RAVEN
"If I know, tutulugan mo lang naman ako sa bus," nailing na sabi ni Raven kay Rome habang ngumunguya ng Chicharap. Nasa Chowking Buendia sila nito at hinihintay sina Lawrence at Daddy Rigor. Papunta silang apat sa Tagaytay.
"Hindi totoo yan!" kunwari na-hurt na sabi ni Rome at nag-pout pa.
"Yeah right. Baka nga hindi pa tayo nakakarating sa Coastal, tulog ka na," dugtong pa ulit ni Raven. "Tapos sasabihhin mo na naman walang toll gate dun."
"Cheh, yabang mo!" nangingiting singhal nito sabay check ng phone dahil may dumating na text. "Nakababa na daw ng bus si Lawrence. Papunta na dito."
Maya-maya nga ay dumating na si Lawrence at may dala itong backpack. Naka-pants ito, gray fit-fitan shirt at tsinelas.
"Hindi ka ba mapapagod sa kakabuhat nyan?" sita ni Raven sa baklita na noo'y umupo na at kumuha din ng Chicharap.
"Keri lang to teh, kesa naman umuwi pa ako ulit. Dala-dala ko na yung outfit ko sa party," sagot nito.
Christmas Party kasi ng kumpanya nila mamayang gabi sa may SMX. Bet din nilang magbonding dahil hindi na sila nakakalabas na magkakasama, and when Raven suggested they have lunch in Tagaytay, everyone agreed. Nag-enjoy kasi sila ni Rome noon kaso hindi nila na-try kumain sa Leslie's kaya naman they made sure na makakabalik sila doon.
It will be a long day, but they were all excited lalo sina Raven at Rome. Nag-take out na lang ng food si Lawrence dahil dumating na si Daddy Rigor. Naghintay sila ng bus sa Buendia kaso 30 mins na wala pa din. Pumunta na lang sila ng Baclaran at doon nakasakay ng bus papuntang Tagaytay.
Nang makabayad na sila ng pamasahe saka na sila nag-umpisang magkuhaan ng pictures. Hindi natulog sa biyahe si Rome dahil maganda daw ang palabas. Nakasalang sa dvd ang Rush Hour 2. Tawa ito ng tawa at hindi maalis ang mga mata sa screen.
"Yan lang pala ang sagot para hindi ka matulog," natatawang sabi ni Raven.
"Kainis nga lang kasi ang layo natin," komento nito.
Sina Lawrence at Daddy Rigor ang natulog during the trip. Nanood lamang sina Raven at Rome habang nagk-kwentuhan na din.
"Sayang wala si Annie nuh?" sabi ni Raven. May importanteng pupuntahan daw sila ng asawa nito kaya hindi makakasama.
"Kaya nga eh."
Sa harap mismo ng Leslie's sila nagpababa. Gusto sana nilang pumuwesto sa may kubo sa labas kaso sabi ni Rome baka magiba lang daw sa bigat ni Daddy Rigor, na tatawa-tawa lang sa biro nito.
ROME
"Order na lang ulit tayo mamaya kung kinulang," suggest ni Rome after nila sabihin sa naghihintay na waiter ang order. They ordered bulalo, liempo, chopsuey and plain rice.
Matapos umorder nagpaalam sina Raven at Lawrence na mags-sight seeing daw. Babalik na lang daw agad or before i-serve yung food. But Rome suspected na magp-picture taking lang ang mga yun.
After 20 mins, sabay-sabay na sinerve yung food. Wala pa din yung dalawa. Rome tried to call Raven kaso hindi ito sumasagot. Napilitan syang hanapin ang mga ito sa labas. Naabutan nya sa may garden ang dalawa at busy sa pagpo-pose at pagkuha ng picture.
"Hoy, kakain na," sigaw nya sa dalawa. "Ang lalandi nyo." Natatawang sabi pa nya dahil feeling models kung mag-pose ang dalawa.
"Picture ka din teh," masiglang sabi ni Lawrence.
Naki-pose na din si Rome at nagyaya na din na bumalik na sila sa loob para kumain.
"Akala ko ba gutom ka? Nakakita ka lang ng camera nakalimutan mo na," tukso ni Rome kay Raven.
BINABASA MO ANG
Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)
RomansaRaven on Rome: "Wala na syang ginawa kundi uminom." Rome on Raven: "Ang boring naman ng taong ito. Wala na syang ginawa kundi magbasa ng mga pangmalulungkuting babasahin." Do opposite poles really attract?