KATHY POV
After three days lumabas na ako ng hospital. Confirmed na two months preggy ko. Ang saya saya ko. Buti malalakas ang kapit ng mga babies. We have twins. Tuwang tuwa ang both side namin dahil kambal daw ang na buo namin. Andito nga pala si lola. Siya ang nag-aalaga sa akin. At ang pinagtataka ko ngayon buhat ng dumating si lola nag-iba ang pakikitungo ni Drew sa akin. Naging mabait ulit ito, maalaga at maasikaso. Kaunting galaw ko na gagalit ito. Sabi wag na daw ako maggagalaw baka mapaano pa kami nina babies. Di na ako pinagtrabaho nito. Basta ang sweet niya sa akin.
Ngayon araw na ito ang pamamanhikan ng pamilya ni Drew. Tumawag si Steph sa akin na du daw siya makakasama ngayon pero nagpromise ito sa araw ng kasal aattend. Nag-aayos na ako ng sarili ko sa harap ng salamin. Kinikilig siya ngayon dahil ikakasal na siya sa lalaking pinangarap niya sapol bata pa siya. Napalingon siya sa may pinto na may kumatok at nang nagbukas ito iniluwa ang lola niya.
"Apo, blooming na blooming tayo ngayon ha!" bati nito sa kanya.
"Kayo talaga Lola wala kayong makita kundi ako." - Kathy
Nang nakalapit na ito sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. "Apo gagawin ng lola ang lahat para matupad ang mga pangarap mo. At ito ang naging bunga ng paghihirap mo para makuha siya." Kumalas ito sa pagkakayakap nito sa akin at may kinuhang tatlong maliliit na botelya sa body bag. "Ipangako mo sa akin na tayo lang dalawa ang makakaalam nito. Inulit ko ang ginawa nating gayuma. At bago ka lumbas ng hospital pinainom ko si Drew ng kape na may halong gayuma at sa tingin ko umipekto ang gayuma inulit ko." Nabigla siya sa sinabi ng lola niya. Kaya ba ganito kabait si Drew sa akin. Niyakap ko ito at napaiyak ko sa mga sinabi ni lola. Kahit ginayuma siya ni lola masaya pa rin siya dahil ikakasal na siya sa taong mahal na mahal niya. "Bakit ka umiiyak?"
"Wala po lola masaya lang po ako at maraming salamat po." - Kathy.
"Hintay apo tama na yan masisira ang make up mo. May ipapaliwanag ko sa tatlong botelyang ito," bumutiw ito sa pagkakayap at tumabi akin.
" Ano po yan? At para saan po?" tanong ko dito.
"Kakailangan mo ito kada isang buwan ipaiinom ko ito sa mapapangasawa mo. Para di mawala ang bisa ng gayuma. At kapag na ubos na ito makikita mo ang epekto na mamahalin ka na ng tuluyan ng asawa mo. Sana di ka niya mahuli. At wag mong ipagsasabi ang lihim natin para mas epekto ang orasyon ng gayuma." Kinuha ko ang tatlong botelya at inilagay sa drawer ko na may susi. "Sa ngayon yung gayuma na pinainom ko noong isang araw mawawala ng bisa sa katapusan ng buwan na ito kaya dapat maging alerto ka sa pagpapainom. Mas maganda ihalo nito sa mga iniinum niya," tango sa sagot ko. "Hala nag retouch ka ng make up mo at andyan na sila sa baba ikaw na lang ang hinhintay."
Wala siyang masabi sa lola niya. Super supportive siya sa mga ginagawa ng mga apo. Hmm.. Kathy eto na magiging asawa mo na si Drew. Ipakita mo sa kanina na ikaw ang nababagay sa kanya at di si Ynah the monkey na yun."
Pagbaba niya ng hagdanan nakita niyang nag-uusap ang mga magulang niya at magulang ni Drew. Andon din si Drew. Lumapit siya dito.
"Mahal!" bati nito sa akin. Ayiee tinawagan niya akong mahal. Kinikilig pa rin siya kahit magkatabi na sila sa upuan. At sinong di mabibigla sa ginawa nito yumakap ito na nakatalikod at tinuon ang baba sa balikat ko. Para di halatang kinikilig ako deadma na lang.
"Drew, kailan ang balak ninyong magpakasal? Mamaya mag three months na ang tiyan ni Kat. Mahahalata na ang pangit sa wedding dress na buntis ang babae." Nakangusong sabi ng mommy ko.
"Tama ka balae dapat madaliin ang lahat." Pangsangayon ng mommy ni Drew. Ang mga daddy namin di na imik na kikinig na lang sila sa mga asawa.
"I want perfect para sa mahal ko. Kaya kung maari ayaw ko ng basta basta lang. At isa pa mas gusto ko ng private at ayaw kong may media," paliwanag ni Drew sa mga ito.
"Hmm.. mas maganda siguro po sa judge muna tayo magpakasal at after I birth don tayo magpakasal sa simbahan." Suggestion ko sa mga ito. Ayaw ko rin maglakas sa simbahan na malaki na ang tiyan ko. Nakita ko ang pagbabagong reaksyon ng lahat mula sa masaya ngayon kulang na lang kain ako ng mga ito. "Ang sa akin lang suggestion lang ayaw ko rin kasing lakad sa simbahan na malaki ang tiyan." Kamot ulo sa pagpapaliwanag ko sa mga ito.
"Ok mahal kung yan ang gusto mo. Bukas aasikasuhin ko na ang mga requirement ng kasal natin." Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap. "Ayaw ko ng patagalin pa ang lahat. Mamaya lalabas sina prince at princess." Napakalambing talaga ni Drew sana di na matapos ang lahat. Sana maging maayos at walang kontrabidang eeksena pa. Ayaw niyang danasin ang mga nangyari katulad ng mga kaibigan. Si Sofia nagpalaki ang anak na walang ama. Si Dap naman puro sakit ng damdamin ang ibinibigay sa kanya ng dating asawa. Sana makahanap sila na lalaking ibibigyan sila ng importansya at di babalewalain. At para sa kanya sana magtuloy tuloy na ang lahat na ito. Tama na ang panahon na naghintay siya at paghihirap niya. Wala siyang pakialam kung sa maling paraan niya nakuha si Drew ang importante nasa tabi.niya ito. Di lang para sa kanya mas lalo sa magiging anak nila.
Naging maayos ang pamamanhikan ni Drew. After ng pagusapan ang mga details ng date ng kasal. Nagkaroon ng kaunting salo salo. Lahat ng handa ni lola paborito ko kaya ganado akong kumakain.
"Aba iha, dahan dahan ka baka mabulunan ka!" saway ng kanyang ina. Kilala naman siya ng ina kapag paborito niya ang nakahain wala siyang pakialam. Pero ngayon kailangan niya maging dalagang pilipina.
BINABASA MO ANG
Bewitched My Husband To Be ✔️
ChickLit"What if kung mawala ang bisa ng gayuma, di loveless na naman ako? Pasaway kasi ang puso kahit i-program or i-reformat di pa rin maalis ang virus di ko pa rin malimutin ka, hindi ko magawa." Gilalas si Katty nang malamang ginayuma ng lola niya si...