>>>>> Sweet Gestures <<<<<

3.5K 139 15
                                    

RAVEN

"Ano, umamin na kayo. Kayo ba?" malakas ang boses na pang-aasar na namn ni TL Henry. Nakatanghod ito sa station ni Rome. "Ayos lang naman sa amin yun eh. Hindi namin kayo masisisi kung nagka-develop-an kayo."

"Ay naku!" bulyaw ni Rome na buryo na naman sa calls at nakasimangot.

Hindi na pinapansin ni Raven ang pang-aalaska ni Henry at ng mga teammates nilang mga tsismosa. Minsan sumisipa ang worry nya kaya hindi sya masyadong lumalapit kay Rome. Nahihiya sya dito. Lalo sigurong hindi sila titigilan ng mga ito kung malaman nilang lagi din silang magka-text lalo pag restday.

Kung minsan din nawi-wirduhan si Raven kay Rome. Naco-confuse sya dito. Lalo na sa mga pinapakita nito sa kanya.

Nag-VL si TL Gwen ng 5 days. 1 week itong mawawala, at nag-iwan na naman ng task kay Raven. Mag-fa-facilitate sya ng listening sessions at coachings sa mga teammates nya. Bigla na namang na-stress si Raven. Ayaw na ayaw nya kasing pumapalpak sa mga pinapagawa sa kanya. Gusto nyang ma-meet ang expectation or even exceed it.

Kasalukuyang nyang kino-coaching si Marly, isa sa mga new teammates nila. Nasa TL station sila at katatapos lang nilang makinig ng call nito at nagpapalitan sila ng comment (good and bad points) nang dumating si Rome at nilapag nito sa harapan ni Raven ang Twister fries na binili nito.

Nagulat si Raven dahil bakit sya nito binibigyan ng Twister fries? Yes, she texted Rome earlier that she's hungry pero hindi nya sinabing bilhan sya nito or something. At ang malala pa, ipinakita nito sa harap ni Marly, na isa ding nambubuska sa kanila.

What is she thinking?! Lalo kaming aasarin nito eh, nasabi sa isip ni Raven.

Right on cue, "Bakit sya may Twister fries, ako wala?" nang-aasar na tanong ni Marly. At dahil nilakasan nito ang boses, narinig ng buong team.

"Bakit syota ka ba?!" tatawa-tawang banat ni TL Henry kay Marly.

At sumagot din si Rome nang, "Oo nga, syota ba kita?!"

Lalong umulan ng tuksuhan at tawanan. Hindi na lang humarap si Raven sa kanila at nanatili na lang nakatingin sa screen ng computer. At kahit hindi nya nakikita ang sarili, Raven knows that she's furiously blushing.  

ROME

Madalas busy si Raven sa mga tasks na binibigay dito ni TL Gwen. Na-assign sila nina Mizzy at Tina for offline at sumasakit ang ulo nila sa kakareview ng mga technical cases, listening sessions at sila din ang kumukuha ng mga sup calls ng kapwa ahente.

Makikita sa mukha ng kaibigan na stress na stress ito. Kapag tinitignan ito ni Rome, nakanunot ang noo nito at seryosong-seryosong nakaharap sa monitor. Mukhang napasa na kay Raven ang dark aura.

Stressed pa din si Rome sa stats nya but she's doing fine. Naipasa nya ang second month at isang month na lang ang kailangan nya. Nakahinga din sya ng maluwag nang nagka-period na sya. Whew! Muntik na sya.

Madalas pa din silang kumakain ng breakfast ni Raven at ginagawa nito ang mga tasks nya habang hinihintay sya.

Nalulungkot si Rome kapag hindi sya mahintay ni Raven dahil uuwi na daw ito at antok na antok na. Naiintindihan naman nya dahil kitang-kitang drain na drain ito. Naiinis din sya kay TL Gwen dahil napaka-slave driver nito.

Hindi sanay si Rome na nakikitang tahimik lang si Raven sa station nito. Dati madalas itong nakikipagdaldalan sa katabi, o kaya sa kanya kung lalapitan sya o kung sinumang available na makakausap na kakilala nito. Ms. Congeniality kasi.

Pero ngayon, ni hindi na din ito nakakapagbasa ng PDF. Hind tuloy nakikigulo masyado kapag nagk-kwentuhan sila about Vampire Academy. Wala na silang spoiler.

"Will this cheer her up?" naisip ni Rome habang nasa 7 Eleven at hawak ang isang bar ng Crunch. She wants to do something sweet for Raven for a change. Lagi kasing ito ang nagc-cheer sa kanya when she's down.

Napangiti din sya nang maalala yung last time na binigyan nya ito ng Twister Fries. Raven was stunned sa ginawa nya at hindi makatingin sa kanilang lahat nang tinukso sila ng bongga nina TL Henry. "Nag-blush kaya sya?" she wonders. At for sure magugulat na naman ito kapag binigyan nya ng chocolate.

Chocolate? Hmmmn, parang nanliligaw lang ah, tukso ng isip nya. She's just being nice, depensa nya. Magkaibigan sila nito after all.

Madami ka namang friends at hindi mo ginagawa yan, sagot na naman ng mas nanunudyo pa nyang isip. Ah ewan! Gusto nyang gawin eh. She wants to comfort Raven at yun ang gagawin nya.

Binayaran nya ang chocolate sa counter at umakyat na sa building nila. Raven was busy conversing with Tina and Mizzy kaya hindi nya ito nalapitan para ibigay ang binili.

Halos buong araw syang naghanap ng pagkakataon para lapitan ito dahil kung hindi busy sa calls, busy ito sa offline, o kaya naman kumukuha ng sup calls. At mas madalas, madaming lumalapit dito para magtanong.

Lunch break na ni Rome nang malapitan ang kabigan. Hinila nya ang swivel chair nya palapit sa station ni Raven. Hindi sya nito napansin agad dahil as always busy ito.

"Lunch ko na," mahinang sabi nya dito. May ginagawa itong report.

Tumingin sa kanya si Raven saka ngumiti. "Hindi ka ba kakain?"

"Hindi. Busog pa ako. Matutulog na lang ako sa station," sabi nya at hindi malaman kung paano ibibigay ang chocolate na kanina pa nya tinatago sa jacket. Katabi nito si Marly at baka makita na naman. Ayos lang sa kanya yun kaso Raven doesn't like attention. Kaya nang may kausap na si Marly sa phone... "Eto o," sabay palihim na inabot ang Crunch kay Raven.

Automatic na gumuhit sa mukha ni Raven ang pagkabigla at kasunod nun ang "Is she blushing? Naisip ni Rome.

Mabilis na kinuha ni Raven ang chocolate at itinago sa ilalim ng keyboard para walang makakita. Ngumiti ito sa kanya at medyo nahihiya pa.

Nangingiti na lang si Rome sa ikinilos nilang dalawa. Para silang secret lovers.

"Secret lovers huh?" tukso na naman ng isip nya.

Nag-breakfast sila after shift at nang nasa taxi na si Rome pauwi, nagtext si Raven.

RAVEN: Sorry, I 4got my manners knina. Thank you sa chocolate."

ROME: Welcome

RAVEN: Funny nga eh, kc pra tayong nag-aabutan ng secret love letters. Hahaha. Ikw plihim na bnigay ung crunch at aq nman biglang tinago sa keyboard :)

ROME: LOL! Oo nga eh. Bka kc tuksuhin n nman tau.

Nasorpresa din si Rome when she found herself getting jealous sa mga laging lumalapit kay Raven. Naiinis sya at sinasamaan ng tingin ang mga tanong ng tanong dito.

"Raven, question naman," narinig nyang sabi ni Maxie. And Rome really finds her voice annoying nowadays. Annoying na ito noon pa pero to the highest level na ngayon ang pagka-annoying nito.

"Akala ko ba friends kayo ni Maxie?," pang-aasar ng isip nya.

"Noon yun," sagot nya sa sarili. "She's annoying."

"Bakit, dahil lapit ng lapit kay Raven? Selos ka?" sagot na naman ng isip nya. Ah ewan!!!

Bawat call yata nitong si Maxie may tanong kay Raven. At lalo syang naiirita dito kapag nagk-kwentuhan sila ni Raven at bigla na lang i-eksena at mag-i-interrupt.

"I'm not sure kung talagang hindi nya alam, or she's just testing my knowledge," minsang in-email sya ni Raven.

"Or baka crush ka nya," reply nya. "Lapit kasi ng lapit. Uuuuy," kunwari tukso nya pero ang totoo inis na inis sya.

"Eeeewww," sagot ni Raven. 

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon