>>>>>Epic Fail<<<<<

3.3K 127 9
                                    

RAVEN

December 25

"Hindi ka ba talaga makakadaan sa bahay? Pinaalala ni ate na i-invite kita. Kahit kumain ka lang ng breakfast," nag-text si Rome during Raven's lunch. Wala si Rome dahil naka-VL ito ng Xmas Eve and she's offering na sunduin sya nito sa office after her shift para dumaan daw sa kanila for breakfast.

Matagal na nyang sinabi kay Rome na uuwi sya agad after her shift para makasama naman ang tita nya sa Xmas day mismo. "Uwi na talaga ako agad after shift. Baka kasi madaming tao, agawan na naman ng upuan sa bus," reply nya. Nahihiya syang tumanggi. Gusto sana nyang pumunta kahit saglit kaso mahirap ang biyahe ngayon and she want to be home as soon as possible.

"Takot ka lang ma-meet ang family nya," tukso ng isip nya.

And there's that. Kinakabahan sya. Parang as in"meet the family"! Natatakot sya dahil masyado na silang nagiging malapit ni Rome. Mas lumalalim din ang pagmamahal nya dito. Natatakot syang mawala kung anuman ang meron sila ngayon.

Diretso na agad sa terminal ng Five Star si Raven after shift. Laking pasasalamat nya dahil hindi na sya nahirapang sumakay. Pagdating nya may nakaparada ng bus papuntang Dagupan at swerte ding may naupuan pa sya sa bandang unahan.

Gusto pang sipain ni Rome ang driver dahil ilang beses itong may muntik ng mabanggang kotse at van. During the trip magka-text sila ni Rome. Kahit wala itong masyadong tulog kagabi, gumising ito ng sobrang aga para abangan ang paglabas nya sa work. Nag-alala ito ng sobra nang ikinuwento ang tungkol sa driver.

"Mamaya ako matutulog pag nakarating ka na sa inyo," sagot ni Rome nang sabihan nya itong matulog na.

"Inaantok ka na kaya. Sleep ka na," pero deep down natutuwa syang nag-aalala ito para sa kanya. "Matagal pa tong biyahe."

"Ayos lang. I want to make sure na makakauwi ka ng safe. Tumayo na nga ako eh para hindi makatulog," sagot nito and Raven can picture her pacing back and forth in her room. O kaya naman nag-yoyosi ito.

"Paano pag nawala ako sa buhay mo?" tanong nya dito.

"Hindi ka pwedeng mawala," sagot nito.

"Bakit hindi?"

"Kasi malulungkot ako."

"Then I'll always be here for you," gustong sabihin ni Raven. "Don't worry, masamang damo yata to. Hindi ako mamamatay agad."

"Baliw!

Bukod sa texts, pinadalhan sya ni Rome ng mga pictures ng handa nila sa bahay via mms. May kuha din itong hawak ang dalawang Grand Matador. Uminom daw sila ng pinsan nito.

Nang malapit na sila sa Tarlac, medyo inaantok na si Raven at hilong-hilo na sa kaka-text. Since nagpupuyat si Rome for her, sinikap nyang wag matulog din sa biyahe. Minsan hindi na nya naiintidihan o kaya nababasa ng mabuti ang text ni Rome kaya she sometimes replies with, "Ha?!"

"Anong ha? Anong sagot mo," tanong sa kanya ni Rome na obviously hindi naintindihan ni Raven kung anumang tinatanong nito. Instead of answering, iniba na lang nya ang usapan.

Bumili ng chips and cold coke si Raven nang mag-stopover sila sa Siesta para mawala ang antok nya. Tuloy lang ang text nila ni Rome at medyo nagising na ang diwa ni Raven after ubusin ang softdrinks na binili.

Habang ngumunguya ng chips, binalikan ni Raven ang mga messages ni Rome para piliin ang pwede nyang i-save at i-delete. Her heart skipped a beat nang mabasa ang thread ng isang message nila ni Rome. "Totoo ba to!?" gulat na sabi nya sa sarili at binasa ulit ang tinext sa kanya ng kaibigan kanina. Totoo nga ang nabasa nya and she would like to kill herself.

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon