ROME
"Tara, coffee tayo," anyaya ni Rome kay Raven after nilang maglibot-libot sa paligid ng Leslie's. "She's still blushing," natutuwa nyang sabi sa sarili habang naglalakad sila at nakatitig sya sa mukha nitong kanina pa pulang-pula.
Amused na amused sya dito mula pa kanina sa bus at hanggang sa kulitin nya itong halikan sya. Para itong kamatis sa pamumula. Windang na windang ito sa kanya. "So innocent." Nakakatawang sya yung mas bata pero mas pilya sya dito. Medyo hesitant pa sya kanina kung hihiritan nya ito ng kapilyahan dahil baka suntukin sya nito o kaya naman hindi na sya kausapin after.
She dreamt of making love with Raven but she was surprised how strongly she desire her. She wanted Raven to kiss her for real. Those naughty texts and emails..she wanted them to be realized. She has to restrain herself from grabbing her and taking her to any available hotel nearby.
Naitanong na nya sa sarili kung lust lang ba ang nararamdaman nya? "Of course not. I love her," she answered with all her heart. She feel strongly for Raven and clearly the feeling is mutual. Kung pwede na lang silang manatili dito sa Tagaytay and be with her in peace, away from intrigues. Kung sana ganun lang kadali ang lahat.
Ngayong evident ang feelings nila sa isa't-isa, ano na ang susunod na mangyayari? Magiging sila na ba?
Rome is really happy. She's comfortable with Raven and she feel secure whenever she's with her, aside from the fact na nagpa-palpitate sya (na may kinalaman sa kilig). Ipinagkakatiwala nya ang buhay dito. Tanggap sya nito, maging ang mga kalokohan nya in the past. Pero gugustuhin ba nitong makipagrelasyon sa kanya? Natatakot sya pero nae-excite pa din sya sa kung anong pwedeng mangyari.
"We have to talk," she told herself pagkapasok nila sa Starbucks at sumalubong ang aroma ng kape sa kanya. Dumiretso sila sa second floor at swerteng nakahanap ng table na may magandang view. "Anong sayo?"
"Mocha Frapp na lang," sagot nito at umupo.
Iniwan na muna nya ito at bumaba para bumili ng kape nila. She also bought cake and Honey Glazed Donut for Raven.
They sipped coffee silently. Pareho lang silang nakatitig sa Taal Lake. Paminsan-minsang tumitingin si Rome kay Raven. Malalim din ang iniisip nito. Probably she's also thinking the same thing.
She doesn't know who started the conversation but Rome found herself and Raven talking about what will happen next. Kung magco-commit ba sila o hindi?
"Mahal kita, Rome. I do. Kaya lang sabi mo nga di ba, hindi pwede?" nasa boses ang kalungkutan na sabi ni Raven.
Hindi pwede. Nang narinig iyon ni Rome, gusto nyang batukan ang sarili na sinabi yun noon dahil ngayon everything changed. Sigurado na sya sa sariling gusto nyang gawing official ang lahat sa kanila ni Raven. Kaso naisip nyang baka hindi yun ang gusto nito. Pero hindi bat kung talagang mahal sya nito, kahit sabihin pa nyang ayaw nya, ipaglalaban nito ang damdamin? Maybe, Raven is not that into her?
"She's not ready," she secretly concluded and took a sip on her coffee. It makes sense since this is a first time for Raven. First time to be in a relationship. Kailangan nito ng oras para mag-isip. At least ngayon, based from Raven's reaction alam na nyang may pag-asa ang nararamdaman para dito.
"Kailangan nating pag-isipan to. It's not ideal. It's considered immoral. Hindi sya magiging madali. It will be complicated. Hindi matatanggap ng lahat," sabi din ni Rome. Matagal na nyang naiisip ang mga bagay na yan, and she's willing to risk it. Scary but she knows that Raven's worth it. Kailangan lang nyang maghintay.
"Your friendship means a lot to me, ayoko ding mawala yun. Ayokong masira tayo dahil dito," Rome can see fear on Raven's eyes. "But I love you. It's wrong but if feels right. Hindi ko inaasahan na mamahalin kita ng ganito. Tama ka, kailangan talaga nating pag-isipan ito."
Tumango-tango si Rome. She's hoping na maging sila nito ngayon din pero hindi nya ipipilit. Medyo masaya na din sya dahil Raven is still open to think things over. Ayaw nya itong madaliin. Gusto nyang maging sigurado ito sa kanya.
After mag-coffee, nagyaya na ding bumalik ng Maynila si Raven. Uuwi pa ito ng Dagupan. Magka-holding hands pa din sila buong biyahe. Rome doesn't want the day to end. Magkikita pa din naman sila bukas and she's already looking forward to that.
Bumaba sila sa Baclaran at nag-take-out si Raven ng Yangchow rice w/ Shanghai para baunin sa biyahe.
"Ipapasakay muna kita saka na ako didiretso sa terminal," sabi ni Raven habang palabas sila sa Chowking. Muntik pang may makabunggo sa dala nitong softdrinks. Madaming tao sa daan at medyo siksikan.
"Bakit ako mauuna?" kunwari ayaw na sabi ni Rome.
Tinaasan sya ng kilay ni Raven saka pinandilatan. "Bakit ayaw mo? Siguro may pupuntahan ka pa? Magmo-MOA ka pa nuh?!"
Natawa si Rome sa reaksiyon nito. "Gusto ko lang kasing mag-ikot- ikot."
"Umuwi ka na. Magpahinga ka na dahil may lakad pa tayo bukas. Buong araw na naman yun," nakakunot ang noo nitong kontra saka sya hinila sa kamay. "Makulimlim, baka umulan. Mabasa ka pa at magkasakit."
Natutuwa talaga si Rome when Raven is being strict. Ipinara sya nito nang taxi. Bago sya sumakay, biniro pa nya itong sa MOA sya magpapahatid. Sinamaan sya nito ng tingin na tinawanan lang nya.
Pagdating sa Ayala, umulan nang malakas. She texted Raven at nasa Five Star terminal na daw ito. Nang makarating sa kanila, medyo bumaha pa sa labas ng gate at kinunan nya ng picture ang tubig saka pumasok. After nyang magbihis, tinawag nya si Andrea at nag-picture ulit kasama ng pamangkin. She sent an MMS to Raven as proof na nakauwi na sya.
"Girlfriend na girlfriend ang dating ah," tukso ng isip nya.
"Malapit na," nakangiti pa nyang sagot sa sarili at inisip kung anong gagawin bukas pag magkasama na sila ulit. She definitely wants to see Raven blush and more teasing on her part.
BINABASA MO ANG
Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)
RomanceRaven on Rome: "Wala na syang ginawa kundi uminom." Rome on Raven: "Ang boring naman ng taong ito. Wala na syang ginawa kundi magbasa ng mga pangmalulungkuting babasahin." Do opposite poles really attract?