Pang-Apatnapu't Pito

59 2 0
                                    

Nagising ako sa sakit ng ulo ko,napansin ko ding wala si Chaze sa tabi ko kaya tumayo ako at dumiretcho sa baba pero walng kahit na anong bakas nya.Mukhang hindi sya umuwi,nasaan kaya sya? hindi man lang sya nag-abalang tumawag o magtext man lang. Masyado ata syang abala sa kailangan nyang gawin kaya hindi sya nakapagtext

Napailing na lang ako saka kumuha ng makakain at tumuloy sa sala,pang hapon nga pala ang klase ko ngayon dahil naghahanda sila para sa gaganaping closing ceremony at awarding ng mga players.Nakailang panalo kaya ang DLC? sana pala ay itinanong ko kay Jei kahapon

Nilapag ko yung mangkok ko saka naupo,inabot ko yung remote at binuksan yung t.v para magpalipas ng oras.Anong klaseng palabas ba ang meron dito? mapapanood ko kaya si Yuan dito? artista sya diba? hayy,bakit kasi hindi ko hilig manood ng t.v? wala tuloy akong alam

Bumungad sakin ang pang-umagang palabas,puro news lang pala kapag umaga.Pinatay ko na lang yung t.v at yung hand phone ko naman ang inabot,teka anong gagawin ko sa phone ko?

Muntik ko ng mabitawan yun nung biglang nagring,rumehistro ang pangalan ni Maddie kaya agad kong sinagot "Hello? bakit,Maddie?"

"Hello,Lime? may gagawin ka ba ngayon? may klase ka?" tanong nya kaya sandali akong nagisip,hindi naman siguro ako hahanapin kung hindi ako pupunta

"Wala naman,bakit?" tanong ko din,narinig ko ang pag-yes nya mula sa kabilang linya kaya nagtaka ako. Bakit parang ang saya nya?

"Wala naman,kita tayo sa PCC.Shopping tayo tas pasalon keme keme,basta! bonding tayo hehe" tumatawang sabi nya kaya napailing ako at tumayo na para maghanda

"Sige,maliligo lang ako sandali.Magkita na lang tayo dun" sagot ko,agad naman syang sumangayon at nagpaalam saka pinatay ang tawag.Umakyat na ko at kumuha ng damit saka naligo na

•••

Napansin ko kaagad si Maddie dahil walang tigil ang pagkaway nya,agad ko syang nilapitan dahil tumayo na sya at naglakad na kaming dalawa.Naka-angkla ang braso nya sa braso ko habang nagti-tingin tingin kami.Sa totoo lang ay hindi naman namin hilig ang pagsho-shopping,madalang lang namin gawin to.Mas madalas pa nga kaming magpunta sa mga kainan na nahahanap ni Maddie through social media,mahilig kasi syang kumain kain ng kung anong makikita nya kaya nagagaya din ako sakanya.


"Lime ang haba na ng buhok natin oh,itong iyo hanggang bewang mo na yung akin naman hanggang likod ko na.Inaalagaan mo ba talaga to?" tanong nya habang hawak hawak ang buhok ko,umiling naman ako at hinawakan din ang buhok ko.Kelan nga ba ang huling pagpapagupit ko? hindi ko na maalala


"Hindi naman,nawawala lang kasi sa isip ko ang pagpapagupit.Ikaw ba?" tanong ko din,ngumiti naman sya bago tumingin sakin


"Magpagupit tayo,yung as in maiksi.Let's try that thing they call apple cut" nakangiting sabi nya pa kaya tumango na lang ako.Oras na siguro para magpagupit ako? hahaba din naman ulit tong buhok ko kung sakali


Naglakad kami papunta sa isang salon,sinalubong kami ng dalawang bakla at inalalayang maupo saka binalutan nung tela "Ang gaganda naman po ng buhok nyo,parang kayo lang! anong ayos po ba ang gusto nyo dito?" tanong nung isa habang hawak ang buhok ni Maddie na lumingon naman sakin kaya tumango ako


"Pakigupitan.Yung apple cut ba yon? ganun basta maiksi,ibabaw ng balikat" sagot ni Maddie kaya napatingin samin yung dalawa


"Sigurado po ba kayo?" tanong nung may hawak ng buhok ko kaya pareho kaming tumango ni Maddie


"Bawal po ba? hindi ba kayo naggugupit ng ganun dito?" tanong ko naman at mabilis na umiling yung dalawa

Married to be FooledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon