>>>>Kiss<<<<

3.8K 130 19
                                    

RAVEN

Busog na busog sina Rome at Raven after lamunin ang mga inorder nila. Halos hindi na sila makahinga at makatayo. Hindi na nila naubos ang sabaw ng bulalo. Namuo na din ang sebo dahil sa lamig.

"Bill out na tayo. Kailangan kong mag-yosi!" sabi ni Rome at hinihimas-himas ang tiyan.

Pagkatapos magbayad, nagyaya si Rome na pumunta sila sa isa sa mga maliliit na kubo na nasa likod ng Leslie's. Mas maganda ang view dun at perfect spot para magmuni-muni habang nakatanghod sa Taal Lake.

May No Smoking Sign sa loob ng kubo na hindi pinansin ni Rome. Nagsindi ito ng yosi at humithit ng humithit. Nakatayo ito habang nakaupo naman si Raven. Pareho silang nakatitig sa Mt. Taal.

Naisip ni Raven ang nangyari sa bus kanina. Nabigla sya nang hinihingian sya ng halik ni Rome. Kahit hindi nya nakita ang sarili sa salamin, alam nyang she was furiously blushing.

Kumalma ang pakiramdam nya after nilang umorder ng pagkain. She made herself busy by fixing Rome's bag. Nasabi na din nya dito ang tungkol sa kanya. Siguro para kay Rome wala lang yung katotohanang ampon din sya, pero mahalaga yun para sa kanya. She wanted to share that important information of her life.

Nang mapatingin si Raven kay Rome, nakatitig ito sa kanya. Automatic ang pagbilis ng tibok ng puso nya. Tapos na itong mag-yosi. "Shit, hindi nya nakalimutan," sabi nya sa sarili. Lihim kasi nyang ipinagdadasal na makalimutan ni Rome yung tungkol sa kiss. Hindi naman sa ayaw nya, hindi lang nya alam kung anong gagawin.

Lumapit si Rome at nakatayong pumuwesto sa bungad ng kubo kung saan sya malapit na nakaupo. She's not going anywhere, Raven realized. She could smell her familiar Endless Love scent. Rome makes her nervous at lalo iyong tumitindi ngayong titig na titig ito sa kanya.

"Asaan na yung kiss ko?" Rome said seductively. Yumuko ito ng konti at inilapit nito ang mukha sa kanya. Raven could already hear her heart beating wildly. Rome is driving her crazy.

Nararamdaman na naman ni Raven ang pag-iinit ang mukha nya and she cant look Rome in the eye. She can't meet her intense gaze. Nobody looked at her that way before...so full of love...and was that desire?

"Ano? Asan na?" nanunuksong sabi ni Rome. Titig na titig pa din ito sa mukha nya. Walang magawa si Raven kundi yumuko. Pakiramdam kasi nya para syang yelong unti-unting natutunaw. "Raven," marahang sambit nito sa pangalan nya. Tumingin si Raven dito. "Akala ko ba you'll kiss me? Asan na?"

Yumuko ulit si Raven after giving Rome her shy smile. Hindi nya alam ang isasagot nya. "Ayaw mo ba akong halikan?"

"Shit, why are you doing this to me?" Raven secretly told herself. Rome is driving her crazy. "Gusto," matipid nyang sagot nang hindi nag-aangat ng ulo. She started fumbling her body bag's zipper.

"Yun naman pala eh. Asan na?" pangungulit ni Rome. Nag-e-enjoy ito sa discomfort nya.

"Baka may makakita sa atin," pagdadahilan nya at ang Taal Lake naman ang tinitigan nya.

"Wala yan. Kaya nga nakaharang ako dito eh," bulong ni Rome and her breath sent shivers all over her body.

"She's impossible!!!" natataranta nyang sabi sa sarili. "Nahihiya ako."

"Ikinahihiya mo ako?" Rome said with mock hurt on her voice.

"No!" bigla syang tumingin dito. "I mean nahihiya ako sayo..." natigilan sya nang makitang tatawa-tawa ito. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Nagyuko na naman sya ng tingin.

"I thought you'd like to kiss me," seryosong tanong ni Rome. Wala namang disappointment sa boses nito pero pumasok sa isip ni Raven na baka nadidismaya na ito sa kanya.

"I do... kaso..."

"Hanggang text na lang ba lahat yun? Hanggang email na lang?" nasa tono ni Rome ang panghahamon.

Raven would like to kiss Rome but she didn't know how. It's not simple as pressing her lips against Rome's. Hindi ganun kadali. Malakas ang loob nya noon dahil texts at emails lang naman yun. She already imagined herself kissing and hugging Rome pero iba pala talaga kapag totohanan na.

She let herself believe na hanggang text lang ang mga yun. Mga pilyang salita lang between them na hindi nya sukat akalaing magiging totoo. Hindi nya inasahan na ang isang napakagandang tulad ni Rome, na kayang makuha ang kahit na sino ay magkaka-interes sa kanya.

Umupo si Rome sa tabi nya. "Hindi mo ba talaga ako iki-kiss?"

"Hindi ko alam kung paano," nahihiyang sabi ni Raven. She's 25 years old and she's acting like a dim-wit. Kiss lang hindi pa nya magawa.

"Well, it's not JUST a kiss!," lihim nyang singhal sa sarili.

"Kahit sa pisngi lang."

Naisip ni Raven na hindi sya titigilan ni Rome. She's determined to get her kiss. Medyo nakahinga sya ng maluwag nang tabihan sya nito. At least, hindi na ganun kalapit ang pisngi nito sa kanya.

Dahan-dahang inangat ni Raven ang ulo. Nagtama ang paningin nila ni Rome. Huminga sya ng malalim. "Bakit ba hindi ko magawa?" pagalit nyang sabi sa sarili. Intense pa din ang titig sa kanya nito and it shows how much she anticipates their first kiss. Huminga ulit ng malalim si Raven saka dahan-dahang inilapit ang mukha kay Rome saka dinampian ng halik ang braso nito.

Amused na namang ngumiti sa kanya si Rome. "Ano yun?"

Braso? Hinalikan nya si Rome sa braso?!!! "Ang tanga mo!" gustong magpakamatay ni Raven. Bigla nyang nahiling na sana sumabog bigla ang Taal Volcano, magka-stampede or any distraction will do para hindi sya mamatay sa kahihiyan.

"Kiss," Raven answered with a shy smile. Lalong nag-init ang mukha nya.

"Sa Braso?" natatawang sabi ni Rome.

"Please kill me now," lihim na dasal nya. "Definition ko ng kiss," pabiro na lang sabi ni Raven saka sila parehong tumawa.

Siguro nahalata ni Rome na aatakihin na sya sa puso any moment kaya hindi na sya nito kinulit. Tahimik lang silang magkatabi sa kubo habang ini-enjoy ang view ng Taal. Inilabas din nito ang ITouch saka ibinigay sa kanya ang kaliwang earphone. They silently listen to music and suddenly Raven found Crossroads by Bone Thugs and Harmony relaxing.

Nang medyo kumalma na ang puso nya, they took pictures. May isang kuha dun na nakatalikod si Rome sa camera kunwari at medyo humarang sa mukha nya kaya they look like they are kissing.

"You're naughty," naiiling na sabi ni Raven.

"Hindi naman," natatawang sabi ni Rome habang tinitignan ang picture. "Eh yung kiss ko, asan na?"

"Binigyan na kaya kita."

"Yun lang?"

"O sige, isa pa," sabi naman ni Raven sabay halik sa balikat ni Rome. "Yan ang definition ko ng kiss," saka sya humilig sa balikat nito.

"Madaya," komento ni Rome. "Halika, picture tayo sa labas."

Magkahawak kamay silang lumabas ng kubo. In-enjoy nila ang malamig na klima at ang mga sandaling malaya sila. Walang inaalala sa sasabihin ng iba at walang kakilalang nagbabantay at humuhusga sa kanila.

 They took more pictures at tumambay sa balcony ng hardin ng Leslie's. Nagulat si Raven nang may kapilyahang kinagat sya ni Rome sa braso. Kahit naka-jacket sya naramdaman nya ang diin but instead of pain, Raven felt very pleasant sensation took over her whole being.

"She really want me," natutuwang sabi sa sarili ni Raven. Pareho silang umamin that they love each other pero everything has been surreal. Ngayon lang nagsi-sink in sa kanya ang lahat and its overwhelming in a good way. Masayang-masaya syang mahal din sya ni Rome. 

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon