ROME
"Hindi na nga ako nakikipagbalikan," reply ni Rome for the nth time kay Raven dahil kanina pa sya nito tinatanong ng paulit-ulit kung makikipagbalikan ba sya kay Justin. Nakukulitan na sya sa kaibigan dahil paano daw kung Justin will ask her to take him back, babalikan daw ba nya ito? What if kung mahal pa daw sya ng lalaki?
Iisa lang ang isinasagot nya kay Raven kanina pa. Walang balikang magaganap! Hindi nya magawang mainis sa kakulitan ng kaibigan dahil wala syang lakas. Pero ganunpaman, kahit hilong-hilo sya at parang mabibiyak ang ulo nya sa sakit, she keeps answering Raven's repetitious question.
Kasalukuyang nakasalampak sa sahig ng banyo nya si Rome. Nakaharap sya sa toilet bowl dahil kanina pa sya nagsusuka. Kanina, nung pinagbuksan sya ng pinto ng Ate Candice nya, ni hindi na nya nagawang batiin ito dahil dire-diretso syang pumasok sa banyo.
Hindi na sya pinagalitan or tinanong ng ate nya. Inabutan na lang sya nito ng strong tea pagkagaling nya sa banyo. Umiikot ang paningin nyang humiga sa bed at paulit-ulit nyang sinasabing, "Hindi na ako iinom. Hindi na talaga ako iinom."
Pabalik-balik lang sa banyo si Rome kaya naupo na lang sya sa sahig. Tuloy pa din ang text nila ni Raven. Kinukumusta nito ang kalagayan nya at may kasama na ding sermon. Lihim syang naliligayahan na alam nyang concern sa kanya ang kaibigan. She's thankful dito dahil hindi sya nito iniiwan. Kahit ba sa text lang, feel nya nasa tabi lang nya ito. Si Raven ang una nyang tinext after nyang iwanan si Justin sa motel.
Kung kanina snippets lang ang naaalala nya dahil sa hilo, ngayon unti-unting bumabalik sa kanya.
Pagkatapos nilang magbayad at umalis sa Central ni Justin, nag-bus sila at pumunta sa isang motel sa Mandaluyong. Magka-holding hands sila all the time. Alam ni Rome sa sarili na hindi na sila pwede nito pero hindi na muna nya inisip yun. Tawag ng laman? Yes. Or maybe not. Pwedeng gusto din nya itong makasama. Pwedeng both. Hindi na nya alam.
Nakita na lang nya ang sariling katabi si Justin sa lobby ng motel at naghihintay ng available room. Maraming nagc-check in. December nga naman at madaming pera ang mga tao. May ibang couples din ang naghihintay doon.
Hindi sila nag-iimikan ni Justin hanggang sa, "I'm in a deep shit," maya-maya ay sabi nito kay Rome. "Nakabuntis ako."
Rome didn't say anthing. Alam na nya ang tungkol dun. Hinihintay nyang ito ang magsabi sa kanya.
Tumingin si Rome sa lalaki at tinitigan ito. Same familiar features. Bumbayin. Alon-along buhok. Mahabang pilik-mata. Everything about him is the same and sadly she also saw the same troubled guy she loved before. Always in a deep shit. Wala ng pagbabago. Paulit-ulit lang ito. Hindi pa din ito nagma-mature as always.
Right there and then habang nakatitig si Rome sa mukha ni Justin, she realized something. Na-realize nya kung gaano na sya kapagod dito. She's tired of loving him, of waiting for him. Suddenly, nasabi nya sa sariling, "Rome, tama na."
When they kissed again, it's the same. Andun pa din yung familiarity pero wala na talagang spark. It was just pure sex for Rome. It was like let's-get-this-over-and-done-with thing.
After doing it, nag-away pa sina Rome at Justin. Kung dati-rati after they made love, she loves to snuggle pero dahil something inside her changed and realization struck her, nagbihis na sya agad.
"Saan ka pupunta? Tulog muna tayo," nakaguhit sa muka ni Justin ang confusion. Marahil he's expecting her to stay. Akala siguro nito kagaya pa din ng dati. "Mamayang hapon pa naman ang check-out time." Tumayo ang lalaki mula sa pagkakahiga at lumapit kay Rome.
"Uuwi na ako," sabi ni Rome matapos isuot ang blouse. Mabilis nyang kinuha ang shoulder bag at supot na pinaglagyan ng gifts saka binuksan ang pinto.
"Wag ka munang umalis," pigil ni Justin at hinawakan ang braso nya. "Dito ka muna."
"Ayoko nga. Gusto ko ng umuwi," giit na sabi ni Rome saka lumabas. Sinalubong sya ng isang room boy bagp pa man makalayo sa kwarto.
"Ma'am, hindi pa po kayo pwedeng umalis," kakamot-kamot sa ulong sabi nito.
"At bakit hindi?!" inis na sabi ni Rome. Alam nyang gusto lang masiguro ng room boy ang security. Na hindi nya pinatay ang kasama nya sa loob ng kwarto.
"Bumalik ka nga muna dito sa loob. Mag-usap tayo," nakakunot ang noong tawag sa kanya ni Justin na noo'y nasa bungad ng pinto. Bakas na din sa mukha nito ang inis. "Mamaya ka na umuwi."
"Gusto ko na ngang umuwi. Ang kulit mo," singhal nya dito.
"Pumasok ka nga!" sigaw naman ni Justin.
Nakatingin lang sa kanila ang room boy.
"Ayoko!!" ganting sigaw ni Rome saka na tuluyang umalis para wala ng eksena.
Inis na inis si Rome. Kung ganito ngang wala sialng relasyon nag-aaway na naman sila, lalo pa kaya kung merong namamagitan sa kanila. She's so done with Justin. He will now be a history.
Pagkalabas na pagkalabas ni Rome sa motel, si Raven agad ang pumasok sa isip nya. Hindi na pala nya ito na-reply mula kanina after inuman. Tiyak na worried na ito sa kanya.
Hindi nya maintindihan ang sarili but she sent a message to Raven saying, "I'm sorry."
"Why are you saying sorry?" reply nito sa kanya.
Bakit nga ba sya nagso-sorry dito? tanong ng isip nya.
"Dahil I feel guilty," sagot nya.
"Bakit ka nagi-guilty?"
Bakit nga ba ganito ang nararamdaman nya? Why does she feel guilty? Dati-rati naman parang wala lang ang ganito sa kanya pero bakit ngayon nag-aalala syang magagalit si Raven. Baka hindi na sya nito kausapin pa.
Suddenly, bakit mahalaga ang iisipin at mararamdaman nito? And what is this other feeling? Pakiramdam nya...pakiramdam nya she cheated on Raven!
"Pero hindi kami! Wala kaming relasyon. Bakit nararamdaman ko to?" nalilitong tanong ni Rome sa sarili habang nakasakay sya sa tricycle pauwi sa kanila.
Pansamantalang nawala sa isip nya ang kalituhan sa damdamin nang maramdaman ang hilo at sakit ng ulo. Pagdating sa bahay diretso sya ng banyo at ilang oras syang nagpapabalik-balik dun.
Tumawag pa si Justin kay Rome ilang oras after makauwi ni Rome. Buti na lang sya ang nakasagot at hindi ang ate Candice nya. Siguradong magagalit ang ate pag nalaman nitong nagkita sila.
Pinapabalik sya ni Justin. Kakain daw sila.
"Ayoko. Nasa bahay na ako eh," sagot nya.
"Pwede ka namang umalis ulit eh," ungot pa nito.
May point ito. Wala namang makapipigil kay Rome kung gugustuhin nyang umalis ulit. Siguro kung tulad pa ng dati na hindi sya magkandarapang makasama ito, pupuntahan nya ito ulit. But it's different now. Deep inside she knows that she still somehow loves him but it's not strong enough para balikan ito ulit. Oras na paratuldukan na ang lahat sa kanilang dalawa.
"Inaantok na ako eh. Matutulog na ako," pagdadahilan nya.
BINABASA MO ANG
Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)
RomanceRaven on Rome: "Wala na syang ginawa kundi uminom." Rome on Raven: "Ang boring naman ng taong ito. Wala na syang ginawa kundi magbasa ng mga pangmalulungkuting babasahin." Do opposite poles really attract?