ako sa pakikinig sa usapan nung mga pumapasok nung may bigla nanamang humawak ng pisngi ko,napatingin ako dun sa lalaki.Sya din yung lalaki na humawak sa pisngi ko nung isang araw
"I can't really believe that such face is existing"-naka-ngiting saad nya saka naglabas ng pera at ihinulog dun sa box,tiningnan nya muna ako ng matagal bago sya lumabas
Weird
*****
Nakatambay si Kazz at Chaze sa corridor ng department nila,katatapos lang nila sa booth nila at kapansin pansin ang pagka-bad mood ni Chaze na bihirang mangyari"Nandun na daw ulit yung corpse bride ng 408-BA-A"
"Talaga?puntahan natin!"
"Ano yun pre?"
"Yung booth ng mga B.A second years is corpse bride,ang ganda nung corpse bride nila"
"Oo nga eh!nakita ko din yung pictures nun sa site ng DLC,ang ganda pre!"
"Eto tingnan mo,tangna!bagay sakanya yung make up nya!"
"Ano ba pangalan nun,pre?"
"Lime daw,Lime Suarez"
BINABASA MO ANG
Married to be Fooled
عاطفية[Nishikido Series #1] A Womanizer and a girl who dreams to be a nun,what kind of life will they have after their arranged marriage? xxxxxx [UNDER REVISION] Dia Jenny as Lime Kasper Suarez Got7 Yugyeom as Chazekio nishikido Amazing cover by-@ lolathe...