BMHTB7: AT THE BEGINNING

5.1K 122 8
                                    

Chapter 7: At The Beginning

KATTY POV

Hanggang ngayon iniisp ko pa rin ang mga sinabi ng matandang babae nakita ko sa pier. Sino kaya ang tinutukoy niya imposible si Drew di nga niya ako pinapansin. Naputol na lang ang pag-iisip niya ng tumigil ang sasakyan nila sa bahay ng kaniyang Lola. Nakita niya ito nag didilig ng mga halaman nito. Ito na kasi ang naging libangan niya nang pumananaw ang Lolo niya. Napatingin ito sa gawi niya.

"Apo!" Masayang bati nito sa'kin.

"Lola, kamusta ang pinakamagandang Lola ko sa boung mundo!" Bati ko dito at niyakap ko ng mahigpit. Halos dito ako lumaki kay Lola. Kapag bakasyon ito ang laging request ko kina Mama at Papa kung puwedeng akong magbakasyon sa Mindoro. Kilala ang Atienza dito Calapan City, Mindoro dahil sa malalapad ng lupain. Malaki na ang naging improvement nito lahat nakalagay sa ayos ang pamamahal ng Uncle niya. Si Uncle Ruben Atienza ang kasalukuyan Mayor dito sa Calapan City. Dalawa lang silang magkapatid ng Mama niya.

"Ito pa rin magandang maganda pa rin kaso wala nang magsasabi niya sa'kin kasi deadbol na ang Lolo." Natatawang sabi nito. Natatawa talaga siya sa ugali ng Lola niya kahit matanda na ito kikay pa rin at bagets na bagets. Di mo mapagkakamalamang nasa 75 years old. Nagagawa pa rin nitong magjogging every morning.

"Yon naman eh! Kayo na Lola kaya manang mana ako sa'yo." Nagkatawaan silang dalawa.

"Hay! Baka nga apo sa'kin ka nagmana ng ganda." Malakas na tawa nito. "Halika na at naghanda ako nang makakain natin."

Naglakad na sila patungong sa loob ng bahay.

--

"Kamusta na ang project ninyo dito?" Nasa dining table kami ngayon at kumain ng paborito kong suman na gawang Mindoro, hmm.. ang sarap talaga ng syrup plus kapeng barako.

"Medyo matatagalan pa po. Pero nakapagbuhos na kami ng pundasyon ng building." Paliwanag niya dito. "Kailangan lang namin mamili ng maganda materyales na di lalabis sa budget na ibinigay ng mga Concepcion."

"Hmm.. so magtatagal kayo dito ni Drew sa Mindoro?" Tanong ulit nito.

"Yes, Lola!" Kahit may laman ang bibig niya sinagot niya ito.

"Jus mio kang bata ka di pa rin nagbabago pa ka prin bata. Huwag kang sasagot na may sapal ang bibig mo." Pinagalitan siya nito. Ito kasi ang ayaw na ayaw ng Lola niya kapag kumakain. Ang magsalita na may pagkain sa bibig.

"Sorry po!" Nagpeace sign siya dito.

"Napag-isipan mo na ba ang mga sinabi ko sa'yo? Nakuha mo na ba ang dapat makuha?" Napakunot ang noo niya sa tanong ng kaniya Lola. Napatigil din siya sa pagsubo.

Napatingin na lang siya sa Lola niya. Piang-iisipan niya kung sasabihin niya na nakakuha na siya ng pinakukuha nito sa kaniya. Sa kalaluan na pag-isip niya sabihin.

"Yeah I already get!" Tamad niyang sabi. "But Lola may girlfriend na siya. At sinabihan niya na lumayo ako sa kaniya." Malungkot na pagkakasabi niya dito.

"Ganon na lang ba yon apo! Nang hihina ang loob mo? Asan ang apo akong matapang ha! At Di muurong sa laban lalo na kung si Coco Jam ang pinag-uusapan. Aba'y apo wala sa lahi natin ang umuurong. " Pang-aasar ng Lola niya. Tsskk... talaga naman kapag may Lola kang krung krung.

"Lola, tama ba ang gagawin natin? Parang na kokonsenya ako. Baka mamaya bumalik sa'kin ang lahat. You naman ang KARMA!" Yes, takot siya sa mangyayari. At hanggang ngayon iniisip niya ang sinabi ng matanda sa pier.

"Apo, di kita pinipilit pero kung di ka gagawa ng paraan para makuha mo ang Coco Jam mo sige ka hanggang tingin ka na lang. Sabagay sa ganda mo yan impossible wala makapansin sa'yo. Alam mo apo mas feel ko si Gail sa'yo." Napabuga niya ang lahat na pagkain niya sa bibig. Ano ba itong Lola niya kung ano ano ang pinagsasabi.

"Lola, kaibigan ko lang si Gail. Friendly love lang ang mayroon lang kami. Hmm.. kayo talaga kung ano ang mga nakikita ninyo." Paliwanag niya dito. "Okay, para di kayo mag isip pa tulungan na lang ninyo ako kay Drew. Ibibigay ko sa'yo ang nakuha ko sa kaniya."

"Naku apo ang huling kailangan mo..." Naputol ang sasabihin nito at tinitigan siya ng mabuti. "Hmm.. kailangan mo magpapawis at yong pawis mo ang huling sangkap."

"Alam ninyo po nahihilo ang sa mga ingredient ng sinasabi ninyong gayuma baka mamaya may side effect yan baka di pa makapasa sa BFAD.." Binatukan siya nito.

"Lokang bata ito, aba'y symepre di ito maaprobahan ng BFAD." Nakakamot na lang siya sa ginawa ng kaniya loka.

"Sya hala! Sige magpapawis ka na. Lampasuhin mo ang sahig ng boung bahay lagyan mo na rin ng floor wax para walang dengue." Umalis na ito at naglakad papuntang kuwarto.

Napatulala na lang siya sa narinig. Lalampasuhin niya ang buong bahay at magfloor wax. Wow! ganon ba kabigat ang ingredient na yon at kailangan niyang maging katulong sa bahay ng Lola niya.

Pahinga muna siya bago niyang gawain ang mga sinasabi ng Lola niya.

--

Ala sais ng umaga nagising na siya para gawin niya ang mga binilin ng kaniya Lola. Tutal wala na siya pasok pa sa site kaya ito muna ang gagawin niya ang magpapawis.

Nagwalis muna siya ng buong bahay. Pinunasan di niy ang sahig bago ito aplayan ng floor wax. Grabe ang hirap ng pinagawa ng Lola niya okay lang sana maghugas siya ng plato o kaya naman maglaba siya. Sa ngayon nagpapalit siya ng mga kurtina ng bahay ng kaniya Lola. Gumamit siya naghandaan na bakal para maabot niya ang mga bintana at inalis isa isa ang mga kurtina. Kailangan din iyang palita ito. Kaya naghanap siya sa cabinet na pinaglalagyan ng mga kurtina.

"In the name of love. Gagawin ko ito. Hay! Coco jam ang laki na nag puhunan ko sa'yo. Hmm.. kaya kailangan maging matagumpay ako." Kausap niya ang sarili.

"Sino ang kailangan maging matagumpay?" Sobrang gulat nag-out of balance siya sa hadgan. Akala niya babagsak siya sa sahig. Sinalo pala siya ni Gail kaya di siya tuluyang nahulog sa sahig.

Napasubsob siya sa dibdib nito. "Ibaba mo na ako. Buwisit ka talaga Gail! Bakit ka ba nanggugulat ha!" Hampas niya sa braso nito. "Ang sakit! Ano ba yang braso mo yari sa bakal at ang sakit." Ibinaba na siya nito.

"Ano ba ang ginagawa mo at nagsasalita ka na naman. Eh! Wala naman akong nakikitang kausap mo." Ani nito.

"Maykausap ako! Mga maligno o mga taong engkanto. Hmm... Blehhh!" Dumili siya dito.

"Wait lang ha! Pawis na ako!" Pinunasan niya aang kanyang mukha, leeg, likod and kilikili niya. At piniga ang towel na gamit niya. Hmm.. Okay na siguro ito habang tinitingan ang bottle na nilagyan ng pawis niya.

"Anong ginagawa mo? Baliw ka talaga." Pang-aasar nito sa kanila.

"Walang basagan ng trip okay!"

Ito na ang simula. Simula para maging asawa kita Mr. Drew Anderson.

---

Bewitched My Husband To Be ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon