>>>>> Ilocos Getaway<<<<<

3.6K 103 6
                                    

RAVEN

"Nasaan na sila?" tanong ni Rome sa kanya nang lapitan nya ito sa Smoking Area malapit sa parking lot ng building nila. Nag-yoyosi na naman ito.

"Pababa na sina TL Gwen. Hinihintay lang sina Luna, Tina at Mizzy," sagot ni Raven. Kakain sila sa dampa. Team breakfast daw. Super early breakfast dahil pasado ala singko pa lang ng umaga. "Mauuna na daw tayo para makapamalengke na ng ipapaluto. Sunod na lang daw sina Paco, PJ at Marion."

"May marunong bang mamalengke sa atin?" tanong ni Rome at pinatay saka itinapon ang upos ng sigarilyo sa basurahan.

"Ewan ko. Bahala na sina Luna dyan. Kasama naman natin si Kuya Red eh," sagot ni Raven.

"Aalis ka ba agad?" tanong ulit nito.

"Oo, eat and go lang ako," nangingiting sabi ni Raven. Naka-vacation leave kasi sya ng dalawang araw at nakadikit pa sa restdays nya. Magbabakasyon sila ng college friend sa Laoag. "Eh ikaw? Mukhang may balak pang uminom sina Paco at Luna. Iinom ka ba?"

"Hindi na. Uuwi na ako agad. Sabay na tayo," sagot ni Rome.

Lihim na natuwa si Raven. She's secretly wishing na sana wag na itong uminom dahil hindi nya gusto ang mga kasabay nito. Ayaw nyang iwanan ito kasama nina Paco at Luna. Wala syang tiwala sa mga iyon.

Nang bumaba sina TL Gwen, nagtaxi sila papuntang Macapagal. Wala pang bukas na kainan pero dahil sila ang unang customer, pinagbigyan sila ng isang restaurant dun. Sina Luna at Kuya Red ang namalengke habang nanood lang sila. Busy naman sina Mizzy at Tina sa pagkuha ng pictures.

Ang dami nilang pinalutong ulam. Calamares, buttered shrimp, baked crab, sweet and sour lapu-lapu, sinigang na isda (hindi alam ni Raven kung anong fish yun) at baked tahong. Galit-galit muna pagka-serve ng food. Lamon galore at picture- picture. Kumanta din sina Luna nang dumating ang iba pa nilang teammates.

Nang matapos silang kumain at magbayad, nagpaalam na din sina Raven at Rome. Nagsiuwian na din ang lahat. Hindi na tinuloy ang inuman dahil karamihan sa kanila may pasok at sina Paco at Luna lang naman ang mahilig uminom.

Nagsabay sa taxi sina Rome at Raven. Idinaan nila sa dorm si Raven. Imbes na dumiretso sya sa terminal ng bus, umuwi muna ito sa dorm para gumamit ng banyo. Naparami kasi ito ng kain sa baked tahong. Nagre-react ang tiyan nya kapag napapadami ng cheese.

Dumiretso uwi naman si Raven sa Dagupan para sunduin si Desiree, ang college friend nya. Magka-batch sila nito at sabay na nag-graduate. Pareho silang Masscomm students sa pinasukang university sa Dagupan. Niyaya nya itong magbakasyon at sasagutin muna nya ang pamasahe nito dahil wala daw itong exra money. Babayaran na lang daw sya pag sumahod na.

Kailangan nya ng kasama kaya pumayag sya and Raven really need this vacation. Nasusuka na sya sa trabaho. She needs to get away kahit saglit lang. Away from pressure and away from gossiping teammates.

Dala ang travelling bag sinundo at hinintay nyang mag-out sa trabaho si Des. Nagt-trabaho kasi ang kaibigan sa appliance center sa isang mall.

Dumiretso muna sila sa bahay ng kaibigan para magdinner. Habang nag-p-prepare si Des ng mga gamit, nakikipagkwentuhan si Raven sa nanay nito. Nag-prepare din ng fried hotdogs with rice ang kaibigan para baunin nila. Mga takot magutom.

Pass midnight na sila nakasakay ng bus papuntang Laoag. First time pumunta ni Raven sa Ilocos, pupuntahan nila si Mj, and mentor nila during their OJT sa network kung saan ito nagw-work dati. Naging friends sina Mj at Raven during that time at lumalabas-labas na din dahil pareho silang mahilig kumain at maglakad-lakad sa downtown. Lumpipat si Mj sa Laoag as Marketing Manager ng isang malaking realty company.

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon