ROME
"We should go out sometime, you know," hirit sa kanya ni Robert, ang amboy na teammate nila.
Kasabay ni Rome itong nag-yo-yosi sa Smoking Area. Barkada ni Paco ang lalaki, pero lamang naman ito ng dalawang paligo. Tall, Dark and amboy si kuya. Tumira daw sa states kaya englisero.
Ngiti lang ang sinagot ni Rome pero deep inside medyo kinilig.
Crush nya ang lalaki. Hindi ito gwapo. Sabi nga ni Annie, Dark Chocolate daw si Robert. Pero ang ganda kasi ng boses nito. Nakakatabi nya ito minsan ng station pag naka-Vacation Leave si Raven. Kung minsan naman magka-email sila.
Nagtatampo si Paco dahil hindi daw nya sinasagot ang emails nito pero pag si Robert ang nag-email, nag-re-reply sya. Hindi naman kasi sya hinihiritan ng bastos ni Robert. Isa pa, ang bango din nito. Ayan na naman sya. Nakuha na naman sya sa bango at ganda ng boses.
Minsan na nagkasabay sila ni Robert sa locker area, bigla nitong tinanong sa kanya, "How's your heart?"
Nag-flip ang puso nya nang marinig ang maganda nitong tinig. Automatic na ganun kapag naririnig nya ito. Sa tuwing nagkikita sila nito, ganun ang itinatanong nito, at lagi naman nyang sinasagot, "Mataba."
Nakaka-kwentuhan nya din ito kapag nakakapagsabay silang mag-yosi tuwing break or lunch. Paminsan-minsan napupunta sa usapang love. Nasabi na nya dito ang super edited version about Justin. Wala daw girlfriend si Robert at mag-isa lang sa bahay.
"Marunong ka palang magluto," puna ni Rome nang minsang nagkasabay sila nito ng lunch sa pantry. Napapansin kasi nyang lagi itong may packed lunch. "Ako kasi, hanggang prito lang ang kaya ko." Kahit lagi syang ini-english nito, tagalog pa din kung kausapin nya ito. Nakakaintindi naman ito, bakit pa nya paduduguin ilong nya?
"I have a helper who cook for me," sagot nito.
Nag-share na din sya kina Annie, Lawrence at Raven tungkol kay Robert. Alam nilang bet nya ang binata. And at that time, hindi na sila masyadong nagkakausap at nagkakasama ni Franco.
Sire-ulo pa itong sina Annie at Raven na parehong may ink blood, gumawa sila ng kwento about her. Love story na umiikot ang kwento sa kanila ni Robert. Kaagaw daw nya sa kwento si Lawrence na nagpa-sex change. Sisters sila ni Raven, daddy nila si Rigor at si Annie ang mommy. Hilarious! Lalo silang nagiging close.
Siguro dahil na din sa takot sa puso ni Rome, she finds Robert suspicious.
"Feeling ko may tinatago sya. Hindi ako naniniwalang wala syang girlfriend," confide nya kay Raven. "And I think, sex lang din ang habol nya."
"Panu mo nasabi yun? Akala ko ba hindi ka nya hinihiritan ng bastos?"
"Lagi kasing sinasabi ni Paco na hindi ko daw sya nire-reply pero pag si Robert, reply ako ng reply sa emails nya. Ibig sabihin, baka ipinapakita nya email thread namin," sagot ni Rome.
"Baka nakikita lang nya," sabi naman ni Raven. Lagi kasing magkatabi sina Paco at Robert.
"Suspicious. Pakiramdam ko nga pinagpupustahan nila akong dalawa kung sinong makakakuha sa akin," nakasimangot nyang sabi. "Mag-e-email si Paco, then susunod naman si Robert. Basta."
"Well...um, ayaw mo ba syang..." hindi maituloy ni Raven. Tinatantiya sya. "..parang kay Franco. Fuck buddy?"
"Ayoko na. Parang hindi na ako nag-mature. Gusto ko, kung magkakarelasyon ako ulit, seryosohan na," bigla nyang na-realize yan nung last silang magkasama ni Franco. They had sex sa bahay nila. Sa kwarto mismo ni Rome. Ilang beses din yun. After nung last time, bigla nyang naisip na malala na yun. Hindi na pwedeng pati sa bahay nila iuuwi nya ang mga lalaki nya. It has to stop.
"Buti na-realize mo," nasa mukha ni Raven ang tuwa sa narinig.
"Kaya nga ako umalis sa dating kumpanya dahil aside from naaalala ko si Justin, umiiwas na ako sa mga lalaki dun dahil every guy is hitting on me at tingin sa akin "sex". Ayoko na ng ganun, kaso mas lumala nung lumipat ako dito. Doon, nakikipag-flirt lang ako. Make-out- make out pero dito talagang may nangyayari," pagtutuloy ni Rome. "Nakakapagod maglaro."
Two weeks ang lumipas, kumalat ang balita sa production floor na may nililigawan si Robert at may ibang nagsasabi na girlfriend na daw nito yung babae. Lumabas na din ang ilang katotohanan na may asawa na pala ang lalaki at hindi pa hiwalay. Inaway si Robert ng kapatid nito sa Facebook dahil sa balitang may babae na naman ito. Something like that. Nalaman din ni Rome na may babae din na taga-Technical ang nagalaw ni Robert at ipinagkalat pa ng lalaki yun.
"Muntik ka na dun ah," sabi sa kanya ni Raven.
"Oo nga eh. Buti na lang."
Nagkaroon ng Season 2 ang kwento nila ni Robert courtesy of Annie and Raven. Ibang lalaki ang nakatuluyan nya. Sana magkaroon din sya ng masayang ever after sa totoong buhay.
BINABASA MO ANG
Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)
DragosteRaven on Rome: "Wala na syang ginawa kundi uminom." Rome on Raven: "Ang boring naman ng taong ito. Wala na syang ginawa kundi magbasa ng mga pangmalulungkuting babasahin." Do opposite poles really attract?