ROME
Humilata muna si Rome sa kama nya habang hinihintay ang kanyang Tita, na pinakiusapan nyang bumili ng dalawang bote ng Red Horse. Galing syang trabaho at umuwi agad para magpahinga. Napagod sya sa trabaho. Nakaka-stress dahil kailangan nyang pumasa sa training. Maayos naman ang scores nya pero nakakapagod pa ding mag-maintain at nakakapagod magtrabaho mismo.
Kung sya lang ang masusunod, gusto na lang nyang gumimik ng gumimik with friends. She should still be studying right now instead of working. Kaso, wala na ang Mommy at Daddy nya, at hindi na din kinaya ng ate nyang pag-aralin pa sya sa College. Umabot naman sya ng second year first sem. Malaki ang tampo nya sa ate dahil dun. Hindi nito tinupad ang promise nito sa mga magulang nila.
Tumambay lang sya nun sa bahay hanggang sa kinumbinsi sya ng ate nyang magtrabaho. Naisip nya ring kailangan nya ng pera para sa luho nya. Alak at yosi. Binalak nyang mag-aral kaso nanatili na lang iyong ganun. Solo nya ang sahod kaya kabilat-kanan ang gimik. Bar dito, inom doon lalo nung makilala ang mga kaibigan sa dating kumpanya.
Wala kasi si Franco eh. Wala tuloy syang kasamang uminom kanina. Umuwi sa Davao. At malamang kasama nun ang long-time girlfriend nya. Hindi nya ito boyfriend. Kagaya nga ng sinabi nya, “friends” lang sila. Fine! Friends with benefits! Fuck body, whatever they call it.
Hindi lang naman si Franco eh. May iba pa. Others may find it disgusting. They may call her whore but she doesn’t care. Naglalaro lang naman sya eh. Ano bang pakialam nila? It’s her life.
Boyfriend? Wala sya nun. Matagal na silang break. Mahigit isang taon na din. Naalala pa nya nung sinabi nito sa kanyang break na daw sila. Nag-break daw sila!
Damn you Justin! Nagmukha syang tanga. Wala na pala sila at hindi sya aware dun. At may bago na itong girlfriend. How fuck can that get? Ang kapal ng mukha nyang gawin yun sa kanya. Pagkatapos lahat ng sacrifices na ginawa nya para rito, lahat ng panahon at pagmamahal na binigay nya, sinayang at binalewala lang nito.
Kaya din sya umalis sa dating kumpanya dahil bawat sulok, naaalala nya si Justin. At open book ang buhay nya doon. And yes, including sex life. Kaya nung nag-job abandonement ang lalaki, sa kanya tinatanong kung anong nangyari at nasaan ito, na hindi nya masagot dahil sya man, hindi nya alam.
At isa din sa mga dahilan kung bakit sya nag-resign doon, ay dahil tingin na ng mga lalaki sa kanya, easy to get. Everyone is hitting on her. Almost every guy na kakilala nya lagi syang iniimbita sa inuman o kaya sa bahay or condo ng mga ito mula nang malaman nilang wala na si Justin. Sex lang naman ang habol nila sa kanya.
Masarap sa pakiramdam yung hinahabol-habol. Feeling nya kasi sobrang ganda nya. Hindi nya dine-deny that she likes attention. At gusto nya din yung nakukuha nya kahit sinumang gustuhin. Malandi na kung malandi ang dating sa iba pero wala syang pakialam.
May mga nakarelasyon na din syang minahal sya at nirespeto like Harry. Iniwan nya ito para kay Justin kaso digital ang karma, sya naman ang iniwan. Babaero ito. Kung kelan seryoso na sya at sigurado na syang ito na ang gustong makasama habang buhay, sya naman ang niloko at sinaktan.
“Rome?” mahinang tawag sa kanya ng Tita Blanche nya mula sa pinto.
Mabilis na pinahid ni Rome ang mga luha. Napaiyak na naman pala sya nang hindi nya namamalayan.
“Nasa ref na,” yung alak ang tinutukoy nito. “Kumain ka muna. Nag-prepare ako ng pasta.”
“Sige po, sunod na lang ako.”
Pinilit ni Rome na tumayo at nagbihis ng damit pambahay. Dumiretso sya sa kusina at kumain lang ng konting pasta. Dala-dala ang dalawang bote ng Red Horse, pumasok na sya ulit sa kwarto at uminom. Kailangan nya ng alak para makatulog. To numb her feelings.
Mahal pa din nya ang kanyang ex, but she’s trying to move on now. Ayaw muna nya ng commitment. She’s still young. She’s just 21. Hindi muna nya kailangang sumeryoso. She’ll just entertain herself with Franco and that eye candy Richard.
Napangiti na lang sya bigla nang, right on cue, bigla itong nag-text na inom naman daw sila minsan. Tagal na daw nilang hindi nagkakasama at kung kelan daw sya available.
Sa totoo lang, may asawa na si Richard pero keber ba nya. Andun nga yung thrill eh. Yung inom na sinasabi nito, alam na nya kung saan mapupunta yun pagkatapos. Hindi ito ang first time na gagawin nila yun.
BINABASA MO ANG
Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)
RomanceRaven on Rome: "Wala na syang ginawa kundi uminom." Rome on Raven: "Ang boring naman ng taong ito. Wala na syang ginawa kundi magbasa ng mga pangmalulungkuting babasahin." Do opposite poles really attract?