ROME
Medyo bumuti na ang pakiramdam ni Rome at nakahiga na lang sya sa kama. Ka-text pa din nya si Raven.
RAVEN: Musta na pakiramdam mo? Nasusuka pa din ba?
ROME: Medyo ok na. Pero masakit pa din ulo ko. Wala lang kasi siguro akong tulog.
RAVEN: Wawa ka naman. Hugtyt!!! Hug na lang kita pag nagkita tayo.
ROME: Oo nga, kailangan ko nga ng hug.
Medyo napangiti si Rome sa sinabi nya. Ano kayang feeling kung yakap sya nito?
Naikwento nyang tinawagan sya ni Justin. Sinabi din nya kay Raven na naiwan nya sa lalaki ang hikaw na binili nila ng ate nya sa Davao at iniisip kung makikipagkita ulit dito.
"Wag ka ng makipagkita dun. Hayaan mo na yung hikaw. Pwede ka naman bumili ulit nun eh," text sa kanya ni Raven. Nangingiting nailing na lang si Rome sa kaibigan.
"Kukunin ko lang naman yung hikaw eh. Feel mo ba makikipagbalikan ako dun?"
"Basta, wag na!"
"Hindi na nga," pag-a-assure ni Rome dito.
"Romina pls lang, wag mo ng guluhin ang buhay mo!"maya-mayang text nito.
Nag-decide na si Rome kanina na hindi na magkakaroon pa ng anumang kaugnayan kay Justin. Hikaw lang naman yun at tama si Raven, pwede naman syang bumili ng kapalit.
ROME: Maka-Romina naman!
RAVEN: What?!
ROME: Wala. Thank you ha!
RAVEN: Thank you saan?
ROME: For everything.
RAVEN: Sus, nagdrama. O sige, samahan na natin ng kiss yung hug J
Automatic na nangiti si Rome at di mapigilang kiligin.
ROME: Talaga?! Kiss saan?
RAVEN: Pwedeng bawiin? Hehehe. San mo ba gusto?
ROME: Wala ng bawian! Kahit saan. Alam mo nman aq, willing! LOL!
OMG! Did we just flirt? Naitanong ni Rome sa sarili at pansamantalang nawala ang sakit ng ulo.
Bukod sa na-realize nyang pagod na sya kay Justin, she also found out that she really likes Raven in a romantic way. Hindi pa nya masabi kung mahal na nya ito o dun na papunta ang nararamdaman pero sigurado syang she has feelings for Raven. Gusto nya ito higit pa sa isang kaibigan.
Natatakot din si Rome sa nararamdaman. She knows na hindi ito tama. Pareho silang babae at hindi tanggap sa lipunan. Ngunit mas nangibabaw ang takot na hindi masusuklian ang damdamin.
"Pero she care a lot about you. Malay mo gusto ka din nya," tukso ng isip.
Posible kayang the feeling is mutual? There's one way to find out. Nagsimula syang mag-compose ng message sabay send.
"May itatanong ako sa'yo," text nya.
RAVEN
Raven knows na joke lang ang texts nila ni Rome pero hindi nya mapigilang kiligin lalo na nang sabihin nitong pwede nya itong halikan kahit saan. Sa lips kaya, napangiti nyang sabi sa sarili.
"May itatanong ako sa'yo," maya-maya ay text sa kanya ni Rome. Hindi maintindihan ni Raven pero parang bigla syang kinabahan kahit hindi pa nya alam ang itatanong nito.
"Ano yun?" reply nya.
Ilang minuto na ang lumipas bago magtext ulit si Rome na tila naghe-hesitate itong sabihin ang tanong. "Nai-imagine mo ba ang sarili mong girlfriend mo ko?"
Shit! Am I that obvious?! Sigaw ng utak ni Raven at halong takot at kaba ang naramdaman. Lumakas din ang tibok ng puso nya. Na-sense kaya nito ang feelings nya for her? At anong isasagot nya?
Of course Raven wanted to tell her, "Yes dahil mahal na kita," but she can't risk that. Hindi nya alam kung bakit nagtatanong ito ng ganun pero hindi nya pwedeng sabihin ang totoo. Ayaw nyang masira ang friendship nila. She'd rather sacrifice her heart than lose Rome.
Matagal na nag-isip si Raven. Ilang minute din bago sya naka-reply. "No, you are like a little sister to me." at feeling nya hahaba ang ilong any moment. She's such a liar.
ROME
"No, you are like a little sister to me."
Parang kinurot ang puso ni Rome sa nabasa. Bigla syang nalungkot. Clearly, the feeling isn't mutual. Wala naman syang magagawa kung hindi sya nito gusto.
"Pasaway na little sister lang ba?" pabiro na lang nyang text ulit dito. Feeling nya masi-sense ni Raven na disappointed sya sa sagot nito.
"Baka sumabog ang bahay pag magkasama tayo sa iisang house."
"Hindi tayo pwedeng magsama. Mag-aaway tayo kasi puro pangmalulungkutin ang mga songs na gusto mo."
Dinaan na lang nila pareho sa biro ang lahat. At kahit pakiramdam ni Rome her feelings won't be receiprocated, enjoy na enjoy pa din syang ka-text ito.
"Inaantok na ako. Meme muna ako ah," sabi nya kay Raven pagdating ng 4pm.
"Sige. Sleeptyt."
BINABASA MO ANG
Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)
Roman d'amourRaven on Rome: "Wala na syang ginawa kundi uminom." Rome on Raven: "Ang boring naman ng taong ito. Wala na syang ginawa kundi magbasa ng mga pangmalulungkuting babasahin." Do opposite poles really attract?