>>>>Desire<<<<

3.6K 135 24
                                    

ROME

She has never been this close to Raven. Physically. Rome could smell her sweet perfume. Raven's arms are circling her waist. "Are you ok? Kaya mo pa ba?" narinig na tanong ni Raven sa kanya. Her voice full of concern.

Nakayakap si Rome dito. Naririnig nya ang tibok ng puso nito. "She's so warm," naisip ni Rome habang reluctant nyang inangat ang ulo para tumingin kay Raven. "Is she really this tall?" she wonders. "Bakit ba hindi ko napapansin yun?" Nagtama ang kanilang mga mata. Kita din nya ang concern sa mga mata ni Raven. Hindi nya maalis ang tingin dito.Parang may magnet. "They are beautiful."  

"I'll take you home. Saan ba ang bahay nyo?" tanong ulit ni Raven, but this time medyo naiinis na ang tono. "Iinom-inom ka, hindi mo naman kaya. Sinabihan na kita, hindi ka marunong makinig."

"Sinesermunan mo na naman ako eh," parang bata nyang maktol dito. Nag-pout pa sya sabay inihilig ang ulo sa dibdib ni Raven at yumakap dito

Katatapos lang nilang mag-bar ni Raven. Kahit nasabi nya sa sariling hindi na iinom ulit ng marami, hindi yun nangyari. Naparami sya ng inom ng cocktail at red horse. At kahit anong pigil sa kanya ni Raven, hindi sya nakinig. Sumusuray-suray pa syang lumabas ng bar. Inaalalayan sya ni Raven pero she refused. Sinabihan nya itong hindi nya kailangan ng tulong.

After taking three steps pagkalabas sa pinto ng bar, muntik na syang matumba. Buti na lang nasalo sya ni Raven at napakayap sya dito.

"Matigas kasi ang ulo mo," annoyed pa ding sabi ni Raven sa kanya. "Let's go home."

"Ayokong umuwi. Malayo pa ang bahay namin. Nahihilo na ako," dala na din ng kalasingan, hindi na inalintana ni Rome na kanina pa sya nakayakap kay Raven at pinagtitinginan na sila ng mga taong nagyoyosi sa labas ng bar at maging ng mga naglalakad sa kalsada.

"Fine," bumuntong-hingang sabi ni Raven. Pumara ito ng taxi at isinakay sya. Nakayakap pa din sya dito. "Amoy alak ka pa. Baho mo," tudyo nito pero mas evident na ang amusement sa tono nito.

Hindi sigurado si Rome pero feel nya sa isang motel sya dinala ni Raven. Cozy naman ang room at dilaw ang kulay ng ilaw. "Motel nga," na-excite na sabi sa sarili ni Rome. Feel nya nasa Victoria Court sila.

Nasa beywang pa din nya ang kanang braso ni Raven para alalayan sya. Nag-init ang katawan ni Rome, hindi nya alam kung gawa ng alak or it's because of Raven's nearness. Idagdag pang nasa iisang kwarto sila.

 Iginiya sya ni Raven patungo sa malambot na kama saka tinulungang humiga. Laking-gulat nila pareho nang mawalan ng balance si Raven at napadagan ang upper body nito sa kanya. Muntik na syang mahalikan nito but Raven stopped her fall. Na-disappoint si Rome sa nangyari. Paano nga kung nahalikan sya nito? How does it feel to have those lips on hers?

"Sorry. Bigat mo kasi," biro nito pero nakita nyang nag-blush ito.

"Kapal mo!" saka nya ito hinampas sa braso. Umayos ng tayo si Raven. "Dito ka nga sa tabi ko. Ang lamig eh." Maya-maya'y naglalambing na ang tono ni Rome. Tumitig ito sa kanya. "Is she nervous?" Amused na sabi sa sarili ni Rome habang hesitant na humiga si Raven sa tabi nya.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Rome, she snuggled on her. It feels good. Raven's warm and she loves her smell. Sweet and tempting. She snuggled closer and  her lips is practically grazing Raven's neck. She could hear her heart beating fast. Parehong mabilis ang tibok ng puso nila. Tila nawala din ang pagkalasing ni Rome. Pareho silang nagpapakiramdamanan.

Rome knows what she wants at that time. The question is, kaya ba nya? Will she risk everything? Until she can't stop herself anymore. She started kissing Raven's neck. She waited for her to stop her but she didn't. Encouraged, she began fondling her breast, then stopped.

Nagtama ang mga mata nila. Raven smiled. She saw desire in those eyes. And that is her cue. For the first time, they kissed. She feels exhilarated. They touched, caressed, held and undressed each other.

Rome likes the feeling of having her body pressed against Raven's. She loves how Raven touched the whole her. Also full of desire, Rome kissed every inch of her body. Everytime her lips touches her, she can feel Raven shudder under her, and moan with pleasure.

Rome's need to gratify Raven is so strong. She wants to make her feel desired dahil yun naman din talaga ang nararamdaman nya.

And when Rome felt that Raven was about to reach the brink of ecstasy...

"Tita! Tita!"

"Tita?! confused na sabi sa isip.

"Tita!!"

Anong ginagawa ng annoying nyang pamangkin dito?! Paano ito nakasunod sa motel?

"Tita!"

"Tita!"

"Tita! Gising na. Mali-late ka na!!!"

"Late?"  Anong pinagsasabi nito? Naramdaman nyang niyuyugyog sya ni Andrea.

"Titaaaa!!!!"

Napabalikwas ng bangon si Rome. Panaginip lang pala. Hindi totoong she made love with Raven. The kisses and caresses that they shared were just a dream. Nadismaya sya. And deep within her she wanted it to be true. Her body pressed against Raven's felt so natural.

Naramdaman nyang nag-init ang mukha nya nang mag-flash sa isip nya ang mga ginawa nila sa panaginip. Ngayon lang nya napagtanto on how much she desire Raven. "Hmmm, ganun din kaya sya kasarap sa totoong buhay?" pilyang isip nya at biglang nangiti.

"Tita?" pukaw ni Andrea sa atensyon nya.

"Ano?!" singhal nya dito. "Istorbo ka!"

"Sabi kasi ni mama, gisingin ka eh," dahilan nito at medyo natakot nang makita nyang nakaguhit sa mukha nya ang galit. "Kanina pa kita tinatawag."

Tumayo na si Rome saka kinuha ang tuwalyang nakasabit sa headboard ng kama. "Dinner ka din daw sabi ni Tita Blanche bago pumasok. Gumawa ako ng carbonara!" pagmamalaki pa ni Andrea.

"Ligo muna ako," sagot nya saka na pumasok sa banyo. Na-imagine na naman nya yung panaginip kanina habang naliligo. "Kasalanan kasi ng pabango nya to eh." Nangingiti nyang sabi sa sarili. Sinabi nya kay Raven na nakakagutom ang pabango nito, parang candy. It is really making her hungry, but it's also turning her on. Hindi pa sya nakakaramdam ng ganito sa kapwa babae. Kay Raven lang.

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon