>>>>Compromise <<<<

3.3K 123 8
                                    

ROME

Tuwang-tuwang kinunan ng picture ni Rome ang malaking koala stuffed toy sa Toy Kingdom. Sinamahan nya sa Mega Mall ang ate para tumingin ng mga regalo para sa mga inaanak nito. Late Xmas gifts.

Kasama din nila si Andrea at iniwan nya ang mag-nanay na kasalukuyang namimili ng miniature cars. Pumunta sya sa section ng stuffed toys at naghanap ng mga bears.

Dahil sa wala silang magawa nina Daddy Rigor kahapon, napagkatuwaan nila ang mga pictures ng mga bears na naka-save sa computer nila. Polar Bear daw si Daddy Rigor, Teddy Bear si Lawrence, Care bear si Annie, Panda si Rome at Koala naman si Raven.

Nailing si Rome nang maalala na naman ang komento ni Raven. "Koala is not actually a bear. Mukha lang kasi syang bear kaya it's being called koala bear. Pinsan sya ng kangaroo."

"Ikaw na ang brainy!" nakakunot ang noong sabi ni Rome dito. "Maalam ka." Tatawa-tawa lang ito.

Kung hindi lang siguro magtataka ang ate nya at kung hindi lang mahal yung stuffed toy ng koala, bibilhin nya. Cuddly kasi. "Masarap din kayang mag-cuddle kay Raven?" nangingiti nyang isip.

"Tita," lumapit sa kanya si Andrea. "Pahiram naman nyang bag mo. Sasama ako kay mama sa office nya next week."

"Ayoko nga! Baka sirain mo pa. May bag ka naman, bakit hindi yun ang gamitin mo," annoyed na sabi nya saka iniwanan ang pamangkin. Wala syang balak ipahiram ang bag nya kahit kanino dahil bigay ito ni Raven, aside from the fact na may pagkaburara si Andrea.

Nagpaalam sya sa ate nya para pumunta sa Customer Service to buy ticket. Magco-concert kasi ang paborito nyang Bone Thugs N' Harmony sa January. Kahit wala syang kasamang manonood, keber lang sya.

Niyaya nyang manood si Raven kaninang umaga habang nakatambay sa Starbucks kaso umayaw ito. Hindi na nya pinilit dahil ni hindi nga nito ma-recognize ang pangalan ng BTNH at nung pina-try nyang makinig ito ng Crossroads, wala pang kalahati ng kanta glassy-eyed na ito.

"Hindi ko maintindihan," nakasimangot na komento ni Raven after ibalik ang cellphone at headset nya. "Gibberish." Nakakunot pa din ang noo nitong uminom ng Mango Passion.

"Wala kang kwenta," pakli nya. "O eto, sorry late na gift ko." Inabot nya dito ang isang paperbag na may lamang Cheetos at resealable mini Oreos. "Hndi na kita binilhan ng books, madami ka na nun eh." Parang hindi yata sweet ang pagkakasabi ko? naisip pa nya.

"Thank you!" nakangiting sabi ni Raven saka inilagay ang paper bag sa tabi ng body bag nito sa isang extra seat. "So, manonood ka talagang mag-isa?"

"Oo naman nuh. Wala kasi akong mayaya. Yung mga friends ko namamahalan sa ticket. Wala akong balak ilibre sila nuh."

Pagkatapos bumili ng ticket, dumiretso sa Smoking Area si Rome. Nakaka-dalawang-beses na sya today.

"May dalawa pa ako," isip nya. Apat na yosi na lang ang iko-consume nya mula ngayon. Kasunduan kasi nila ni Raven yun kanina bago sila maghiwalay after shift at bago ito umuwi sa Dagupan.

Aware si Raven na malakas mag-yosi si Rome. Kayang-kaya nyang ubusin ang isang kaha sa isang araw. Minsan half-day pa. But recently lagi syang nakakaramdam ng palpitation, na hindi nya alam kung dahil sa yosi, kape or lagi lang nagwawala ang puso nya kapag kasama si Raven.

Whatever the reason is, napapayag si Rome na apat na yosi lang sya per day. Si Raven naman, nag-promise na babawasan ang pag-inom ng softdrinks. Once a week na lang. Compromise ang itinawag dito ni Raven.

"May nalalaman pang compromise- compromise," komento sa sarili ni Rome. "Pwede namang deal."

Kinilig naman sya kaninang  hapon paggising nya dahil nag-text si Raven asking permission kung pwede daw ba itong uminom ng coke (uminom na kasi ito kahapon) kasi bumili daw ang pinsan nito at panulak nila during dinner.

"Jowa?" tukso ng isip nya.

Para na nga silang may relasyon kung kumilos. Laging magkasama, endless texting naman kung hindi. Lagi nilang nire-report kung anong ginagawa ng isa't-isa. Nung katext nya pareho sina Franco at Raven, na-missent sya. Binalik ni Raven ang text nyang napunta dito na dapat para kay Franco. After nun, hindi na sya nito tinext or ni-reply. Feel nya nagselos si Raven kaya nag-sorry sya. Naramdaman na naman nya yung guilty feeling na parang she's cheating on her.

Rome is now certain that Raven loves her too. Ang problema nga lang hindi ito yung tipong gagawa ng first move. Kumbaga sa guy, torpe si Raven.

Pwede ding natatakot lang ito like her na baka iwasan nya kapag nagtapat. Kung alam lang nito how much she want her.

Pero pwede ding nag-f-feeling lang sya at kaibigan and little sister lang talaga ang tingin nito sa kanya.

"May friend bang nakikipag-flirt sa text?" naisip nya. "Hmmmmnn."

Rome thinks that she has to take matters into her own hands. Hindi bat yun na ang ginagawa nya? Hindi bat the reason why she finally decided not to resign is because of Raven? Kulang na lang aminin nya dito ang totoo. In time she will. In time.

Sumunod na lamang si Rome sa grocery nang mag-text ang ate na andun na nga daw sila ni Andrea. Naabutan nyang nagtatalo pa ang mag-ina dahil gustong magpabili ni Andrea ng chocolate.

"May chocolate ka pa sa bahay ah! Hindi bat binigyan ka din ni Raven?" pagalit na sabi ng ate Candice nya habang tulak-tulak ang cart. Nakasimangot namang nakasunod si Andrea. "Don't tell me ubos mo na?"

"Ano pa nga ba?" singit ni Rome. "Nag-iinarte pa kunwari nung una na ayaw kainin yung bigay ni Raven pero maya-maya inubos na. Hindi umabot ng 24 hrs." Naiiling nyang sabi. Nagbigay kasi ng chocolate si Raven as a gift. Tig-iisa silang lahat. Pambawi daw kasi hindi ito nakapunta nung inimbitahan ito ng ate nya during Christmas and New Year.

"Pahingi na lang ako ng chocolate mo mama!" hopeful na sabi ni Andrea. Malaking Toblerone kasi ang binigay ni Raven kay Ate Candice.

"Ayoko nga," umirap na sabi ni Ate Candice habang namimili ng loaf bread. "Ikaw lang ang uubos nun. Wala akong matitikman."

"Siba mo kasi," pang-aasar pa ni Rome sa pamangkin. At nang mapunta sila sa fruit section para pumili ang ate Candice nya ng saging... "Andrea, hulaan mo kung anong saging ka."

"Señorita?" hula naman nito.

"Hindi," natatawang sabi ni Rome.

"Lakatan?"

"Mali."

"Eh ano? Wala na akong alam na saging eh."

"Saba! Short and stout!" saka sila tumawa ng ate nya.

"Ang sasama nyo," singhal ni Andrea. 

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon