>>>>Sweet Temptation<<<<

3.6K 136 16
                                    

RAVEN

Masiglang bumangon sa kama si Raven. Kung dati-rati pahirapan, ngayon masaya syang gumigising at pumapasok sa opisina. Iniisip pa lang nyang makikita si Rome, napapangiti na sya.

Mabilis syang naligo at nagbihis. Habang itinatali ang shoelace, tumunog ang cellphone nya. Nagpadala ng MMS si Rome. Picture ng fried chicken and rice. Kumakain na daw ito ng dinner.

Natutuwa si Raven everytime na ginagawa iyon ni Rome. Ipinapaalam nito sa kanya lahat ng ginagawa. Nagre-report sa kanya na akala mo girlfriend nya. Of course, Raven won't complain. Kinikilig kaya sya.

Hindi pa sya nai- inlove kahit kelan. Ngayon pa lang. Totoo nga pala yung mga nababasa nya sa pocketbook. Yung malakas na pagtibok puso, mga ngiting automatic na gumuguhit sa labi pag naiisip mo ang mahal mo, blue sky is even bluer, sunset is more romantic than ever, lahat ng mga bagay na corny para sa kanya noon, eh nangyayari na sa kanya ngayon.

Nag-spray muna sya ng bagong biling Sweet Temptation (Victoria Secret) bago sinuot ang body bag at lumabas ng kwarto. Habang naglalakad sya, napangiti sya nang maalala ang reaksyon ni Rome nang una nitong mapansin ang pabango nya.

"Wow, ang bango mo naman ngayon," nakangiting sabi sa kanya ni Rome. Magkatabi sila nito ng station ngayon dahil off ng TL nila. "Ang tamis-tamis mo. Nakakagutom."

Uminit ang mukha ni Raven sa papuri nito. Humarap sya sa PC para hindi nito mapansin. "Two weeks ko na kaya tong ginagamit, ngayon mo lang napansin?!" medyo confused nyang sabi dito.  

"As always, hindi na naman siguro ako nagp-pay attention," sabi nito saka ito lumapit ng konti para mas maamoy sya. "Para kang candy." Nasa mga ngiti ang kapilyahan. Biglang na-concious si Raven.

Nag-bus papuntang opisina si Raven at medyo traffic nga lang kasi 5:30 pm na at uwian na ng mga "mortal" (tawag nya sa mga taong may normal na trabaho). Bago dumiretso sa office, dumaan muna sya sa KFC para mag-take out ng brownies for Rome at fries for her kasi hindi pa sya kumakain.

Dahil bawal magdala ng food sa loob, itinago nya ito sa bulsa ng jacket at ipinuslit sa loob.

"Hi Raven!" masiglang bati ni Maxie nang makita syang parating.

Nginitian lang nya ito. Dire-diretso sya sa station nya. May pasok na si TL Gwen ngayon kaya hindi sila makapagtabi ni Rome.

Isang oras din ang lumipas dumating din si Rome. Ngumiti ito nang makita si Raven, pero sumimangot ulit nung biglang lumapit si Maxie.

"Raven, question naman. Tignan mo to, anong gagawin ko sa account ni Sir? Nalilito na ako," nakakunot ang noong sabi ni Maxie. "Sige na, halika. Tignan mo." Humawak pa ito sa braso ni Raven at hinila sya patayo.

Bago pa man ituon ni Raven ang pansin sa PC ng teammate, nakita pa nyang nakatingin ng masama si Rome kay Maxie. Teka, totoo ba yung nakita nya? "Nagseselos ba sya?" Kaso hindi na nya natignan ulit si Rome dahil nagsalita na naman si Maxie tungkol sa concern nya.

To Raven's annoyance, tanong na naman ng tanong si Maxie, at naririnig nyang nagdadabog at nagbabalibag ng mouse nya si Rome. Ni hindi ito ngumiti sa kanya nang inabot dito sa biniling brownies. "Scary." Na-amuse na lang na sabi sa sarili ni Raven.

After kumain ng lunch ni Raven sa pantry, bumalik na sya sa loob kahit madami pang oras. Hindi naman kasi sya nagyo-yosi kaya she just spend her time talking with her teammates or reading PDFs.

Pagdating nya sa bay ng team nila, nadatnan nyang nakatayo sina Mizzy at Tina na masayang nagk-kwentuhan. Nasa station naman ni TL Gwen si Rome, at nakikipagtawanan kay Sheena. "Good mood na," naisip nya.

"Bakit nagkakagulo kayo?" lumapit syang nagtanong kay Rome.

Lalong lumuwang ang ngiti nito nang makita sya. "May pumasok na mga surveys sa team natin at magaganda lahat ng results," paliwanag nito. At nang umalis si Sheena para makipagkwentuhan kay Mommy Winnie, bumulong si Rome nang "May survey ka din, gf."

Nagtama ang mga paningin nila saka nagkangitian. Kung makita lang sila ng mga teammates nila, malamang na uulanin sila ng tukso.

"Patingin nga," sabi ni Raven at kinuha ang mouse para buksan ang email ni TL Gwen. Nakatayo sya at nakaupo naman malapit sa kanya si Rome. Laking gulat nya nang biglang hawakan sya nito sa braso at hinila ang jacket nya. Lalo syang napalapit dito.

"Ang bango-bango mo talaga. Nagugutom ako pag naaamoy kita," bulong ni Rome at binigyan sya ng pilyang ngiti. She's flirting with her!

"Sira ka talaga! Baka makita tayo," shocked na sabi ni Raven pero hindi maalis ang ngiti sa labi, at the same time nag-iinit ang pisngi. She's blushing again.

"Nakaka-aning kasi yang amoy mo," tila tuwang-tuwa naman si Rome sa naging reaction ni Raven. Amused na amused itong pinamumulan sya ng pisngi.

As always, hinintay ni Raven matapos ang shift ni Rome para sabay sila kumain ng breakfast. Lagpas ala singko pa lang ng madaling araw kaya medyo madilim pa. Tahimik silang naglalakad ni Rome sa Ayala papuntang Mc Donalds. Parehong pagod sa work.

"Bakit ganun?!" biglang bulalas ni Rome at nang tignan ito ni Raven, titig na titig ito sa kanya.

"Anong bakit ganun?" confused na tanong nya.

"Bakit mas matangkad ka sa akin?" nasa mukha nito ang pagtataka. "Mas matangkad ka pala sa'kin?"

Natawa si Raven. "Oo naman. Matagal na. Ngayon mo lang napansin?"

Tumango-tango ito habang nakatingin pa din sa kanya at sinisipat ang height nya.

"Ang tagal na natin magkasama, ngayon mo lang talaga napansin?" nagtatakang sabi nya.

"Akala ko kasi magka-height lang tayo," ngingiti- ngiti nitong sabi.

"Weird," naiiling na sabi ni Raven sa sarili. "Hindi kaya...?" She dismissed her thoughts.

They both ordered Cheeseburger, fries and large coke. Nakapwesto sila sa may couch since mangilan-ngilan pa lang ang kumakain. Karamihan mga nurses na nagd-duty sa Makati Med.

Sinabi na sa kanya ni Rome na hindi na daw ito magre-resign.

"Buti naman. Kaw kasi, ayaw mong maniwala. Kita mo, napasa mo yung 3 months. All you have to do is maintain it," ngumiting sabi ni Raven sabay subo ng fries. "Bakit na naman?!" sita nya kay Rome dahil nakatitig ito sa pisngi nya.

"Wala," nangingiting umiling-iling ito.

"Anong wala?! Suspicious. Ano yun?" nakakunot ang noo nyang tanong dito at na-concious na naman. Ngumiti lang si Rome at kumagat sa burger. "Oy, ano yun!" pangungulit nya.

"Wala... May dimple ka pala," amused na sabi nito at nakatitig sa kanang pisngi nya.

"Ummmm...matagal na din, and obviously ngayon mo lang din napansin," sabi nya at pinaikot ang mga mata nya.

"Cute," puri ni Rome and smiled.

Tumungo na lang si Raven at nagkunwaring tinitignan ang fries. Nagb-blush na naman kasi sya.

Habang lulan ng bus pauwi sa dorm, nasa isipan na naman ni Raven si Rome. Nawi-wirduhan sya dito. Ang tagal-tagal na nilang magkasama pero ngayon lang nito napansin ang mga bagay-bagay na iyon sa kanya. "Pero teka..." bigla nyang na-realize. Hindi bat sabi ng marami na kapag unti-unti mo ng minamahal ang isang tao, napapansin mo na din ang lahat sa kanya kahit pinakamaliit na bagay?

"Hindi kaya..." excited nyang naisip. "...mahal din ako ni Rome?"

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon