BMHTB 16: WAIVER
DREW POV
Isang suntok ang ang dumapo sa pisngin niya, "Hayop ka! Gago ka anong ginawa mo sa kapatid ko," hingal na sabi ni Clark kay Drew. Di pa ito nakontento sipa pa nito sa sikmura, kaya dinaluhan na sila ng mga magulang nila ang dalawa.
"Iho, tama na di maganda pati kayo nagkakagulo pa," sita ng ina ni Kathy sa anak na panganay.
"Pasensya na po Tita di ko na pigilan ang galit ko sa anak ninyo, na pakawalang puso ng anak ninyo para pabayaan ang kapatid ko," ramdam naman ni Mrs. Anderson ang hinanakit nito , kaya di nalang siya umiimik para din a magkaroon ng gulo.
"Balae, kami nang mag-asawa ang humingi ng pasesnsya sa ginawa ng anak naming sa anak ninyo," mahinahon na pagkakasabi nito sa magulang ni Kathy.
"Di dapat kayo ang humingi ng tawad sa amin, dapat yang anak ninyong magaling. Madaming nakakakitang kanina sa mga ginagawang kalaswaan ng animal ninyong anak at mas kinampihan pa ang kabit niya..." susugod ulit ito pero napigilan ng ama ni Kathy.
"Ano Clark? Tama na pati ako sumasama na ang pakiramdam kaya wag mo nang dagdagan pa!" saad ng ina nito.
Lumuhod ako sa mga ito, "Mommy... Daddy... I'm sorry po! I'm sorry po..." paulit ulit kong sabit sa kanila. Alam kong may kasalan ako pero sana isipin din nila ang ginawa ni Kathy sa kaniya. "Pero sana bago kayo magalit sa akin sana po alamin ninyo muna kung anong nangyari..."
Pinutol ng daddy ni Kathy ang sasabihin ko, "... alam na naming ang lahat Iho, pinaalam ni Mama ang mga nangyari. Di kagustuhan ni Kathy na pikutin ka o painumin ka ng gayuma. Dahil kung iisipin nang ginalaw mo ang anak ko kahit lasing ka alam mo pa rin ang ginagawa mo. At kung nagawa ng anak ko ang mga bagay na yon, kami na ang humihingi ng pasensya. At sana sinabi mo sa amin para na gawan ng paraan na maghiwalay kayo dalawa agad. Sana di na nangyari ang lahat na ito," sa bawat salitang binitiwan ramdam ko ang galit. "Di ka naming pwede sisishin sa lahat, pero sana respeto mo kami lalo na ang anak ko. Di ko rin na gustuhan ang mga balitang naririnig ko pero nagsawalang kibo kami dahil sa tuwing tatawag kami kay Kathy ang laging niya sinasabi masaya siya sa piling mo..."
"Balae..." tawag ni Daddy.
Napalingon na lang kami nang nagbukas ang pinto ng ER at lumabas doon si Dap. "Tito... Tita... dumating na po ba si Drew kailangan na niyang pirmahan ang waiver," . Nakita agad niya ako agad kaya lumapit na ito sa akin. "Buti andito ka Drew, you need to sign this waiver. Kailangan nang masalinan si Kathy ng dugo, madaming dugo ang nawala sa kaniya. At di pa niya kabuwanan, humihina ang kapit ng mga bata," paliwanag nito.
Bago ko pirmahan ang lahat binasa ko muna ang nakasaad sa waiver. Madaming sinabi si Dap sa akin pero lahat ng sinabi nito di mag- absorb sa utak ko ngayon. "Dap, ang gusto ko lang iligtas mo ang aking mag-iina," nanginginig kong sabi kay Dap.
"Di ako Diyos Drew, di ko hawak ang buhay ng mag-iina mo pero gagawin ko lahat para mabuhay sila..." nararamdaman ko ang galit nito sa akin, "pirmahan mo na yan bago mahuli pa ang lahat, sa bawat segundo ng pag-iisip mo yun di ang segundo baka mawala ang mag-iina mo kaya kung ako sayo at kung mahalaga talaga ang buhay ng mag-iina mo pipirmahan mo na yan."
Naginginig ang mga kamay ko ng pirmahan ko ang waiver. Walang ka siguraduhan na kung mabubuhay ang mag-iina ko. Napaupo na lang ako sa sahig. Naramdaman kong may lumapit, pag tingala ko si Mommy pala lumuhod ito para magpantay kami. "Iho, ano ba ang nangyayari sayo? May mali ba kaming ng Daddy mo para gawin mo yun kay Kathy?" di ko masagot sa mga tanong ni Mommy. "Kababata mo si Kathy. Kilalang kilala mo siya, pero anong ginawa mo sa kaniya?" niyakap na lang ako ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Bewitched My Husband To Be ✔️
Literatura Feminina"What if kung mawala ang bisa ng gayuma, di loveless na naman ako? Pasaway kasi ang puso kahit i-program or i-reformat di pa rin maalis ang virus di ko pa rin malimutin ka, hindi ko magawa." Gilalas si Katty nang malamang ginayuma ng lola niya si...