EPILOGUE

7.2K 232 145
                                    

EPILOGUE

RAVEN

Habol pa din ang hininga ni Raven nang makababa sa tricycle na sinakyan. Pagkababa kasi nya sa Kalentong, patakbo syang pumunta sa paradahan ng mga tric. Susunduin kasi nya si Rome sa school na pinapasukan nito.

Magkikita sila nito ng 5 pm. Napasarap ang tulog nya at hindi narinig ang alarm. Buti na lang kusa syang nagising at nang makitang pasado alas kwatro na, mabilisan syang naligo at nagbihis. Baka ma-late sya. Ayaw nyang paghintayin ang girlfriend.

Girlfriend. Tuwing naiisip ang salitang yan, it never fail to make her smile. Two years na sila ni Rome today at hanggang ngayon hindi pa din sya makapaniwalang they are committed with each other.

Nakahinga ng maluwag si Raven nang mag-text si Rome na hindi pa natatapos ang klase nito. Hindi pa sya late. Pumasok muna sya sa simbahan malapit sa school para magdasal at para na rin maghintay kay Rome.

Magsi-celebrate sila ng 2nd anniversary nila at kinakabahan si Raven.

"Sana magustuhan nya ang regalo ko," usal ni Raven sa sarili. Umupo na lamang sya matapos magsindi ng kandila at mag-usal ng maikling dasal.

Five months nyang ginawa ang regalo para kay Rome. She poured her heart and soul in it. Marami syang naisip ibigay dito pero she wanted to give her something personal, something na tanging para sa kanya lang.

Naramdaman nyang nag-vibrate ang cellphone sa bulsa. Nag-text na si Rome at tapos na daw ang klase nito. Palabas na daw ito ng gate.

Mabilis na tumayo si Raven at lumabas ng simbahan. Naghintay sya sa harap ng simbahan.

Ilang minute lang ang hinintay nya nang makitang pumasok sa maliit na gate ng simbahan sa bandang gilid si Rome. She look beautiful on her white uniform. Naka-ponytail ito na lalong nagpalitaw sa magandang mukha nito. Proud sya sa girlfriend dahil nagagawa nitong pagsabayin ang trabaho at pag-aaral.

Hindi na sya makapaghintay kaya naglakad na sya palapit dito. Rome smiled at her sweetly. Automatic din niton ikinawit ang braso sa braso nya.

ROME

Excited na kanina pa si Rome. After ng shift, hindi na sya masyadong nakatulog dahil iniisip na nya ang dinner nila ni Raven mamaya. Kung pwede nga lang na hindi sya pumasok sa klase nya, kaso magagalit ang strict girlfriend nya.

Hindi masyadong makapag-concentrate si Rome during her class. Her professor is discussing something about Indian literature.

With Raven and her Ate Candice's encouragement, bumalik sya muli sa pag-aaral at itinuloy ang naudlot na course sa UST- Physical Therapy. Mahirap at nakaka-stress pagsabayin ang work at school. Madalas kulang sya sa tulog pero she has to strive foe herself and for her future. Buti na lang at nasa tabi nya si Raven.

Pagkasabing-pagsabi ng prof na they are dismissed, mabilis na tumayo si Rome at nagpaalam sa mga kaibigan. Lumabas sya sa gate at halos takbuhin ang simbahan.

Dressed on her usual get up – dark blue jeans jeans, red and blue Her bench baby tee, black sneakers and jacket- Raven's standing in front of the church smiling at the sight of her.  MMas naging malinaw sa panigin nya ang cute dimple nito sa kanang pisngi nang lumapit na ito sa kanya.

"Hope you like it," nakangiting inabot sa kanya ni Raven ang isang medyo manipis na hugis parisukat na nababalutan ng elegant looking red and black wrapper. "Happy Anniversary."

Nasa isang fine dining restaurant sila sa Greefield district at kasalukuyan nilang hinihintay i-serve ang mga inorder. Nasa couch sila at nakapwesto ito sa emdyo sulok kaya may privacy sila. They seated facing each other.

"Thank you. Happy Anniversary," masayang sabi ni Rome at niyakap ang regalo. "I love you, Rave."

"I love you too, Rome."

Dahil parang excited na bata si Rome, hindi na nya napigilan ang sarili at binuksan na agad ang regalo sa kanya. Isang kulay red na libro ang tumabad sa kanya, which reminds her of her old highschool yearbook. She eagerly open it. It's a book that Raven wrote. And it goes...

>>>>>Large Coke <<<<<

RAVEN

Nasaan ka na ba? pang-ilang text na ni Raven yan sa pinsan nyang si Biatrice. Kanina pa nya ito hinihintay. Mag-iisang oras na syang tumatambay sa Wendy's at puro "Malapit na" ang kanina pa ring reply nito. Kung gaano kalapit, hindi nya alam. For all she knows, baka nasa bahay pa ito at nagpapatuyo ng buhok.

 

"Ooop... mamaya na yan," nangingiting sita ni Raven sa kanya at kinuha ang libro.

Mabilis naman itong nabawi at naagaw ni Rome. Pinandilatan sya ni Raven.

"Hindi na nga po magbabasa. Ilalagay ko lang sa bag ko, for safe keeping," Rome said and eyed Raven with mock suspicion. Tinago na nya ang libro sa bag saka na umayos nang sinimulang i-serve ang mga orders nila.

"I love you," Rome mouthed habang abalang-abala ang waiter.

"I love you too," Raven mouthed back. 


Thank you for spending your precious time reading my story.  You may want to check out my other completed stories too.

*Summer of Taking Chances
* Unwritten (Sequel)

*Since Nine Book 1: One Friend (Completed)
*Since Nine Book 2: Reunited (Completed)
*Since Nine BooK 3: Shattered (Completed)

*Watermelon Dreams (completed)

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon