ROME
Nami-miss ni Rome ang mga dati nyang friends from Sales. Wala kasi syang masyadong ka-bonding dito sa Technical. Andyan sina Lawrence oo, pero hindi naman nya mayaya ang mga itong uminom. They are not her usual crowd.
Pero, infairness, mas nagiging close sila ni Raven. Hindi pa close na close pero compared sa dati na hindi sila masyadong nagpapansinan, ngayon nagbibiruan na sila. Lagi syang inaasar nito at ni Annie.
Ang hilig ni Raven na magsend ng mala-gossip girl na email sa grupo nila. At sya lagi ang laman nun. Nahahawa na ito kay Annie sa kakaalaska sa kanya.
Hey Upper East Siders, Gossip Girl here, your one and only source into the scandalous lives of Makati's elite. Spotted at the Smoking Area, Romina Estel Reyes was fraternizing with some guy she claims she doesn't like. With their intimate conversation, our favorite IT girl was not aware that sneaky Annie was spying on her and immediately informed yours truly about this surprising revelation. Was it just a casual talk or Romina was really flirting with Mystery Guy? What is the true score, R? And who am I? That's one secret I'll never tell. You know you love me. Xoxo
Amusing si Raven at nae-entertain si Rome sa mga emails nito lalo na kung nagkukunwari itong si Gossip Girl. Ang galing-galing nito sa ganun. Isa yan sa topic na lagi nilang pinag-uusapan- Gossip Girl series. Bet nito si Chuck Bass samantalang may crush sya kay Nate Archibald.
Gossip Girl here, your one and only source into the scandalous lives of Makati's elite. Spotted: Romina Reyes, playing dumb (again) to get Crushness' attention. How about Mystery Guy, R? Will you choose the cute and boring one or the one you claim you don't like but you've been secretly fraternizing with? And who am I? That's one secret I'll never tell. You know you love me.
Ginawan din ni Raven sina Annie at Brando nung mag-birthday ang mga ito.
Lagi nag-e-email sina Rome at Raven sa isa't-isa kahit magkatabi lang sila. Nags-share na si Rome tungkol sa mga crushes nya like Richard. Alam nina Annie and tungkol sa paghanga nya sa lalaki pero si Raven lang ang pinagsabihan nya ng buong kwento. Alam kasi ni Rome na hindi ipagkakalat ni Raven kung anuman ang sabihin nya dito. Hindi sya nag-aalangang sabihin na may nakaraan sila ni Richard.
May isa silang teammate, si Paco na lagi syang ine-email. Nung una puro lang sila kalokohan at laging napupunta sa sex ang usapan. Open naman sya sa topic na yun kaya nagre-reply naman sya kasi wala lang sa kanya yun. Pero nung tumatagal na hinihiritan sya nito na pagbigyan daw nya kahit minsan. As if papatol sya dito. May asawa na nga, hindi pa gwapo. As in walang ka-hitsu-hitsura. Pangit in short!
Nagsumbong sya kay Raven. Sanabihan sya nito na huwag ng magreply sa mga email ni Paco. Kaya lang din nya pinatulan yung nga emails ng lalaki is that she would like to test him like the others kung talagang matibay ang love nila sa mga asawa nila. Clearly, his love is not that strong.
Bakit nya ginagawa ito? Hindi din nya alam. Naging bitter nga ba sya after Justin? Maybe she is.
RAVEN
Nag-email sa kanya si Rome. Nagsumbong itong hiniritan na naman ito ng bastos ni Paco. As always, sinabihan nya itong wag na mag-email dito o magreply kaya kapag in-email sya ng lalaki.
"Sayo wala lang yan, pero sa kanya iba na ang dating. Iniisip nya na gusto mo ding gawin. It's like binibigyan mo sya ng motibo," reply nya kay Rome nang sabihin nitong open ito sa ganung topic at wala lang yun sa kanya.
Sa totoo lang, ongoing na itong sumbong ni Rome. Medyo nakakaramdam na sya ng inis dito. Ang tigas kasi ng ulo. Sinabi ng wag ng i-entertain ang emails nung lalaking yun, reply pa ng reply. Kahit hindi bastos ang pinag-uusapan nila, mapupunta at mapupunta yun dun kasi nga pervert si Paco.
"Ang tigas kasi ng ulo," inis na bulong ni Raven sa sarili. She already considers Rome as a friend. At ayaw na ayaw nyang nababastos ang mga kaibigan nya.
"Ang kapal ng mukha! Akala mo kung ang gwapo nya kung makahirit kay Rome. Kadiri kaya mukha nya, butas- butas. Kapal ng apog. The nerve!!!" kulang na lang isumpa-sumpa ni Raven ang lalaki sa isip. She's silently fuming for her friend. Alam nyang liberated si Rome, pero hindi yun dahilan para bastusin sya ng ganun na lang ni Paco. At hindi rin pwedeng hahayaan na lang nitong tratuhin sya ng ganun.
ROME
Hmmm, nasermunan pa ako ni Gossip Girl, nangingiting sabi ni Rome sa sarili matapos basahin ang mahabang email ni Raven about not letting Paco and some guys na bastusin sya.
Natuwa naman syang Raven cares for her. Hindi lahat ng tao marunong rumespeto. She doesn't get a lot of that. She even found herself liking Raven even more kahit hindi nya pa ito masyadong kilala. Paano naman, madaldal nga ito, she can talk about a lot of things pero kung i-a-analyze ang lahat ng sinabi nito, wala itong nai-kwento tungkol sa sarili. Rome finds her mysterious. Kinda interesting even. Amusing sometimes even though they are so opposite.
Hindi ito addict sa internet like her. Ginawan nga nya si Raven ng account sa facebook nung minsang pinasok nya ang cellphone sa loob ng prod floor. Gusto sana kasi nya itong i-add as friend kaso sinabi nitong wala itong facebook account.
Rome was like what?! Eto na lang yata ang kaisa-isang taong hindi member ng FB! naisip nya. She's exaggerating of course pero kahit na. Hindi naman ito nabubuhay sa stone age.
"Hindi ko din kasi maasikaso yan eh. Hindi ako madalas mag-online. Baka madeactivate lang," depensa nito.
"Ano ba yan," nailing na sabi ni Rome pero ginawan pa din nya ito ng account. "Naka-VL pala ako next week. Mag-d-Davao kami ni Ate," share nya.
"Pasalubong! Souvenir shirt. Yung black!" reply nito.
"Specific talaga ha."
"Oo naman."
BINABASA MO ANG
Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)
RomanceRaven on Rome: "Wala na syang ginawa kundi uminom." Rome on Raven: "Ang boring naman ng taong ito. Wala na syang ginawa kundi magbasa ng mga pangmalulungkuting babasahin." Do opposite poles really attract?