Pang-Tatlumpu't Walo

107 5 0
                                    

Chineck ko ulit kung may nakasaksak pa at nung nasiguro kong wala na eh lumabas na ko saka ko nilock yung pinto,pagharap ko ay pareho pa kaming nagulat ni Khallil sa isat isa

"May lakad ka?"-tanong nya kaya tumango ako bilang sagot

"Pupunta ako sa PCC,kailangan kong bumili ng isusuot ko para mamaya"-sagot ko kaya tumango sya

"Dito ka muna?Ikaw muna bahala dito sa bahay"-dagdag ko pa saka iniabot sakanya yung susi ng bahay pero umiling lang sya saka ngumiti

"Sasama na lang ako sa'yo,I'm damn bored"-tumango ako saka sumunod sakanya,binuksan nya yung pinto ng sasakyan nya kaya agad akong sumakay at mabilis din syang sumakay saka nagmaneho papuntang PCC

"Oo nga pala,nasan sila Iory,Maddie at Psyche?"-tanong ko saka tumingin kay Khallil na diretcho lang ang tingin habang nagmamaneho

"Si Iory eh ipinatawag ng lolo nya,si Psyche at Maddie naman ay nag-date kaya eto at naiwan akong magisa"-sagot nya kaya napatango na lang ako at nanahimik na kami,ilang sandali pa ay nasa PCC na kami

Sabay kaming pumasok ni Khallil sa unang couture na nakita namin,agad akong lumapit sa displays ng mga gown at si Khallil naman eh sa rack nung mga polo lumapit.Kahit siguro hindi ganun kagara ang soot ko,simpleng party lang naman iyon eh

"Para saan mo pala gagamitin?"-biglang tanong ni Khallil kaya nilingon ko sya,nasa rack na sya ng mga dress

"Party ng Della Concorde,successful daw kasi ang naging school festival"-sagot ko,hindi dapat ako pupunta kung di lang dahil kay Jei

"Himala at pupunta ka? wala ka namang hilig sa mga party diba?"-tanong nya saka lumapit at tumingin din sa mga gowns

"Pinilit ako ng class president namin,wala talaga akong balak pumunta"-sagot ko saka tumingin ulit sa mga gown,ano bang dapat kong isuot?

"Mas bagay sa'yo itong puti,Lime"-turo ni Khallil sa isang puting tule gown,simple lang pero maganda.Ito na lang siguro

"Miss ito na lang ang kukunin ko"-tawag ko sa naga-assist sabay turo dun sa itinuturo ni Khallil

"Isusukat nyo pa po ba,Ma'am?"-tanong nya kaya umiling ako

"Hindi na"-sagot ko kaya tumango sya

"This way na lang po Ma'am for payments"-akay nya kaya sumunod ako,sumunod din si Khallil saamin at may dala syang dalawang polo shirt

*****

"Ano sa'yo,Lime?"- tanong ni Khallil habang nakatingjn sa pagpipilian ng mga pagkain,tumingin din ako dun at pumili.Napagpasyahan naming kumain muna at nagyaya syang sa Jollibee na lang daw dahil namimiss nya ng kumain dun

"Yung C3 na lang ang akin"-sagot ko saka bumaling kay Khallil na tumango naman "hahanap lang ako ng mauupuan natin"- dagdag ko pa kaya tumango sya ulit

Naglakad lakad ako para makahanap ng bakanteng lamesa,mukhang sikat ang kainan na 'to dahil marami-rami din ang kumakain

"Good afternoon ma'am"-nakangiting bati nung isang crew kaya nginitian ko din sya

"May table na po kayo ma'am?"-tanong nya kaya umiling ako at iginiya nya naman ako palapit sa isang bakanteng lamesa

"Salamat"-sabi ko saka ngumiti at umupo na,ngumiti lang sya at umalis na napansin kong palinga linga si Khallil kaya itinaas ko ang kamay ko para makuha ang atensyon nya,nung nakita nya ang kamay ko ay agad syang lumapit at inilapag yung tray ng pagkain namin saka umupo

"Anong oras yung party nyo?"-tanong nya habang kumakain,hinalo ko muna yung spaghetti

"Alas s'yete daw hanggang alas dose"-sagot ko saka iniikot yung tinidor sa spaghetti,siguro kahit hanggang ten lang ay pwede na 'kong umuwi

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon