RAVEN
Nasa Smoking Area ng Glorietta 4 sina Raven at Rome. Hinihintay nila sina Lawrence at Mizzy. Magdi-dinner sila at manonood ng Petrang Kabayo after. Nakapagpa-reserve na sila ng seats sa gusto nilang oras.
Nakatingin lang si Raven sa ibaba at pinagmamasdan ang mga sasakyang paroon at parito. Napapaisip sya sa mga ikinikilos ni Rome sa kanya. Lagi sya nitong inaabutan ng food kahit lagi silang tinutukso ng mga katrabaho. Lagi silang magka-text nito kahit kakahiwalay lang nila at lalo tuwing off.
Ayaw bigyan ni Raven ng malisya ang ginagawa ng kaibigan but sometimes she can't help but think na baka Rome likes her more than just a friend. She knows that it's absurd. Hindi pwedeng mangyari yun dahil hindi ito papatol sa babae. Pero...her mind keeps wondering about it. What if?
Well, walang what if dahil Rome is just being nice, sabi na lang nya sa sarili and dismissed her thoughts.
"Nag-message sa akin si Justin sa Facebook," putol ni Rome sa pag-iisip nya.
Ewan ni Raven kung bakit parang na-alarma sya sa narinig pero hindi sya nagpahalata.
"Anong sabi?" tanong na lang nya.
"Nangungumusta lang," sabi nito.
Walang nagsalita sa kanila. Pareho lang silang nakatingin sa mga dumadaang sasakyan.
"Mahal mo pa ba?" basag ni Raven sa katahimikan.
"I guess. Hindi naman basta mawawala yun eh," sagot ni Rome at evident na naman sa mga mata nito ang kalungkutan.
"That answers your question, Raven. Wag kang assumera," pagalit na sabi nya sa sarili.
"Makikipagbalikan ka pa ba?" tanong nya ulit.
"Umaasa na sana magkabalikan."
Tumango-tango na lang si Raven. Deep down ayaw nyang makipagbalikan ang kaibigan sa lalaking yun. She doesn't know the whole story, pero sa nakikita nya sobra itong nasaktan. Hindi din nya maintindihan kung bakit gusto pa nitong bumalik kay Justin.
Maybe that's love. It's blind. Or rather lovers' are blind. Hindi na nagkomento pa si Raven. Ayaw nyang makialam pero hindi nya maitatangging dismayado sya. Dismayado saan? Na gusto nitong makipagbalikan sa dating boyfried or dahil na-confirm that Rome doesn't like her romantically? Pwedeng both.
As always, Raven dismissed her thoughts and feelings.
Maya-maya pa dumating na din si Lawrence. Pasunod na din daw si Mizzy. Sa Gerry's Grill sila kumain at tig-isang putahe sila ng order. Lamon mode na naman. Pagkatapos kumain, saka nila in-enjoy ang movie ni Vice Ganda.
ROME
Halong lungkot, pag-aalinlangan at tuwa ang naramdaman ni Rome nang mag-message sa kanya si Justin. Almost two years din sila nitong walang communication. Recently lang may nagbalita sa kanyang nabuntis daw nito ang recent girlfriend.
Hindi nya alam kung anong mararamdaman. Wala lang ba talaga sa kanya yun? Or deep down she's sad? Dapat sya ang nasa posisyon ng babaing yun. Yun ang pinangarap nya nung sila pa, ang magka-baby sila. She was so sure of herself at that time na si Justin na ang gusto nyang makasama habang-buhay.
"Miss, pa-text naman o," sinabi ng isang makapal ang mukhang pumutol sa pag-iisip ni Rome. Nakikinig sya ng mp3 sa cellphone at kasalukuyang nagyo-yosi sa Smoking Area ng building na kung saan sya nag-apply bilang call center agent. Katatapos lang ng interview nya at luckily natanggap naman. "Importante lang."
Tinignan ni Rome ang lalaki. Matangkad ito at medyo may kahabaan ang alon-along buhok. Bumbayin. Mahaba ang pilik mata at moreno. Ok na sana kaso na-turn off si Rome dahil mayabang ito. Lakas ng dating. Kapal ng mukha. Akala mo kung close sila kung makahiram ng cellphone. Saka lahat ng tao ngayon may cellphone na, ultimo driver ng jeep meron, bakit ito kahit 5110 man lang wala?
BINABASA MO ANG
Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)
RomanceRaven on Rome: "Wala na syang ginawa kundi uminom." Rome on Raven: "Ang boring naman ng taong ito. Wala na syang ginawa kundi magbasa ng mga pangmalulungkuting babasahin." Do opposite poles really attract?