>>>>> The Invitation <<<<<

3.2K 116 13
                                    

RAVEN

Akala ng mga teammates nila, Raven and Rome are bestfriends. Kambal na nga ang tawagsa kanila. Ayos lang naman yun sa kanila ni Rome kasi they are good friends now. Sabi nga nito, they are the Evil Twins.

Raven thought wala na syang magiging friend dito sa Technical na mapagkakatiwalaan nya. Nagkakasundo sila ni Rome despite their many differences. Gusto nya ang "walang paki" attitude nito.

Hindi pa man din lumalalim ang friendship nila, biglang nailang si Raven nung tuksuhin sila ng mga teammates nilang SILA daw ni Rome. As in mag-jowa. Couple.

Nag-umpisa yun nung magbigay ng birthday invitation si Luna, hindi nila teammate pero malapit din sa kanilang lahat sa team. Kaarawan ng anak nito at magce-celebrate daw sa MC Donalds- Glorietta.

Isa-isang binigyan ni Luna ang buong team, pero pagdating kina Raven at Rome, iisang invitation lang.

"Pinag-isa ko na lang yung sa inyo ah," sabi ni Luna. "Kambal naman kayo eh."

Kay Rome inabot ni Luna yung invitation. Nakatingin lang naman si Raven sa kanila. Naka-address as: To Tita Rome and Tita Raven nang makita nya ito.

"Parang couple lang ah," umpisang biro ni TL Henry at ang lakas pa ng boses nito. Sabay- sabay pang nag- uuuuyy ang iba nilang teammates. "Umamin na nga kayo. Magsyota kayo noh!?!?" Lalo silang nanukso.

"Gago," naiiling na lang na sabi ni Rome.

Hindi makatingin si Raven sa kaibigan. Nahihiya sya bigla dito. Ganun na pala ang tingin nila sa kanila. Porke lagi silang magkasama or magkatabi, mag-jowa na agad?

"Sinong lalaki sa inyo?" pang-aasar pa ni TL Henry at tatawa-tawa. "Siguro si Raven."

Hindi umimik si Raven. Nagkunwari na lang syang nagdo-document ng call. Gusto nyang maglaho sa upuan nya. She's also worried na baka mailang din sa kanya si Rome at bumalik na naman sila sa dati na hindi sila gaanong nag-uusap or nagpapansinan. Raven knows that Rome doesn't like her at first, baka mainis ito at umiwas.

Mukha daw syang boy. Mahilig kasi syang magsuot lang ng jeans, babytee and jacket. Porke ganun na ang outfit nya, tibo na agad?

Nagpatuloy pa ang mga panunuksong yun. Nung minsang pinuntahan ni Raven si Annie sa station nito para makipagkwemtuhan dahil na din medyo umiiwas sya kay Rome, biglang dumating si TL Henry at hinahanap sya kay Rome.

"Where's your girlfriend?" narinig nyang sabi ni Henry. Nasa kabilang lane lang sya at kung pwede lang na magtago sa ilalim ng desk ni Annie, ginawa na ni Raven para hindi na sya nito makita.

Nang makita sya ng lalaki, "Hey, why are you there? Why are you talking to another girl?" and as always ang lakas na naman ng boses nito. "Rome, yung girlfriend mo o, nakikipag-usap sa ibang babae," baling nito sa kaibigan.

Dinedma na lang ito ni Raven at nagpatuloy ng pakikipagchikahan kay Annie. Deep inside asar na asar na sya. Why are they destroying our friendship? naisip nya. She's also secretly wishing na huwag umiwas sa kanya si Rome.

Raven sent an email to Rome. "Sorry. Nakakahiya naman sayo."

"Bakit ka nagso-sorry? Hindi naman totoo yung sinasabi nila. Ayos lang yan. Hayaan mo sila," reply nito na medyo kinatuwa ni Raven, pero hindi pa din maalis ang pag-aalinlangan nya.

ROME

Mula nang inaasar sila, nahalata ni Rome na naiilang si Raven. Kung minsan hindi sya nito kinakausap, especially pag andyan yung mga laging nang-aasar sa kanila like Luna, TL Henry and Marin. Minsan nakikisali pa si TL Gwen pati ang mga bago nilang teammates like Mommy Winnie and Carly. Naiinis tuloy si Rome sa mga ito at the same time medyo nalulungkot kasi baka unti-unti ng lumayo sa kanya ang kaibigan.

Kay Raven lang nagtitiwala si Rome dito sa Technical. Mukha ngang boy itong si Raven and aminado syang pinagkamalan nyang tibo ito pero nang makasama nya ito, mukhang hindi naman. Ang landi kaya nitong tumawa.

Anyway, she likes Raven at hindi nya hahayaan na masira sila because of that. Isa pa, hindi naman totoo kaya its not bothering her. At yun din ang sinabi nya kay Raven.

Nag-attend si Rome ng birthday party kasama ng pamangkin nyang si Andrea. Hindi na sumama si Raven para hindi na sila asarin pa. Prefer sana ni Rome na sumama ito para makilala rin ang pamangkin pero hindi na nya ito pinilit pa. She understands that Raven is a private person, ayaw nito sa attention.

Habang nasa party, magka-text sila nito. Kinukwento na lang nya ang mga nangyayari. Pareho silang nagra-rant about their gossiping teammates.

"Pag close na ba ang dalawang babae, ibig sabihin mag-jowa na agad?" text ni Raven.

"Baka wala silang friends," reply nya.

"Siguro. Sa sobrang tsismosa nila walang magtitiwala sa kanila," sabi din nya and their texts went on and on. "Dumating pala si Robert at yung girlet nya," at nauwi din sila sa tsismisan. "Akward nga kasi pagdating nila ang ingay-ingay namin tapos biglang tumahimik. Halatang- halatang sila ang pinag-uusapan. Nakakahiya nga kay pamangkin. Sabi ba naman sa akin, "Yuck, tita! Yan yung crush mo? Ang itim!!!" O di ba nakakaloka?"

Nag-reply si Raven: "Hahahaha. Nakuha ka kasi sa boses."

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon