RAVEN
Raven has been contemplating about Rome. She always occupies her mind recently. Kagaya ngayon, habang sakay ng bus pauwi sa probinsya, habang nakatingin sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang kulay berdeng mga taniman ng palay sa NLEX, si Rome ang nasa isipan nya.
She's been thinking kung ano ba talaga ang meron sila ni Rome. They flirt. Lagi silang magkasama. They text a lot. They've been acting na parang mag-jowa pero hanggang ngayon she's still puzzled. Tinatanong pa din sa sarili kung anong nararamdaman sa kanya ni Rome. Mahal din ba sya nito o hindi?
Marami na syang nakikitang signs...indications that Rome loves her too. Kung hindi man sya nito mahal, papunta na dun. Marahil in denial lang sya. In denial sa katotohanan. Natatakot syang i-entertain ang katotohanang mahal din sya nito.
Pero paano kung mali sya? Paano kung laro lang ang lahat ng ito kay Rome? Dahil sa part nya, seryoso sya sa nararamdaman para dito. Totoong mahal nya ito.
Natatakot din si Raven sa nararamdaman. Nakakatakot sya na masaktan lang. But sometimes, natatakot sya sa posibilidad na masaktan nya si Rome. Paano nga kung mahal sya nito at masaktan ito. After Justin, she can't afford another heartbreak. Raven sometimes questioned herself if she's really capable of loving. Pwedeng oo. Naninibago lang siguro sya dahil ngayon lang sya nakaramdam ng ganito.
Ang gulo, pero masaya sya.
"Nasaan ka na? Sorry gf, nakaidlip ako," maya-maya naputol ang pag-iisip nya nang magtext si Rome.
"Ayos lang yun. Nasa NLEX pa din, bandang Pampanga na," reply nya. "Matulog ka lang."
"Mamaya na. Samahan muna kita. Nakapag-power nap na ako eh," sagot nito na ikinangiti ni Raven. Matigas talaga ang ulo nito.
Sanay na syang ka-text ito kapag hindi sila magkasama. At hindi ito pumapalyang samahan sya during her trips. Dahil dun mas nakikilala nila ang bawat isa. Nakakapag-heart to heart text sila.
"Wala na ba talaga yung sa inyo ni Franco?"tanong ni Raven nang masabi ni Rome na hinahanap ito ng lalaki dahil may ibibigay itong Marang galing Davao. She can't help but feel threaten kapag nagpaparamdam at umaaligid ang mga lalaking may gusto kay Rome.
"Wala na po," sagot nito. "Sabi ko naman di ba, ayoko na."
"Maghanap ka na lang ng matinong lalaki. Syempre dapat yung gwapo at responsable. Hindi yung ikaw ang bubuhay sa kanya," nasasaktan sya sa sariling sinasabi when in fact she wants Rome for herself.
"Meron pa bang ganun? Sa pocketbook na lang yata yun, gf," sabi ni Rome.
"Malay mo," sabi naman nya. Kung hindi mapupunta sa kanya si Rome, mas gusto nyang sa mabuting lalaki ito mapunta. Not that it would do any better pag sya ang naging karelasyon nito. Kumplikado ang kalalabasan kung sakaling maging sila. Maraming huhusga. Maraming kokontra. "If I were a boy, I won't commit the same mistake your exes did—letting you go."
Matagal bago naka-reply si Rome. Kinabahan si Raven, masyado na ba syang naging open sa nararamdaman nya? Baka nagkamali lang sya ng akalang gusto din sya nito at mandiri sa kanya?
"Naiyak naman ako sa sinabi mo. Matagal ko ng gustong marinig yan...too bad babae ka," sagot nito. "Meron ka bang male version?"
"Meron naman siguro. Malay mo."
"Kumportable kasi ako sayo. Mabait ka and responsible. You're smart. Lahat ng pwedeng hanapin sa isang partner nasayo na," sunod na text ni Rome.
Raven's heart started beating wildly. Kinakabahan at nae-excite sya sa mga texts ni Rome. "Ibig sabihin ideal person ako para maging girlfriend?"
"Oo, gf. Kung hindi ka lang babae, ikaw na lang sana eh. Kaso hindi pwede," reply nito.
Kahit yun ang sinabi ni Rome, Raven can't help but be thrilled. May pag-asa pa silang dalawa. And now, its confirmed that Rome likes her more than friend..or maybe even love her. "I know. Hindi tanggap ng lipunan. It doesn't conform with the norm."
Yun ang ultimate na kinatatakutan nya. Bawal. Imoral. Hindi tanggap sa mata ng tao at Diyos. Ngunit kahit ganun, hindi nya mapigilan ang sariling mahalin si Rome.
"Wow, ayan ka na naman sa mga brainy banat mo eh. It doesn't conform with the norm!! Nosebleed!!" pang-aasar nito sa kanya kaya nauwi na naman sa kalokohan ang texting nila. Hindi na natulog si Rome. 30 mins lang sila natigil nang magpaalam na kakain muna ito ng lunch.
"Gusto kong lumabas mamaya. Gusto kong uminom," text ni Rome after nitong kumain. Nasa kwarto na daw ito ulit at naglock ng pinto. Baka daw kasi makita sya ni Andrea na kumakain ng chocolate. Nagmamaramot. "Kaso no money!"
"Alcoholic ka talaga," biro nya dito. "Kelan kaya tayo makakapag-inumang dalawa?" Hindi umiinom si Raven at never din syang nag-initiate nun with her friends. Sya lagi yung umiiwas at tumatanggi. But with Rome, she's willing to adjust. Hindi naman kailangang magpaka-wasted di ba? Saka mabuti nang sya ang kasama nito kesa iba.
ROME
Napangiti si Rome nang tanungin sya ni Raven kung kelan sila nito iinom. Alam nyang hindi umiinom si Raven. Touched sya sa willingness nitong mag-adjust para sa kanya.
Kinikilig na naman sya. Tumatak kasi sa isip at puso nya ang sinabi ni Raven na hindi sya nito pakakawalan. Kanina pa nya inuulit-ulit basahin ang text nito. She even saved it on her phone.
Bakit ba hindi nya narinig ang mga katagang iyon kay Justin? Bakit ba sa isang babae pa? Though, it just so happened na mahal nya ang babaing yun.
Its obvious na gusto nila ni Raven ang isat'-isa. Kaso andyan na din yung takot na kasalanan ang magmahal ng kapwa babae. Na hindi ito fully accepted ng society. Pasaway sya oo, hayok sa alak at chain smoker pero pagdating sa bagay na ito, she's hesitant. Noon kapag naiisip nya ang same sex relationship, its just part of her checklist. Things to do. Kalokohan lang, but its different now na andito na. Ngayon na she feel strongly for Raven.
Napapabuntong-hinga na lang si Rome.
"Ano kayang mangyayari pag nag-inuman tayong dalawa? Baka naman bigla mo akong halikan," tuksong text ni Raven sa kanya. Nasabi na nya dito ang tungkol sa wet dreams nya. Kahit nakakahiyang aminin, kinuwento nya dito ang panaginip. Lagi daw kasi silang naglalandian sa email at text kaya kung anu-anong napapanaginipan nya. Rome blamed Raven's Sweet Temptation.
"Hindi malabong mangyari yun. Pag nakainom ako, I'm such a flirt. Baka hindi ko na mapigilang halikan ka," tugon nya. She made it sound na biro lang yun but she meant it with all her heart.
Nag-init ang mukha nya nang mag-reply si Raven. "Malay mo , I'll respond with your kiss."
Pasalamat si Raven at wala ito dito sa tabi kundi kanina pa talaga nya ito hinalikan. "Gosh, that girl is tempting me," nangingiti nyang isip.
BINABASA MO ANG
Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)
RomansaRaven on Rome: "Wala na syang ginawa kundi uminom." Rome on Raven: "Ang boring naman ng taong ito. Wala na syang ginawa kundi magbasa ng mga pangmalulungkuting babasahin." Do opposite poles really attract?