>>>>> Home <<<<<

3.3K 110 2
                                    

RAVEN

Bumaba sina Raven at Des sa may Damortis. Bumili si Raven ng dried fish dahil name-miss na nyang kumain nun. Hindi na lang sya nag-comment nang pati si Des ay bumili din. They took an ordinary bus dahil wala namang aircond bus papuntang Dagupan from that place. Lubog na ang araw nang makauwi si Raven sa kanila.

Patay na ang parents nya at ang kanyang Tita Rose na lamang ang kasama. May mini store ito sa bahay. She converted their living room into a sari-sari store. More on libangan na lamang nito at dun kumukuha ng pagkaing lulutuin pag tinatamad mamalengke.

Worried minsan dito si Raven dahil hindi nya ito masamahan. Laking pasasalamat na lamang nya kay Ate Dina, ang bestfriend nito dahil sa bahay na ito tumutira. Hindi nya alam kung anong set-up nilang dalawa. Naging couple kasi ang mga ito. Yes, they are bisexuals.

Noong una, naiskandalo si Raven. Aaminin nyang napahiya sya lalo nung kumalat ang tungkol sa dalawa. How can her tita lecture her about morality and everything pero ito din naman pala ang gagawan nun. Nung tumagal, natanggap din nya pero their relationship didn't last. They ended it according to her tita.

Ngayon magkasama ang mga ito sa bahay at magkasama sa iisang kwarto. Hindi na lang sya nagtatanong. Sila man o hindi, wala na sa kanya yun. Kung sinabi ng Tita Rose nya na wala na sila ni Ate Dina, then wala na sila. They are good people and she loves them, that's what matters.

"Kung saan-saan ka pumupunta ha," sabi ng tita nya nang pagbuksan sya ng pinto.

"Ngayon lang naman ako ulit nag-travel ah," depensa nya sabay abot ng box of bibingka.

"Kumain ka na ba?" tanong sa kanya habang nilalapag ang traveling bag sa upuan. "Nagluto ako ng ginisang sayote at repolyo. May porkchop din dyan."

"Bihis muna ako," sabi nya. Automatic na pinagluluto sya ng gulay nito tuwing umuuwi sya galing Manila. Yun kasi ang request nya, at ang paborito nya ay ang ginisang repolyo at sayote. Nauumay na sya na laging karne at fast food ang kinakain sa Maynila. At iniiwasan nya ang mga yun kapag umuuwi. "Bili tayo ng coke." Yan ang hindi nya maiwasan. She loves coke. It's addictive. Minsan sinasabihan sya ng tita nyang bawas-bawasan dahil baka matulad sya sa kanyang Mommy na diabetic.

"Ako na lang kasi magpapaload ako," volunteer ni Ate Dina.

"Hintayin mo na ako, samahan kita. Bili tayo ng isaw at adidas," nakatawa pa nyang suggestion.

"Sige," sang-ayon ni Dina, na mahilig din sa street foods.

"Akala ko ba kakain ka na, bakit bibili ka pa nun?" sita ng tita nya.

"Konti lang naman eh," sagot ni Raven.

Maswerte sya at meron syang tita na laging andyan para sa kanya. Lagi sya nitong iniintindi at inaalagaan. Noon lagi silang nagtatalo kasi matigas ang ulo ni Raven pero nagkasundo din sila lalo nang sila na lamang ang magkasama. May mga kapatid ito pero silang dalawa ang close. Sya lang ang pinagkakatiwalaan nito.

Aminado si Raven na hindi sya naging mabuting anak sa Mommy at Daddy nya. Her father died after she turned 18, and her mother three months after she graduated from College. Sayang at hindi na nya man lang nabilhan ang mga ito ng kahit ano gamit ang sariling sahod. Kaya sa Tita Rose nya sya bumabawi. Ito na lamang ang meron sya kaya sinisikap nyang umuwi sa Dagupan every restday or tuwing may time.

Hindi sya masyadong gumigimik kasama ng mga kaibigan. Kung lalabas man sya, laging kakain lang or paminsan-minsan syang namamasyal at madalas sa Baguio lang yun. Binibigyan nya ng budget ang Tita para may magamit ito sa bahay. Ang tanging gastos lang na hindi nya maiwasan ay ang mga libro at dvds. Isang malaking cabinet na punong-puno ng libro at dvds nya ang nasa kwarto. Sya lamang ang pwedeng humawak nun.

Habang naghihitay maluto ang isaw at adidas, nag-text kay Raven ang kanyang bestfriend na si Marisse. Labas naman daw sila. Dumating na kasi ito galing Taiwan at hindi pa sila nakakapag-kwentuhan.

"Kita tayo bukas," reply nya.

"O sige. Samahan mo na din akong bumili ng damit. May presentation kasi ako sa school next week. Magv-volunteer teaching na ako," sabi pa nito.

Nagkita sila ni Marisse kinabukasan sa mall. Wala itong ipinagbago. Her bestfriend is still pretty as ever. Kulang lang ito sa height dahil flat 5 lang ito pero head turner pa din. Sinamahan nya ito sa isang shop na nagbebenta ng mga murang damit. Just like Raven, hindi mahilig ang kaibigan sa signature clothes.

Habang nagsusukat ng damit si Marisse, ka-text ni Raven si Rome. Nagbabalita ito ng latest chikka. Nag-comment daw ang teammate nilang si Maxie sa picture nilang dalawa sa facebook.

"Anong comment?" tanong nya. Syempre hindi nya ma-access ang FB nya dahil hindi naman sya laging online.

"Kaya daw tayo napagkakamalang mag-jowa." Yan yung comment ni Maxie dun sa pic nating dalawa na magkatabi. Para daw tayong mag-on sa pose natin," reply nito.

Napaisip si Raven kung anong pose yun. "Wala naman akong maalala pose natin na malaswa or kaduda-duda ah."

"Alam mo naman mga yun, malisyosa. Hayaan mo sila, hindi naman totoo eh."

Napapangiti na lang si Raven. Mabuti at hindi pa din sa kanya umiiwas si Rome.

Pagkatapos bumili ng damit, kumain sila ng miryenda sa Goldilocks at nagkwentuhan. They talked about many things. Seryosong bagay. About life etc at syempre hindi nawala ang tawanan. Hindi na nila namalayan ang oras, 4 hrs na pala silang andun.

"Halika na. Nakakahiya," natatawang anyaya ni Marisse.

Namasyal muna sila sa mall pagkatapos umuwi sa bahay nina Raven para maglunch. Nanood sila ng dvd maghapon at nang malapit na magdilim, nagkakayayaan silang kumain sa labas. Sa Pedrito's (isang restaurant din sa Dagupan) sila kumain kung saan nakita pa nila ang Vice Mayor ng lungsod. Nagtago pa si Raven dahil baka makilala sya nito. Nagtrabaho kasi sya as Secretary ng isang Councilor at paminsan-minsang nagc-cross ang landas nila ng VM.

"Ayoko lang ng madaming tanong. Baka tanungin ako kung bakit ako umalis " explain nya sa bestfriend.

Nagsawa kasi sya sa dating boss. Sigaw ng sigaw kapag may mali kang nagagawa. Maliit na problema or pagkakamali ang dami ng sinasabi. Nakaka-degrade minsan kapag ginagawa nito sa harap ng ibang tao. Pinapalabas nitong incompetent sila ng mga katrabaho nya. Walang tumatagal na secretary ang boss. Isa-isang nagresign ang mga kasama.

Ang rason lang naman kung bakit nakatagal sya ng 6 months ay dahil kailangan nya ng experience at dahil na din sa asawa nitong si Doktora Jessie. Mabait ito at understanding. Magkasundo sila nito sa mga bagay-bagay like pagkain, panonood ng sine at books.

Ibinalita ng bestfriend nya na gusto ng magpakasal ng boyfriend nito next year at gusto nitong pumunta sya. Kahit sya na lang daw ang cord.

"Kelan ba yan? Para makapag-plot ako ng Vacation Leave ng maaga," tanong ni Raven.

"Wala pang date. Pero ang target ko, June of next year. Ayoko pa sana eh kaso gusto na ni Randy na magpakasal na kami."

"Ayaw ka na nyang pakawalan," tukso nya dito.

Kahit ayaw man ni Raven na matapos ang gabi dahil bukas babalik na ulit sya sa Maynila, no choice but back to reality na. Hinatid nya sa sakayan ng jeep ang bestfriend at saka na din umuwi after bumili ng pasalubong (ice cream).

Raven texted Marisse. "Tagal na nating hindi nagagawa yun. Sarap ng kwentuhan natin. Ulitin natin to ha. Thanks sa time."

Pagbalik nga ni Raven, stressful tasks ang naghihintay sa kanya.  

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon