>>>>Confirmation<<<<

3.6K 135 22
                                    

ROME

Umagang-umaga, nakahilata si Rome sa kama nya habang ka-text si Raven. Pabalik na ito ng Manila at nag-umpisa na naman ang endless texting nila. Nag-alarm pa sya para magising at sabayan ang biyahe nito.

"Girlfriend na girlfriend ang dating ah," tudyo ng isip nya.

Pareho silang hindi nakatulog ng maaga kagabi dahil halos sumabog na ang mga cellphones nila sa kaka-text at kaka-send ng MMS. Hind sila nagsasawa. Hindi sila nauubusan ng mapag-uusapan.

Madalas na nakakatulog si Rome na hawak ang cellphone and according to Raven ganun din ito. Kulang na lang magtawagan sila. "Hindi pa naman kami," pagdadahilan nya sa sarili.

"Gusto kong mag-Tapa King bukas. Kanina ko pa nai-imagine mula nung magising ako," text ni Raven. "Masiba talaga," natatawang isip ni Rome. .

"O sige. Dun tayo mag-breakfast after shift," sang-ayon nya.

Kahapon pa sya excited na magkita sila ulit. Pumunta kasi sya sa Megamall kagabi. Nagdahilan syang magw-withdraw at magkakape. Syempre hindi nya sinama si Andrea dahil magastos. Bumili sya ng maliit na stuffed toy for Raven at ecstatic syang ibigay na dito ang regalo.

"Siguro kung alam lang ng mga teammates natin ang textcapades natin, lalo silang mang-aasar," sabi ni Raven.

"Oo naman."

"Funny nuh?"

"Ang alin, gf?"

"Tayo. We flirt sa text and email. Kahit sa mms, pero sa totoong buhay hindi natin magawa," stated Raven. "Ni hindi mo nga ako ma-beso."

Naramdaman ni Rome ang automatic na paglakas ng tibok ng puso. Totoo ang sinabi nito.

"Minsan nagtatampo nga ako eh, kasi bumebeso ka kina Lawrence, Mizzy, Annie...pero ako nilalagpasan mo," dugtong pa nito.

"Baka kasi hindi lang beso ang gawin ko," gustong isagot ni Rome at naisip ang panaginip. How her lips pressed against Raven's. After nyang managinip ng ganun, lagi nyang nasa isip kung ano ang pakiramdam na mahalikan ito. She even imagined them making love. Sa tuwing magbibiruan silang mag-make love somewhere in Europe or some place beautiful, she secretly wish na sana magkatotoo yun.

"Hindi ka kasi pala-beso, gf eh," pagdadahilan na lang nya. "Baka kasi lalo tayong tuksuhin ng mga ka-teammates natin pag ginawa ko yun."

"Kunsabagay. May point ka. Mga tsismosa sila," sang-ayon nito. "Paano yan gf, paano mo ako mahahalikan? Paano tayo magm-make-love kung ni beso hindi mo magawa?"

Seems like a challenge to Rome. And yes, she's challenged! Magawa kaya nya? Hmmmm... Raven is testing her patience. Hablutin na lang kaya nya ito bigla sabay halik? Natawa sya sa naisip dahil she can just imagine Raven's reaction. Blush galore na naman siguro ito.

"Naka-ilan ka na?!" sita ni Raven sa kanya habang nagyo-yosi sya sa tapat ng 7 Eleven after shift.

"Makasita naman! Pangalawa ko pa lang to noh!" depensa ni Rome. "Hindi kaya ako nakapag-yosi during break. Kaninang lunch lang. May dalawa pa ako."

"Ok," ngingiti-ngiti at tatango-tangong sabi ni Raven.

"Kaw kaya, bawal ka ng uminom ng soft drinks mamaya! Uminom ka na kanina!" ganting sabi nya.

"Yes nanay!"

"Nanay ka dyan!" sabay pukpok sa braso nito. "Halika na nga." Hinulog nya ang upos ng sigarilyo saka tinapakan. Nakataas ang kilay at makahulugan syang tinignan ni Raven. "What?! Lilinisin naman yan ng metro aid mamaya nuh."

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon