RAVEN
Masayang pumasok sa office si Raven at kahit alam nyang may mga tasks para sa kanya si TL Gwen, ayos lang kasi makikita at makakasama nya si Rome. Everyday seems brighter. Nakaka-stress sa trabaho but bearable kasi nakikita nya ang mahal nya. Sometimes gusto nyang batukan ang sarili for being cheesy.
Offline sya ngayon for the next three hours. Mag-mo-monitor sya ng mga calls ng mga teammates. Dala-dala ang headset ng cellphone, dumiretso na sya agad sa station ni TL Gwen. Pagka-on ng computer at pagka-pull-up ng mga tools and applications, sinimulan na nya ang gagawin.
Binabantayan din nya ang oras dahil inaabangan nya ang pagdating ni Rome. "30 mins na lang andito na yun," excited nyang isip. After nung beso at hawakan ng kamay incidents, naging mas sweet pa sila sa isa't-isa. Nagsasabihan na sila lagi ng "I love you, gf." Parang M.U lang. Teenager? Highschool?
Kahapon nga sinabi ni Rome sa kanya sa text na, "Alam ko I told you na hindi ako naniniwala sa forever,gf. Pero ayokong mawala ka sa akin forever. Yan ang gusto ko, gf." Raven's heart soar sa nabasa.
"Si Raven?" maya-maya ay narinig ni Raven ang boses ni Rome. Her heart skipped a bit. Laging nangyayari yun kapag nakikita nya ito at kapag naririnig ang boses nito.
Siguro tinuro sya ng isa sa mga teammates nya sa kinaroroonan dahil maya-maya nakangiting lumapit na si Rome sa kanya. At dahil concealed ang cubicle ni TL Gwen sa bay nila at walang makakakita, bumeso ito sa kanya.
Saglit lang na naglapat ang kanilang mga pisngi pero feeling nya kinukuryente sya. Umalis din agad si Rome dahil kailangan na nitong mag-log in, pero bago pa man ito nakalayo, nakita ni Raven na ngiting-ngiti ito sa ginawa. "Kinikilig din kaya sya?" tanong nya sa sarili.
Kahit anong gawin ni Raven, parang permanent na yata ang mga ngiti sa labi nya habang nakikinig ng calls. Kahit pigilan nya ang sarili, kusang bumabalik ang ngiti.
"Raven, question naman," narinig nya ang annoying voice ng palapit na si Maxie.
"Ayan na naman yung panira. Andami naming teammates na malapit sa kanya bakit hindi sya dun magtanong," sumimangot biglang sabi sa sarili ni Raven.
At habang nakikinig si Raven sa sinasabi ni Maxie, naririnig nya ang malakas na balibag sa bay nila at ang malakas na pagt-type sa keyboard na tila any moment tatalsik ang mga letters. "Mainit na naman ang ulo ni Rome," kinabahang naisip ni Raven and she mentally cursed Maxie. Alam nyang nagseselos si Rome dito. Inamin na sa kanya nito nung isang araw.
ROME
Nagpatuloy pa ang pagiging bugnutin ni Rome dahil hindi tinatantanan ni Maxie si Raven. Inis na inis sya sa tuwing lumalapit ito dito. She can't help being possessive dahil ganun talaga sya. Gusto nya sa kanya lang. Well, sino naman ang gustong i-share ang mahal nya sa iba hindi ba?
She's been throwing Maxie and even Raven her dark looks. Lalo pang na-irate si Rome dahil kung sinu-sino din ang lumalapit at nagtatanong dito. "Wala na ba silang pwedeng pagtanungan?!" inis na sabi nya sa sarili.
Maging ang walang kamalay-malay na si TL Gwen, tinatapunan nya ng masamang tingin. Kung anu-ano kasing tasks ang ina-assign kay Raven, kaya instead na makapag-exchange sila ng email, naka-focus ito sa ginagawa. Alam naman nyang tine-train si Raven for possible higher position but sometimes she can't help but feel annoyed dahil nakukuha ang attention ni Raven sa kanya. Inaamin nyang she's selfish sometimes and she just can't help it.
"Ang init na naman ng ulo mo ah," email sa kanya ni Raven.
Tumingin muna si Rome sa gawi nito bago mag-reply. Walang annoying people na umaaligid dito. Tinantanan din. Wala din itong ginagawang task. Nagbabasa lang ito. "Wala. Nakakainis lang kasi yung mga customers. Ikamamatay ko talaga ang trabahong ito."
BINABASA MO ANG
Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)
RomanceRaven on Rome: "Wala na syang ginawa kundi uminom." Rome on Raven: "Ang boring naman ng taong ito. Wala na syang ginawa kundi magbasa ng mga pangmalulungkuting babasahin." Do opposite poles really attract?