ROME
Saturday night. Nakadapa lang si Rome sa kama habang nagsusulat sa kanyang planner/ journal/ diary. Buong araw lang syang tulog. Nakauwi sya sa kanila ng 8am at pasado ala syete na ng gabi sya nagising.
Habang hinihintay maluto ang dinner nila, nag-update muna sya ng journal. Gamit na nya ang bagong Starbucks planner kahit hindi pa tapos ang taon. Tulad ng nakagawian na nya, hindi na nya sinulatan ang pahina ng December sa lumang planner.
"Babe, kakain na," masiglang tawag ng ate nya at tuloy-tuloy itong pumasok sa kwarto nya sabay umupo sa tabi nya. Mabilis namang isinara ni Rome ang planner. "Asus," nagpout pa ang ate nya.
"Hindi mo to pwedeng basahin nuh," sabi ni Rome saka inilagay sa ilalim ng unan ang planner. Nangingiti lang sa kanya ang ate. Alam naman ni Rome na hindi nito pinakikialaman ang mga gamit nya. Walang sinuman sa bahay ang gumagalaw ng mga things nya sa kwarto dahil they know that she'll go ballistic if that happens.
"Tita, nood tayong Tanging ina," sunod namang pumasok sa kwarto ang medyo chubbyng pamangkin saka din umupo sa gilid ng bed nya.
"Bakit, may pera ka?" birong pambabara nya dito. Hindi na binanggit na napanood na nya ang peliluka.
"Ano ba yan," sumimangot na sabi ni Andrea. "Libre mo ko."
"Ayoko nga! Ang gastos- gastos mong kasama eh." Lalong sumimangot ang pamangkin pero alam nyang sanay na ito sa ganyang pananalita nya. "Pera," baling nya sa ate at inilahad ang kamay nya.
"Ay naku," nailing na lang ang ate nya sa kanila.
Maya-maya ang Tita Blanche naman ni Rome ang pumasok sa kwarto.
"O, bakit andito na kayo lahat sa kwarto ko? May meeting ba?" biro ni Rome.
Sabay-sabay silang nagtawanan.
"Kakain na. Nakahain na ako," nakangiting sabi ng tiyahin.
"Magbibihis lang ako," tumayo si Rome. Suot pa din kasi nya ang pulang blouse na ipinamasok nya kanina. Diretso kama kasi sya pag-uwi kanina at after maka-text saglit si Raven, nakatulog na sya. "Lumabas na kayo sa kwarto ko. Labas."
Masaya silang kumain. Kwentuhan. Madalas na nangungumusta lang ang Ate Candice nya about school ni Andrea at work ni Rome. After ng dinner, kanya-kanyang disperse sila. Nagbabad sa harap ng tv sina Andrea at Tita Blanche pagkatapos magligpit sa kusina, pumasok naman sa kwarto nya ang Ate Candice para magbasa ng libro while Rome is back in her room at itinuloy na lang pagsusulat sa journal.
Rome texted Raven asking if kumain na din ito ng dinner. Hindi pa daw. Late daw sila kumakain ng hapunan. Umuwi ito sa probinsya after nilang kumain ng breakfast kanina.
Kung anu-ano na naman ang pinag-usapan nila. Hindi nawala ang konting flirting hanggang sa napunta ang usapan about same sex relationship.
"Akala ni Franco nanliligaw ka sa akin," kwento nya sa text. "Sabi ko hindi. Friends lang tayo. Sabi nya bakit daw hindi kita pagbigyan."
"Sira talaga yun. Sorry naman at natsi-tsismis tayo," reply nito.
"Sabi ko naman sayo, you don't have to say sorry," sabi din nya. "Hindi naman totoo yun eh." And deep down, Rome wanted it to be true
RAVEN
"Paano kung gusto kong totohanin?" gustong-gustong sabihin at i-text ni Raven yan pero wala syang lakas ng loob para gawin yun. She kept reminding her not to ruin their friendship. She kept reminding herself na hindi tama ang nararamdaman nya.
"Pero isa yun ang isa sa mga gusto kong ma-experience before I die," maya-maya'y text ni Rome. "Gusto ko nga, by 2011 magawa ko yun. One of my New Years resolution."
"Ang alin?" kinabahan si Raven.
"Na makipagrelasyon sa same sex."
Naramdaman ni Raven ang malakas na pagtibok ng puso nya. Nabuhayan sya ng loob. Nagkaroon sya ng pag-asa. Naisip din nya na baka Rome's trying to tell her something. Pwedeng she also like her. Or maybe love her. Hindi kaya nagpaparamdam itong may gusto din ito sa kanya?
"Same sex? Ako kaya ang tinutukoy nya? nasiyahan nyang sabi sa sarili pero bigla din syang nanlumo nang ma-realize ang sinabi nito. New Years Resolution lang ito ni Rome. Kasama lang ito sa checklist na gustong gawin before dying.
Cliff diving- check
Kumain ng apoy- check
Same sex relationship- check
It appears to Raven na isa lang ito sa mga kalokohang gagawin ni Rome. Nothing serious. Just to experience it. Baka after few months, weeks or even days, tatapusin na nun agad ang relasyon. Nakakalungkot.
ROME
Gustong sabunutan ni Rome ang sarili sa sinabi. "Shit!Hindi ko dapat sinabi yun!" Gusto nyang bawiin ang sinabing isa sa mga things to do before she dies ang pakikipagrelasyon sa kapwa babae kaso huli na. Baka isipin nitong kalokohan lang nya. Noon oo, pero ngayong narito na at may totoong nararamdaman sya for Raven, nag- iba na.
Kaya nya din sinabi yun para iparamdam kay Raven na she likes her and she's open to the idea na maging sila. Na kung mahal din sya nito, they can be together. Now she wish nasabi na lang nya yun in a better way. Wala na kasi syang maisip kung paano. Hindi nya masabi directly na gusto nya si Raven and Rome also wanted to hear from her that the feeling is mutual.
"Paano nga kung manligaw ito?" kinilig nyang naisip. Baka biglang oo agad ang sagot nya.
Napangiti si Rome sa idea na yun. Kaso mukhang malabong mangyari. Raven doesn't seem to be interested in her. Friend lang ang trato nito sa kanya, but Rome really likes her. Its frustrating her that she can get any guy she wants but she can't get the person she loves.
"Uuuy, mahal daw!" tudyo ng isip nya.
Bakit ba nya naisip yun? Mahal na nga ba nya si Raven? Rome is still not sure but she's positive she do want her. Naisip nyang baka nacha-challenge lang sya kay Raven. Well, its kinda like that. Naguguluhan pa sya ngayon. Basta, gusto nya si Raven! Kung kailangan nyang magpakita ng motibo para makuha ito, gagawin nya.
BINABASA MO ANG
Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)
RomanceRaven on Rome: "Wala na syang ginawa kundi uminom." Rome on Raven: "Ang boring naman ng taong ito. Wala na syang ginawa kundi magbasa ng mga pangmalulungkuting babasahin." Do opposite poles really attract?