>>>>> Darkest Phase <<<<<

3.3K 109 6
                                    

ROME

Itinapon ni Rome ang upos ng sigarilyo sa semento sabay sindi ulit ng isa pa. Pangatlo na nya to at magkakasunod.

"Stressed na stressed ka yata, pare," puna ni Franco sa kanya.

Nasa Smoking Area sila sa tapat ng 7 Eleven. Katatapos lang ng shift ni Rome at saktong naabutan doon ang lalaki at kasalukuyang naka-lunch break.

"Pucha, under probation ako," sagot ni Rome sabay buga ng usok. "3 months ang clearing time. Stressed na nga ako sa scorecard ko, mas lalo akong nai-stress kay Gwen. Slave driver ang gaga." Nag-coaching sila ng TL nya kanina ng isang oras. She kept asking her what's her action plan etc.

"Kaya mo yan. Ikaw pa."

"Ang daling sabihin. Tatlong buwan din yun. Ang malala pa nito, kapag hindi ko yun na-clear, baka mawalan pa ako ng trabaho. Nakakainis pa yung TL ko. Akala mo kung magsalita sinadya kong ibagsak yung stats ko," nakaguhit sa mukha ni Rome ang halo-halong emosyon. Inis, galit at pag-aalala.

Nagpatuloy sa hitit-buga si Rome. Naubos agad ang pangatlong yosi at nagsindi ulit ng pang-apat.

"Pare, relax lang. Inom lang ang katapat nyan," biro sa kanya ni Franco. Tapos na itong mag-yosi. "Hindi na tayo nakakalabas masyado ah." Iniba ng lalaki ang usapan.

 "Ang layo kasi ng sked mo. Tagal mo pa mag-out," sagot na lang ni Rome at napatingin sa may di kalayuan dahil narinig nyang may mga tumawa. She recognized Raven's. At tama nga sya, andun nga ito at nakikipagkwentuhan sa mga bago nilang teammates.

Kaninang 3 am pa out nun ah, bakit andito pa to? naisip nya. Ano nga bang pakialam nya?

Sinundan ni Franco ang tingin nya. "Sya yung lagi mong kasama ngayon di ba? Raven?"

"Hindi naman. Pero she's one of my good friends sa Technical," sagot nyang hindi pa din inaalis ang tingin kay Raven, na noo'y napatingin na din sa kanya. Sinabi na nya dito kanina ang tungkol sa probation nya. Raven is encouraging her not to lose hope and be positive. Shit, hindi nya alam kung paano.

"Pare, mauuna na ako sayo. Baka ma-over lunch ako," at bago umalis, niyakap pa sya Franco. "Kaya mo yan." Medyo nakaramdam naman ng hiya si Rome dahil nakatingin pa din noon si Raven sa kanya at inalis nito bigla ang mga mata sa kanya.

"Spotted! Rome Reyes, fraternizing with Mystery Guy," birong sabi ni Raven. Lumapit ito nang makaalis si Franco.

"Sira ka talaga," nangiting sabi nya. "Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"Dumaan pa ako sa Activation eh. Nakipagkwentuhan pa ako sa mga friends ko. Medyo napasarap kaya eto, andito pa ako," paliwanag nito.

"Nagugutom ako," reklamo ni Rome. "Kain tayo. Gusto ko ng Manager's Choice."

"Shakeys tayo?" si Raven.

"Tara." at tinapon na ni Rome ang hindi naubos na yosi.

Nag-taxi sila papuntang Makati Ave. Umorder sila ng Managers Choice at basket of mojos. Nag-rant lang ng frustrations nya si Rome habang kumakain at tahimik lang na nakikinig sa kanya si Raven.

BLAG, BLAG, BLAG, BLAG. Nagbabalibag na naman ng mouse si Rome at mainit ang ulo.

"Raven, can you please absorb your twin sister's dark aura?" birong sabi ni Mommy Winnie.

Natawa lang si Raven na nakaupo sa likod ng lane nina Rome. "Ingat ka Mommy. Baka tamaan ka ng durog-durog na mouse."

"Cheh!" singhal ni Rome sa kaibigan sabay type na akala mo type writer ang gamit. Lalong natawa sina Mommy Winnie at Raven.

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon