RAVEN
Pasado ala-singko na ng hapon at kahit antok na antok, napilitang bumangon si Raven. Kailangan nyang pumunta sa mall para bumili ng gift. May mini Christmas Party sila ng mga friends nya sa work mamayang 7pm at hindi pa sya nakakabili ng regalo para sa monita nya. Nagsisisi syang hindi agad namili nung mahaba pa ang panahon.
Mabilisang ligo ang ginawa ni Raven saka nagbihis. Dala-dala ang bag na in-order nya sa Sophie Martin for Rome as a gift, naglakad sya papuntang SM Hypermart na malapit sa tinitirhang dorm.
Natatawa sya sa sarili dahil may gift na sya para kay Rome pero wala pa syang nabili para sa nabunot nya.
Worth P300 lang naman ang gift at shoulder bag/ hand bag ang wish ng monita nya. Hindi sya nahirapang pumili. She also bought mugs for Daddy Rigor, Annie and her husband. Binigyan na nya ng t-shirt si Lawrence last week kaya wala na syang problema sa baklita.
Pagkagaling sa Hypermart, dumiretso si Raven sa Cash and Carry. Bumili sya ng latest book ni Bob Ong (Mga Kaibigan ni Mama Susan) para ipangdagdag sa gift nya for Rome. Pareho kasi silang fan ng author.
Raven is also secretly wishing na magustuhan ni Rome ang regalo nya. Pumili din sya ng magandang wrapper. Gusto nyang pambalot pa lang, magandahan na ang kaibigan. Kulay green at elegant looking ang wrapper na may design na Christmas tree, at may red ribbon.
"Nagpapa-impress?" pang-aasar ng isip nya. Hindi naman. Ayaw lang nyang mapahiya. Gusto nyang ipakitang nag-effort sya.
Rome is a special friend. At kapag gusto ni Raven ang isang tao, one way of showing that is through gifts. Ganun din sya sa mga close friends nya or kahit sa kanyang bestfriend.
After ma-wrap ang mga gifts, sumakay sya ng bus papuntang office. 6:30 pm na at andun na daw sina Mizzy at Carly. Nagp-prepare na sila sa 5th floor pantry. Ang mga ito kasi ang naka-assign sa food. Naghati-hati na lang sila ng panggastos for food. Naghanda din daw ng games si Carly.
Ka-text ni Raven si Rome at wala pa ito dun pagdating nya. Nag-aabang na daw ng taxi at papunta na. Sinabi din nitong gustog uminom. Hindi alam kung anong ire-reply ni Raven kaya hindi muna nya iyon in-acknowledge.
"Inom tayo after ng party," anyaya sa kanya ni Rome nang dumating ito. Naka-upo sila malapit sa floor to ceiling na bintana at nakatingin sa labas. Hinihintay na lang nila ang ibang kaibigan.
"Uuwi na sana agad ako sa Dagupan after eh," sabi ni Raven. Hindi pa din nya malaman kung pagbibigyan nya ang kaibigan. Kanina pa nya ito pinag-iisipan. Hindi kasi sya umiinom at hindi nya kayang makipagsabayan dito. Alam nyang she promised Rome before na makikipag-inuman sya dito kaso nagdadalawang-isip sya.
Raven is also afraid na baka malasing sya. She hates being out of control. Never pa syang nalasing at natatakot syang baka madaldal pala sya pag nakainom at kung anu-anong sabihin nya ditong nakakahiya.
Hindi din nya kayang uminom ng Red Horse, na syang gustong-gusto ni Rome. "Pwede namang cocktail," suggest ng isip nya. Anything na may lasa except mapait, pwede sya.
"Iinom ba talaga tayo mamaya?"
"Gusto kong may gawin after ng party. Ang aga pa nun eh. At nasa mood akong uminom," sagot ni Rome. "Pero maya na lang natin pag-usapan. We'll see."
Nang dumating na ang lahat, naglaro muna sila ng food relay (na isinumpa-sumpa ni Raven ang Choco Pop bar na champorado flavor dahil hindi nya ito manguya-nguya at muntik na syang mabulunan) at Pinoy Henyo na wala man lang ni isa sa kanilang nakahula ng kahit na ano.
After ng games, chow time! Umorder sila ng food sa Amber's. Bentang-benta ang Pancit Malabon, Barbeque at pichi-pichi. Bumili din sila ng chocolate cake sa Red Ribbon. Naki-join sa kanila si TL Henry. Hindi nawala ang picture taking at syempre bago sila maghiwa-hiwalay, exchange gift. Natuwa ang monita ni Raven sa wrapper (nag-effort na din syang pagandahin dahil baka may masabi) at ayaw pang buksan. Ilalagay daw nito sa ilalim ng Christmas Tree at bubuksan na lang daw sa Xmas Eve.
BINABASA MO ANG
Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)
RomanceRaven on Rome: "Wala na syang ginawa kundi uminom." Rome on Raven: "Ang boring naman ng taong ito. Wala na syang ginawa kundi magbasa ng mga pangmalulungkuting babasahin." Do opposite poles really attract?