>>>>>P.G (Patay-Gutom) Mode <<<<<

4.2K 141 6
                                    

ROME

"Napakaboring naman nyang tao," komento na lang sa sarili ni Rome habang tinitignan si Raven, na noo'y tahimik sa station nito at nagbabasa ng PDF. A Walk to Remember yata. "Pangmalulungkutin din pati binabasa nya. Hindi ba sya inaantok?" naisip pa nya.

Nagbabasa din sya ng book pero hindi dito sa office. Boring na nga yung work, tapos magbabasa pa sya ng boring stuff, san na sya pupulutin nyan? Lagi kasi syang infected ng Cubicle Coma- inaantok pag nasa work at biglang masigla at gising na gising pag uwian na.

Even if she thinks Raven is boring, Rome still finds her enigmatic and smart. Hindi naman talaga ito totally boring. Nakikita nyang laging nakatawa ito at nakangiti sa mga kausap. Kapag kasama nila ito ni Lawrence, madaming bumabati dito. Madami itong kilala. Friendly ito samantalang lagi syang nakabusangot. Pero napapansin nyang kung minsan sa station lang ito tumatambay. Hindi lumalabas pag break except pag pupunta sa restroom o kaya kasama sila ni Lawrence. Tahimik din ito minsan. There's more to her. Pero ano bang pakialam nya dito?

"Romina," nagulat sya nang marinig ang boses ni Richard. "Anong ginagawa nito dito?" panic mode na sabi nya sa sarili.

"O bakit?" kunwari wala lang sa kanya pero ang totoo kinikilig sya dito. Lalo pa syang natuliro nang nakalapit na ito ng tuluyan at naamoy ang mabangong perfume nito. Shit! Shit!

"Hindi ka kasi nagre-reply sa email at texts ko," sabi nito. "Ano, inuman tayo?"

"Wag ka ngang maingay," saway nya dito at hininaan ang boses nya. Baka may makarinig sa kanila at kumalat na may relasyon sila nito. Meron naman talagang namamagitan sa kanila, pero ayaw nya ng tsismis. "Basta ite-text kita. Email na lang kita."

"Sabi mo yan ah," saka na ito umalis.

Napatingin sya kay Raven. Nagbabasa pa din ito. Alam ni Rome na aware ito sa nangyayari. She just have the decency na hindi makialam. Kung si Annie ang katabi nya malamang hindi sya nito titigilan ng tanong. But with Raven, it's like she can keep a secret. And she's starting to like her more. Kahit feeling nya lesbian ito, she now finds her... harmless. Napangiti na lang si Rome sa mga iniisip.

"Psst, mga teh," maarteng sabi ni Lawrence at may matching kalabit pa sa balikat nilang dalawa nang makalapit.

"Naka-ano ka?" tanong ni Raven dito na sa wakas inalis ang tingin sa binabasa.

"Lunchness ko teh, pero hindi ako kakain. Kailangan ng madaming space para mamaya."

"Hindi ka masyadong nagp-prepare ha," natatawang sabi ni Rome. Kakain kasi sila ng lunch sa Super Bowl mamaya. Treat ng trainer nila. Premyo nila sa pustahan.

"Para masulit ko ang lafang teh," sagot ni Lawrence sabay tawa.

Sulit nga ang lunch nila. Lamon kung lamon ang ginawa nila. Hindi nga lang nakasama si Billy kasi naka-vacation leave at pinuntahan ang boyfriend sa Pangasinan. Madami silang in-order. Nag-alala pa si Carlo na naparami ang order nila ng Yang Chow rice kasi hindi pala pwedeng kumain nun sina Armand at Annie. Pareho allergic sa seafood kaya plain rice lang sila.

"Don't worry, Carlo. Kami ang bahala dyan," nangingiting sabi Raven at inidicate ang sarili pati sina Rome, Rigor at Kyle.

Shocked si Carlo nang parang dinaanan lang ng bagyo ang dalawang malaking bandehado ng Yang Chow Rice. Walang natira. Hindi nito inasahang mala-construction worker kung kumain ang mga ito. Idagdag pang lahat sila naka-bottomless drinks.

Sina Brando, Annie at Rome, pare-parehong naka-red tea, na pagka-serve na pagka-serve ng waitress ng drinks, akala mo nakikipag-contest sa paramihan ng maiinom kung sunggaban ang mga baso. Hindi pa nakakalayo ang waitress, humingi na sila agad ng refill. Natatawa lang si Armand sa kanila.

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon