>>>>Guardian Angel<<<<

3.3K 128 11
                                    

RAVEN

Hindi kasi fan ng hip-hop si Raven at lalong hindi nya kilala ang Bone Thugs and Harmony. She haven't heard of them until she met Rome. Kahit gusto nyang samahan itong manood ng concert, umayaw sya. Ang mahal kaya ng ticket!

Medyo nag-aalala sya kasi walang kasama si Rome. Concert yun. Baka magkagulo or something at masaktan ito. Dapat yata sumama na lang sya. Or she's just being paranoid. Rome will be ok.

Magka-text sila nito all the time. Nasa MOA na daw si Rome, at dahil maaga pa naglibot-libot muna ito. Excited kasi. Ayaw magpa-late sa concert.

Medyo nagselos pa si Raven nang sabihin ni Rome na may bet itong guy doon. Nagpadala pa ito ng mms. Kinunan nito ng palihim ang lalaki. Skin-head si kuya. Naka-baggy pants and shirt. May tattoo. "Bet ko yung tattoo nya," text pa ni Rome.

Iritableng binura ni Raven ang MMS. Naisip na naman nyang never na papatol sa kanya si Rome. Hanggang friends lang talaga sila.

Ilang oras ding hindi nag-text si Rome kay Raven. Malamang nasa concert na yun at kasalukuyang tumitili at nags-swoon dun sa mukhang drug addict na idol nya sa BTNH. Hindi nya maalala ang pangalan.

Nag-text naman agad si Rome sa kanya after ng concert. Tuwang-tuwa ito at nag-enjoy daw kahit nagkaroon ng technical problem. She took lots of videos daw at madaming nabangga kakasingit para makalapit pa ng konti sa stage. Nasa Silver ito at bago matapos ang concert nasa Gold na.

"Didiretso ako kina Rolly," reply nito after tanungin ni Raven kung may pupuntahan pa ito. "May inuman daw ang barkada."

Raven knows na wala syang karapatang makialam or diktahan si Rome kaya pinigilan nya ang sariling sabihan itong wag ng pumunta. "Baka uminom ka na naman ng more-more? Magpapaka-wasted ka ba?"

"Hindi nuh. Hindi ko uulitin yung nangyari nung December," sagot nito.

Kabado pa din si Raven. Kahit mga high school friends nito ang mga kasama at matagal ng kakilala, natatakot pa din sya. Nai-kwento na din kasi nito minsan na nagkaroon sila ng something nung isang kabarkada, si Marvin. Naglalandian sila nito kapag nakainom na.

"Eto na naman ang nakakainis na selos na to," iritable na namang sabi sa sarili ni Raven at sumubo ng Cheetos na bigay ni Rome.

"Baka magpa-umaga ka na naman ah," hindi na nya napigilang text dito.

"Hindi ko pa alam," sagot naman ni Rome.

Napabuntong-hininga na lamang si Raven. "Pasaway talaga," yun na lang ang nasabi ni Raven sa sarili. At kahit ganun, mahal pa din nya si Rome. They are very opposite but she still want her. Malakas itong uminom at mag-yosi and yet she didn't care. Rome is a flirt, at aminado naman ang dalaga doon, but Raven still loves her.

Kung tatanungin sya kung bakit nya mahal si Rome, hindi nya alam ang sasabihin. Basta yun ang nararamdaman nya. She loves her just because. Wala pa yata sa Webster ang mga salitang maaring magdescribe sa feelings nya. Sabi nila (ewan kung sino yang "nila") kapag hindi daw maipaliwanag, it means TRUE LOVE. Now she's being cheesy.

"Wag ka ng magpa-umaga. At wag ka na ring magpaka-wasted!" sabi ni Raven.

ROME

Hindi mapigilang ngumiti ni Rome habang ka-text nya si Raven. Kanina pa sya nito nire-remind na huwag magpakalasing at huwag magpa-umaga. Kung dati-rati'y na tuwing pinagbabawalan sya ng mga naging boyfriend nya ay nakakaramdam sya ng annoyance at  lalo nyang ginagawa, but with Raven mas kinikilig pa sya.

She likes it when Raven is being strict. She can imagine her frowning habang sinasabing, "Pasaway ka talaga. Ang tigas ng ulo mo."

"Sino ba yang katext mo at kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan?" sita sa kanya ni Rolly at pilit inaagaw ang cellphone nya. Mabilis na inilayo iyon ni Rome. "Boyfriend mo ba yan?"

Friendship Ends in Love (Not Another Love Story - Based from a True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon