ROME
Dala-dala ang Mocha Frappe, nakasimangot na pumasok sa training room si Rome. Unang araw ng kanyang training for Technical sa call center na pinapasukan nya. Pinilit lang nyang bumangon kanina dahil antok na antok pa sya. Buong magdamag kasi syang uminom with her friends at alas-otso ng umaga na sya nakauwi at ala una ang pasok nya sa trabaho.
“Wala pa sila?” tanong nya kay Annie dahil sila pa lang ang nandoon. Pareho sila nitong galing Sales Team at nagpalipat sa ibang department.
“Nandyan na. Nasa pantry yata yung iba,” sagot ni Annie sa kanya nang hindi tumitingin. Busy itong nagf-facebook sa PC. Bawal yun. Against sa company policy pero what the hell, kung may pagkakataon at wala namang makakakita at magsusumbong, there’s no harm doing it.
Nag-log-in sya sa katabing PC nito and checked her company mails.
Pakiramdam nya tumtibok ang ulo sa sakit. Nagagawa nga naman ng hang-over. Sa totoo lang hindi nya alam kung paano sya nakauwi. Kung hinatid ba sya ng isa sa mga barkada nya o umuwi sya mag-isa. Pinagalitan pa sya ng ate nya bago ito umalis papuntang airport. Nakalimutan nyang papunta itong Dubai for business trip at ihahatid dapat nya ito.
“Hoy Romina Estel, bawas-bawasan mo nga yang kakainom! Ngayon ka pa lang umuwi?!” bungad ito ng ate nya nang pagbuksan sya ng pinto. Nakabihis na ito at paalis na.
Maya-maya’y nakita nya mula sa kanyang peripheral na pumasok na din sa training room ang mga ka-wave nya. Nagtatawanan ang mga ito. At kahit hindi nya tignan, alam nyang bakla yung isa.
“Ang lalandi namang tumawa,” bulong ni Rome sa sarili. Nagiging irritable sya sa sakit ng ulo.
Tinawag na din sila ng baklang trainer nila at pinaupo sa U-Shape na table sa gitna ng room.
“Teh, tabi tayo,” narinig nyang bumulong ang co-trainee nyang bakla sa kung sinumang kausap nito.
Humila naman si Rome ng upuan at pumuwesto sa tabi ni Annie. Nilagay nya ang notebook at pen sa mesa saka sumipsip ng kape habang nakatingin lang sa blankong pahina. Mukhang hindi naman tumatalab ang kape sa antok nya.
“Nanood kami ng Kimmy Dora kahapon. Nakakatawa,” bulong ng isang babae.
“Hihintayin ko na lang sa pirated cd,” sagot ng bakla saka sila naghagikgikan.
Nag-angat ng paningin nya si Rome at nagtama ang paningin nila ng girl na nakaupo across from her. She’s the same girl na natapunan nya ng coke kahapon. Medyo nawala ang ngiti nito nang makita sya. Saglit sya nitong tinignan saka muling binalingan ang baklang katabi nito at nagbulungan ulit para ituloy ang pinag-uusapan.
Baka inis pa din ito sa kanya. “Bahala nga sya. Nag-sorry na nga eh. Kung ayaw nya eh di wag. Suplada.”
Tahimik lang si Rome buong araw. Walo silang trainees. Limang ahente, isang Team Leader, Trainer at Quality Evaluator. Dumaan sila sa “introduce yourself” stage. Raven ang pangalan nung natapunan nya ng coke. Dito din pala nagt-trabaho ang mukhang tibong ito. Lawrence naman yung bakla. May isang matandang lalaki na feel nya nasa 40 something na, si Rigor. Armand ang name ng cutie TL, Billy naman yung QE at Brando yung trainer, na kung gaano kalalaking-lalaki ang name, eh Brenda pala sya. Gay din!
Information over load sila ng araw na yun. Walang awa si Carlo (trainer nila). Walang patawad. Unang araw pa lang pinahirapan na sila. Lahat na sila nag-i-internal nosebleed. Lalong sumasakit ang ulo ni Rome.
Habang dumadaan ang mga oras, kung anu-anong komento na ang iniisip ni Rome tungkol sa mga kasama.
“Tibong malanding tumawa,” bulong nya sa sarili habang nakatingin kay Raven na nakikipagtawanan kay Lawrence habang nasa pantry sila during break.
“Malanding bakla,” naman si Lawrence.
“Geeky pala hitsura nito,” naisip ni Rome tungkol kay Billy. QE nya ito nung nasa Sales team sya. Medyo may sama sya ng loob dito dahil lagi syang mina-markdown na hindi daw enthusiastic ang tone nya.
“Cutie sana kaya lang hindi maganda ang tindig. Parang kuba tuloy,” habang tinitignan naman nya si Armand. Kasabay nya itong mag-yosi at si Brando nung second break nila. “Pero pwede ng maging crushness.” Dugtong pa nyang nangingiti.
Si Annie naman matagal na nyang kakilala. Conservative tignan at manamit pero bastos din.
Matandang masungit ang tingin nya kay Rigor. At matanong si kuya. “Daming questions,” irritable na naman sya. Gusto na nyang umalis at hindi pa sila makapag-dismiss dahil nagtatanong pa yung matanda. Napapabuntong-hininga na lang sya. Kanina pa sya tine-text ni Franco.
Si Rome ang unang tumayo at lumabas sa training room nang sabihing pwede na silang umalis. Kung yung iba nakiki-chikka pa kay Carlo like Lawrence and Brandon sya naman simpleng “Bye, Carlo” lang saka na lumayas.
Nagmamadali syang sumakay ng elevator at annoyed pa sya nang bumukas pa ito ulit. Sina Raven at Annie pala.
“Sorry,” nangingiting sabi ni Annie. “Nagmamadali ka yata. May date ba?” and gave her a naughty smile.
“Hindi noh,” tanggi nya. Magco-coffee lang sila ni Franco at may girlfriend yung lalaki so it’s not a date. They are just two friends hanging out together. Well, friends with benefits. At hindi na nya kailangang sabihin yun.
Nakatingin lang sa kanila si Raven through the elevator’s reflection. May histura sya. Cute, kaso feeling ko tibo, komento na naman ni Rome sa sarili habang pasimpleng tinitignan ito sa gilid ng mga mata. Never sila nitong nag-usap buong araw. Well, wala naman syang balak kausapin ito or maging so friendly dito dahil she find Raven suspicious.
Ayaw ni Rome sa mga lezzie. Hindi naman sa na-trauma, pero may kapitbahay kasi silang tibo na sa tuwing makikita sya nito eh lagi syang binabati and always giving her this pervy smile. Lagi din sya nitong inaaya sa bahay nila at ang nakakatakot pa eh haharangin sya nito at lagi ding may hawak-hawak na bote ng red horse. Scary.
Kaya whenever na may tibo sa paligid, hanggat maaari lalayo sya. Hindi naman nya confirmed na tibo nga itong si Raven pero suspicious pa din. Saka suplada din ito.
“Kanina ka pa hinihintay ng date mo o,” tukso ni Annie kay Rome nang makalabas sila. Nakatayo si Franco sa Smoking Area at ngumiti sa kanila nang makita sila.
“Friends lang kami, sira!” pakli ni Rome saka humiwalay sa kanila.
“Showbiz nuh?” narinig pa nyang sabi ni Annie kay Raven.
BINABASA MO ANG
Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)
RomanceRaven on Rome: "Wala na syang ginawa kundi uminom." Rome on Raven: "Ang boring naman ng taong ito. Wala na syang ginawa kundi magbasa ng mga pangmalulungkuting babasahin." Do opposite poles really attract?