Bewitched My Husband To Be

19.8K 291 15
                                    

THIS CHARACTERS AND EVENTS IN THIS STORY ARE PURELY FICTIONAL AND ARE NOT TO BE CONSTRUCTED AS EVEN REMOTELY INSPIRED BY PERSON AND EVENTS KNOWS AND UNKNOWNS TO THE AUTHOR.

--

TEASER:

Meet Katherine Gwen Cruz ang babaeng patay na patay kay Tomas Andrew Anderson. Si Drew ang lalaking pinapangarap niya. Ang lalaking gusto niyang makasama habang buhay. Ang lalaking kaya niyang gawin at ialay ang lahat mapasakaniya lamang. Kahit na gamitan pa ng gayuma ang binata, papayag siya, ang mahalaga maging kaniya si Drew.

Sabi nga nila "Be careful what you wish for." Gilalas si Katty nang malamang niyang ginayuma ng lola niya si Drew para paibigin sa kaniya. Sa kabila ng pagkagulat, hangang-hanga siya dito sa kadahilanang hindi pa pala kumukupas ang galing ng kaniyang lola sa mga ganoong bagay.

"What if kung mawala ang bisa ng gayuma, 'di loveless na naman ako?" naisatinig niya ngunit mas lamang pa rin ang pagnanasang makuha niya si Drew. Kaya naman kahit alam niyang, may katapusan ito, isinugal niya pa rin ang kaniyang puso.

Drew thought that he already found his true love. Pero nalaman niya ang ginawa ng lola ni Katty, napagtanto niyang hindi pag-ibig ang nararamdaman niya kundi nabulag lamang siya ng bisa ng gayuma.

Drew felt that Katty ruined his life kaya naman, sa sama ng loob, binalak niyang gantihan si Katty, bagay namang nakarating sa kaalaman ng babae. Pinilit umiwas ni Katty sa binata. Ngayon, pareho na silang naghahanap ng taong magtuturo sa kanilang mga puso upang limutin ang hindi totoong pag-ibig na naramdaman nila sa isa't isa.

"Pasaway kasi ang puso. Parang computer na kahit i-program or i-reformat, hindi pa rin maalis ang virus. Hindi ko pa rin kayang kalimutan siya, hindi ko magawa." Katty felt so helpless. Sa kabila ng pag-iwas niya, hindi pa rin maalis sa puso niya si Drew.

Pero paano pa nga ba tuturuan ang kanilang mga puso kung totoo nang tumitibok iyon para sa isa't isa?

Tara na't subaybayan ang pag-iibigan nila Katty at Drew. Will their bewitched love turns into true love?

----

Thank U so much

Mr. M :)

Bewitched My Husband To Be ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon