>>>>>Large Coke <<<<<

12.4K 250 35
                                    

RAVEN

Nasaan ka na ba? pang-ilang text na ni Raven yan sa pinsan nyang si Bianca. Kanina pa nya hinihintay ito. Mag-iisang oras na syang tumatambay sa Wendy's at puro "Malapit na" ang kanina pa ring reply nito. Kung gaano kalapit, hindi nya alam. For all she knows, baka nasa bahay pa ito at nagpapatuyo ng buhok.

May usapan sila nitong magsimba sa Greenbelt at manood ng sine pagkatapos. 10am ang usapan at pasado alas onse na wala pa ito. Malapit na din nyang maubos ang inorder nyang malaking fries at Baconator. Napapailing na lang sya. She hates waiting. Madali syang mainip.

Naisipan na lang ni Raven na pumila na para bumili ng ticket for Kimmy Dora. Kabubukas pa lamang ng ticket booth ang haba na agad ng line. Second week na ngayon ng pelikula ni Eugene Domingo at madaming nagsasabing maganda daw at nakakatawa kaya sigurado syang iyon ang dahilan kung bakit dagsa ang tao aside from the fact na linggo ngayon.

Gusto nyang tumawa kahit saglit lang. Gusto nyang mag-enjoy bago mag-umpisa ang training nya bukas sa call center na pinapasukan. Galing Activation team, lilipat na sya sa Technical Department. She's sadden by the thought na iiwanan nya ang mga friends nya doon. Dapat hindi sya naging attach sa mga ito. Alam na nya sa umpisa pa lang nang pasukin nya ang mundong ito na napaka-drastic ang change. Maya't-maya may nag-re-resign, natatanggal, o kaya nalilipat.

Nasa ganung pag-iisip si Raven nung may marinig syang malakas na tawa mula sa likuran nya and next thing she knows may bumangga na sa kanya at may malamig na likidong tumapon pants nya.

"Oops, sorry," may himig pa ding natatawa ang babaeng bumangga sa kanya. Hawak nito ang Large Coke ng MC Donalds at inaayos nito ang takip.

"Pasensya na, hindi kasi tumitingin sa dinadaanan tong kasama ko," singit ng babaing kasama nito at nagpipigil tumawa.

Nainis si Raven hindi dahil sa nabasa sya kundi dahil hindi man lang sincere sa pagso-sorry ang babaing ito. She's still grinning like a fool. Eh kung ibuhos kaya nya sa ulo nito ang hawak na inumin. Sayang, maganda pa naman si ate kaso parang walang breeding.

"Sorry na please," nawala ang ngiti ng babae at sumeryoso ito nang nakakunot na ang noo ni Raven at bakas na sa mukha nya ang inis. She gave Raven a pleading look. "Hindi ko talaga sinadya. Let me make up to you. Sagot ko na movie ticket mo. My treat," saka sya nito nginitian ng matamis.

Tinitigan lang ni Raven ang babae. "I can pay for my own ticket," saka annoyed na tinalikuran ito.

"Pa-cute," inis pa ding bulong ni Raven sa sarili.

Saktong natapos si Raven bumili ng ticket nang mag-text ang pinsan na nasa Greenbelt na ito. Nag-attend sila ng misa and Raven prayed for guidance and blessing for her new department.

Hindi naman sya ganun ka-religious. In fact, hindi na maalala ni Raven kung kelan ang last na nakinig sya ng isang buong misa. She has her own way of talking to God. What she usually do is go to church- madalas sa Baclaran- magsindi ng candles and pray. Ginagawa nya yun especially kapag naguguluhan sya sa buhay and when she's so down, parang ngayon.

"Kumain muna tayo, cuz. I'm soooo starving," hirit ni Bianca pagkatapos ng misa at nasa escalator na sila papuntang Landmark.

At napansin ni Raven na her cousin is hungrily looking at something...more on someone, dahil nang sundan nya ang tinitignan nito, nakatingin ito sa isang tall and very handsome guy na nakatayo sa harap ng Powerbooks. Halata ang atlethic built na katawan nito sa suot na puting t-shirt at faded torn jeans. May piercing ito sa kanang teynga at ilong.

Kinurot ni Raven sa tagiliran ang pinsan. "Ang landi mo. Katatapos mo lang magsimba noh."

"Aray! Makakurot naman!!!" saka pumikit ito at taimtim na sinabing, "Forgive me Father for I have sinned. BUT he is so worth it!" at malandi itong tumawa.

"Baliw ka talaga," natawa na ding sabi ni Raven sabay batok dito. "Sorry ka, kasi he's taken." Kita nyang lumapit sa lalaki yung babaing nakabuhos ng Coke sa kanya kanina sa ticket booth. Bagay sila kasi maganda din si ate kaso may ill feelings lang sya dahil binuhusan sya ng coke kanina.

Gumuhit sa mukha ng pinsan ang pagkadismaya. "Tara na nga. Maghanap na lang tayo ng iba. Bakit hindi tayo maghanap ng boyfriend mo? Malay mo andito lang sya."

"Ako naman ang nakita mo ngayon," napapailing na lang si Raven. Lagi syang kinukulit ng pinsan kung bakit hindi daw sya mag-boyfriend.

"NBSB ka kaya!! Sa edad mong yan?!" pandidilatan sa kanya ni Bianca. "Siguro lesbian ka! Umamin ka nga. Tatanggapin pa din kita ng buong puso noh!"

"Lesbian agad? Di ba pwedeng mapili lang? Tigilan mo nga ako."

Raven is 25 years old and never pa syang nagka-boyfriend. Hindi naman sa walang nanliligaw kundi mapili sya. May makita or malaman syang hindi nya nagustuhan sa tao, umaayaw na sya. Sometimes she even questioned her own gender. Baka nga tama ang si Bianca o siguro hindi pa talaga nya nahahanap ang magpapatibok ng kanyang puso.

Kumain muna sila sa foodcourt saka nanood ng sine. Tawa sila ng tawa ni Bianca. Panandaliang nakalimutan ni Raven ang lungkot na nararamdaman.

Ang pinaka-ikinatawa ni Raven ay nung nasa eksena nang nagpapanggap si Dora bilang Kimmy sa Daddy nila dahil ayaw nila itong malaman na nawawala ang ate. Akala ni Raven sa librong nababasa at napapanood na pelikula lang nya makikita ang mga moment na tumatawa ang isang character at biglang umiiyak.

Nasa kalagitnaan ng pagtawa si Raven nang bigla syang umiyak. Dahan-dahang tumulo ang kanyang mga luha atnakaramdam sya ng biglang kalungkutan. Naisip na naman nya ang trabaho, ang mga iiwanang kaibigan at ang hindi malamang gagawin sa buhay.

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon