>>>>>The Wedding<<<<<

3.4K 128 21
                                    

ROME

Masama na naman ang tingin ni Rome kay Maxie na noo'y nagtatanong for the nth time kay Raven. "Annoying person," inis na sabi sa isip ni Rome na kung nakakamatay lang ang tingin nya, kanina pa deads si Maxie.

After ni Maxie, kung sinu-sino pa sa mga ka-teammates nila ang lumalapit kay Raven. Lalong nakakaramdam ng selos si Rome mula nang madiscover ang feelings para sa kaibigan. Kung pwede nga lang pagbabarilin nya ang mga lumalapit at nagtatanong kay Raven, ginawa na nya.

Lagi lang nakatingin si Rome kay Raven kapag wala syang call at kung may lumalapit dito especially Maxie, nabubugnot sya at madalas sa mga customers nababaling ang inis nya. Nung minsan kahit walang ginawa yung mabait na caller (nagtanong lang), sininghalan nya.

Kung wala sa station nya si Raven, Rome always secretly wonders kung nasaan ito, o kung sinong kausap nito. Mare-relax lang sya ulit kung nakita na ito.

"Wifey," bulong na tawag sa kanya ni Raven. Nakalapit na pala ito sa kanya and her breath sent shivers down her spine. "It's my break. Bababa lang ako, may ipapabili ka ba?"

"Wala naman," sagot ni Rome at nawala bigla ang inis dahil kakaibang pakiramdam na yun.  Lihim syang napangiti nang makaalis na ito. Wifey na ang tawag nila sa isa't-isa ngayon after ng biruan nila sa text. Kinikilig sya sa tuwing maiisip yun kahit alam nyang biruan lang.

As always, magka-text sila ni Raven during restdays. Monday na yun at kagigising lang ni Rome. Nakahilata lang sya sa kwarto at nag-umpisa na naman ang non-stop texting nila. Kasalukuyang nasa bus naman si Raven at pabalik na ng Manila.

They were flirting again na madalas nilang ginagawa kapag hindi sila magkasama. Puro via text or email lang at hindi nila yun magawa face to face. Ayos lang yun kay Rome and she's enjoying it.

Napunta ang usapan nila sa kung saan ang dream vacation nila. Egypt ang isinagot ni Rome. Ever since she has been fascinated about that ancient land. Pangarap nyang bisitahin at puntahan ang mga tombs ng ibat-ibang pharaohs sa Valley of the Kings. She even dreamt of becoming an archeologist.

Raven said that she likes to go to Italy. Explore old churches in Rome, eat pasta and pizza, visit vineyards in the countryside at sumakay ng gondola sa Venice. "Siguro pag andun ka, its like being in the past when you are really in the present," sabi nito.

At dahil hindi nga nawawala ang flirting sa tuwing magka-text sila, napunta ang usapan na sa ibang bansa sila magh-honeymoon. Hindi matiyak ni Rome kung sino ang unang nagsabi nung "h" word but she thinks sya din, at bigla lumakas ang tibok ng puso nya.

"Honeymoon na agad? Ni hindi pa nga tayo kinakasal," sabi ni Raven sa text. "Ni hindi ka pa nga nagp-propose."

Rome knows that they are only joking pero hindi nya mapigilan ang pagre-rigudon ng puso. "Magp-propose ba sya? Joke lang naman di ba?" tanong nya sa sarili. Kaso andun din ang takot na baka mahalata ni Raven na may gusto sya dito. Pero hindi bat yun ang gusto nya? Kaso minsan inuuunahan sya ng takot, parang ngayon. Na baka mailang sa kanya si Raven.

Biglang nag-text sa  kanya ulit si Raven and her heart almost stop nang makita ang message. Pakiramdam nya kinakapos sya ng hininga. "Will you marry me?" tanong sa kanya ni Raven. Nakatitig lang si Rome sa message at hindi alam kung anong ire-reply. Sasabihin ba nyang yes? "Biro lang yan, Rome. Ano ka ba?! Why are you hesitating?" pagalit nyang sabi sa sarili.

For a moment there, naisip ni Rome na paano kung totoong proposal yun? Anong isasagot nya? "Its definitely a yes," sagot ng puso nya. Nakakabaliw.

"Ang tagal ding sumagot," nagtext ulit si Raven at may kasamang sad smiley.

"Yes, I will marry you," sa wakas ni-reply ni Rome at feel nya any moment maha-heart attack sya. "Kaso, di ba hindi pwede dito sa Pinas?"

"Pupunta tayo sa Vegas," sagot nito at nag-text pa si Raven nang kunwaring wedding ceremony.

VEGAS NA...

FATHER: Raven, do you take Rome...?

RAVEN (SUMAGOT AGAD): I DO!

FATHER: Rome, do you take Raven as your partner in crime for life?

ROME: I do.

FATHER: I now pronounce you partners in crime. You may now kiss.

Kilig na kilig si Rome sa nabasa at di nya mapigilang mag-imagine na totoong nangyayari yun.

"Hindi pwedeng hot kiss dito, gf. Madaming tao," text ni Raven.

Abot-teynga na ang ngiti ni Rome habang nagre-reply. "Oo naman, wifey. Kailangan smack lang. Sa honeymoon na lang yung super hot."

"Saan mo gusto mag-honeymoon?"

"Gusto ko yung may beach!"

"Sige. Sa Santorini na lang," suggest ni Raven.

Hindi familiar si Rome sa lugar na yun. "Saan yun?"

"Sa Greece. Napanood mo na ba yung Sisterhood of Travelling Pants 2? Dun sila pumunta."

Hindi din familiar si Rome sa movie na yun. "Hindi."

"Yung Tomb Raider 2? Yung first scene kung saan nag-dive si Angelina Jolie, I think that's Aegean Sea. Sa Santorini din yun."

"Hindi ko maalala eh," sabi ni Rome and she's racking her brain for that scene. She gave up, hindi nya talaga maalala. "Basta may beach, ok na ako dun. Mags-sunbathing ako."

"Bakit ba may nalalaman pang Aegean- Aegean sea, Santorini churva itong si Raven?" nailing na sabi sa sarili ni Rome. Natatanga na naman sya sa mga sinasabi nito. "Brainy kasi."

"O sige, sige. Kaso may problema, gf. I can take you to the most beautiful place in the world, kaso pagdating sa honeymoon natin, kaw na lang ang bahala. Wala akong alam sa lovemaking. Take it from there."

Nag-init ang mukha ni Rome dahil she can't help but imagine them making love. Buti na lang wala sa harapan nya si Raven kundi makikita nito ang pagb-blush nya.

Kinagabihan sa office, nag-send ng email si Raven kay Rome ng mga pictures ng Santorini. Larawan ito ng mga kulay puting greek houses na nasa isang island overlooking the blue sea. May isang picture dun na kuha sa loob ng bahay through the window at naka-caption doon ang "Yan ang view sa labas ng bintana natin."  

"Pinahanap mo pa talaga kay TL Henry yan ah," email nya dito nang makitang galing ang mga pictures kay TL Henry, which he forwarded to Raven.

"Oo naman para alam mo kung saan tayo pupunta. After Greece, sa Egypt naman tayo pupunta kasi alam kong gustong mong makarating dun," reply nito. "After visiting pyramids we'll sail on the Nile River while watching the sunset." May picture ng sailboat sa Ilog ng Nile at sa background nito ay ang palubog na araw.

Napapaisip na din si Rome sa mga ikinikilos ni Raven. Bakit ito nag-e-effort sa mga ganitong bagay? At bakit din ito nakikipag-flirt sa kanya thru txts, mms ang emails? Is it possible na gusto din sya nito?

Rome is being puzzled about Raven. Sometimes naiisip nyang baka the feeling is mutual dahil sa mga sweetness na ipinapakita nito sa kanya pero minsan din nalulungkot sya dahil it seems na baka parang kapatid lang ang turing nito sa kanya. Minsan kasi parang deadma lang ito sa kanya.

Nabuhayan si Rome ng loob nang maka-text ang isa mga old friends nya noong nag-aaral pa sya sa UST, si Abigail. She asked her about Raven. Well, not exactly telling her Raven's name.

"Soulmate, kapag laging nakikipag-flirt sayo ang isang tao sa text, anong ibig sabihin nun?" tanong nya dito.

"Ibig sabihin, that person likes you too. Hindi naman yan mag-aaksaya ng panahon kung hindi," sagot nito.

Rome is still afraid. This is the first time she felt like this sa isang babae. Alam nyang hindi ito tama pero nae-excite sya sa possibility na pwedeng maging sila ni Raven. 

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon