Pang-Tatlumpu't Dalawa

166 26 3
                                    

"Saan ka galing?"-tanong ko habang ginagamot ang mga sugat sa mukha nya,ngumiti lang sya saka umiwas ng tingin

"May tinuruan lang ako ng leksyon"-sagot nya saka pumikit,napa-buntong hininga naman ako.Hindi hilig ni Iory ang makipag-away,pwede pa kung si Khallil o Psyche.Mga basag ulo ang dalawang yun

Si Psyche,kung gaano kawalang emosyon ng mga mata nya ay ganun din syang kawalang kapakea-alam sa paligid nya.Bukod kay Iory at Khallil ay wala na syang pakialam sa iba,kahit na nagpapatayan na ang nasa harap nya eh panonoorin nya lang yun,baka nga kumuha pa ng popcorn,medyo nagbago lang nung naging sila ni Maddie,medyo may pakialam na sya

Si Khallil naman na mukhang masiyahin dahil palaging naka-ngiti ay iba din ang ugali.Mukhang masayahin at mabait pero iba kapag nagalit.Nagiging halimaw ang isang 'yon at walang sinasanto.Kadalasan sa mga binubugbog nun eh kung di sa ospital ay sa morge na ang bagsak.Hindi ko sigurado kung kelan magbabago ang isang yun.

At si Iory naman eh isang womanizer.Hindi ko alam kung naka-ilang babae na sya,wala syang sineseryoso,lahat ng babae para sakanya eh pang-kama lang.Pagkatapos nyang makuha ang gusto nya eh iiwan nya na ang babae,ang sabi nya dati ay ayaw nya ng commitments dahil masyadong demanding ang mga babae.Hindi ko sigurado kung nagbago sya.

"Ang tahimik mo masyado.Iniisip mo ba sya?"-biglang tanong nya kaya napa-tingin ako sakanya,naka-pikit pa din sya habang nakasandal sa sofa,humugot ako ng isang malalim na hininga bago sumangot

"Hindi"-maiksing sagot ko saka iniligpit yung mga ginamit kong panggamot,nagbuntong hininga sya pero nanatiling naka-pikit.Hindi ko naman talaga iniisip si Chaze,kaya nga nandito ako ngayon,dahil umiiwas ako sa mga problema.

"Gusto mo ba talaga sya?"-tanong nya,tiningnan ko sya ng matagal bago umiwas ulit ng tingin

"Oo"-sagot ko.Totoo naman at wala na ding kwenta kung sasabihin kong hindi,kahit anong gawin ko ay hindi na mababago na gusto ko na talaga sya

"Mahal mo na?"-tanong nya ulit,nagbuntong hininga ako ulit saka napa-iling.Kahit ako ay hindi sigurado sa nararamdaman ko

"Hindi ko alam"-sagot ko ulit,umayos sya ng upo saka yumuko.nagbuntong hininga ako ulit saka umayos din ng upo

"Pero nasasaktan ka?iniiyakan mo sya?naghihintay kang suyuin ka nya?naghihintay kang puntahan ka nya?lumayo ka pero umaasa ka na hahanapin ka nya?"-dire-diretcho nyang saad,kahit na patanong ang pagkakasabi nya niyon ay parang hindi nya na kailangan ng sagot.Na parang bago ko pa maintindihan ang tanong nya ay alam nya na ang sagot.At kahit na ayoko ay tama sya.Tama ang lahat ng sinabi nya.Tama sya na umaasa ako,na umaasa akong hahanapin ako ni Chaze,na susunduin nya 'ko,na susuyuin nya 'ko,na magpapaliwanag sya.

Nasasaktan ako pero wala akong magawa.Masyado ng nakontrol ni Chaze ang puso at isip ko,na kahit ayoko ay wala akong magawa

Nagbuntong hininga si Iory saka tumayo pero hindi sya humarap sakin

"Uuwi na 'ko.I-lock mo lahat dito bago ka matulog,wag kang magbubukas basta basta"-huling sinabi nya saka dire-diretchong lumabas.Napa-buntong hininga ako ulit saka napa-yuko

Isa isa nanamang tumulo ang luha ko hanggang sa tuluyan ng bumuhos.Hindi ko na alam kung ano pa ang kailangan kong gawin,nagsasawa na 'ko sa buhay ko pero malaki ang takot ko sa Diyos,gusto ko ng tapusin ang sarili kong buhay pero hindi ko kaya.Wala akong karapatan dahil ipinahiram lang sakin ang buhay ko at hindi ko alam kung kelan 'to matatapos

                            ---

"Good Morning,Ma'am.What can I do for you?"-naka-ngiting tanong ng babae sa front desk kaya nginitian din ito pabalik ni Shin

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon