BMHTB29: CLUELESS
KATHY'S POV
Back to normal life ulit silang lahat. Nagagawa na niya ulit ang mga dapat niyang gawin, almost two weeks nang di nagpaparamdam si Drew sa kanila. Well di naman niya pinagbabawalaan punta at bisitahin si baby Thalia. Ang nakakaasar lang may pagpropose pa ang mokong at wag na daw akong mag-NO kasi di rin daw siya papayag. Asan ang hustisya don at freedom to speak kung di lang din niya ako pagsasalitin, tapos di magpapakita. Buhat ng matapos ang proposal scene nina Steve at Sofia din a ulit nagparamdam ang mokong. Bahala siya sa buhay niya kung ano naman ang drama niya deadma muna siya. Basta naka focus muna siya sa fashion nila.
Excited sila ni Sofia sa Runway Fashion Show na gaganapin mamayan. Lahat ng mga model busy at balita niya andito rin ang na lilink kay FPIT (Famous Playboy In Town) na si Kenneth Tamayo. Well di pa naming nakikita sa personal ito but sa mga magazine maganda pumili si Tita Mylene na magiging daughter in law kaya para itong si Kenneth tumahimik.
Kasalukuyan inaayus sila ng make-up artist, ang lahat ng model kasali at na si paghanda na.
"Fia, nakikita mo ba yung nakikita ko?" turong nguso niya sa kaibigan.
Nilingon naman ni Sofia ang tinuturo niya at lumaki ang mata nito sa nakita. Ang FPIT at ang GF nito nagkiss sa loob ng dressing room at di nila akalain na magkakasama sila sa isang dressing room. "Hoy, pervert Kenneth! Masarap ba?" Sigaw ni Sofia sa mga ito.
Tumigil ang mga ito at sabay na palingon sa gawi naming si Sofia. Natatawa sila sa nakita nilang pamumula ni GF nito na si Mako at ang manyak nakangisi lang. "PG, I want you to meet my college friend, Sofia and Kathy." Pakilala nito sa amin.
"H-hi..." nahihiyang bati nito. In fairness maganda sa personal ang GF ni Kenneth.
"Hi Mako! Don't be shy okay lang yan at least napapatino mo yan..."-Sofia
"Tama ka bessy kung dating kaliwa't kanan nag kahalikan ngayon iisa na lang, hahaha..." pang sang-ayon niya kay Sofia.
"Kayong dalawa tumigil kayo baka maniwala si PG sa mga sinasabi ninyo..." saway ni Kenneth sa amin.
"Tskk... kakaiba ka talaga GM!" Naiiling sanasabi ng girlfriend nito.
"Oi, PG maniwala ka naman sa dalawang ito e bitter yan mga yan kaya ganyan..."
"Di ako bitter manyak..." sabay bato nito Sofia ng box ng tissue paper na tumama sa ulo ni Kenneth.
"Ikaw evil witch umayos ka na nakakawalang dignidan ka ng pagkalalaki ko. Naku kaawa awa naman ang kaibigan ko sayo dahil sa nakikita ko ngayon si Steve ang battered husband di ikaw..." wika ni Kenneth kay Sofia.
Natatawa siya sa mga sinasabi ng dalawa. Parehong di magpapatalo at magpapalamang. Nilagay niya ang earphone niya sa kaniyang tynga at nakinig ng paborito niyang song, nakita rin niyang ganon di ang ginawa ni Mako. Pinikit niya ang mga mata niya habang nagmamake-up.
~
Ito na ang finale ng fashion show ang nakakatuwa instead na si Sofia ang huling lalakad sabi ng designer si Kathy ang huling rarampa kaya eto masayang masaya siya. Matagal na niyang pinangarap magsuot nito kaso di talaga siyang nakatakdang masuot. Sinipat niya ang sarili sa salamin at napangiti siya sa nakita niya.
"Sukat na sukat sa akin ang gown na ito. Talagang lapat na lapat. Ay bongga! Sana makapagsuot ako ng ganito..." malungkot niyang saad sa sarili.
Naiisip niya ang mga sinasabi nito about sa second chance at mahal daw siya, pero asan siya ngayon? Wala? Two weeks di nagpaparamdam ni ha, ni ho wala kahit kamusta lang sa anak wala rin. Nagbukas ang dressing room niya at tinawagan na siya ng kanyang PA. Bago siya lumabas sinipat muna niya ang sarili at napangiti siya sa sarili. "Someday makakapasuot din ako ng ganito..." saad sa sarili at buntong hinga niya. Lumabas na siya baka magalit ang designer nila sa sobrang tagal niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/34803188-288-k741297.jpg)
BINABASA MO ANG
Bewitched My Husband To Be ✔️
Genç Kız Edebiyatı"What if kung mawala ang bisa ng gayuma, di loveless na naman ako? Pasaway kasi ang puso kahit i-program or i-reformat di pa rin maalis ang virus di ko pa rin malimutin ka, hindi ko magawa." Gilalas si Katty nang malamang ginayuma ng lola niya si...