KATHY POV
Pagkamulat ng mata ko, na nibago ko sa aking kapaligiran. Wala naman ako sa bahay at di ito ang bahay namin ni Drew. Bumangon ako sa pagkakahiga, medyo nangalay ang aking likod sa pagkakahiga. Nagpalinga linga ko sa paligid, "saan ako?" Tanong ko sa aking sarili. "Ma... Pa... Kuya Clark... Drew..." tinawag ko ang mga ito pero walang sumasagot.
Naglakad lakad ko sa bahay, di pamilyar ang lugar na ito sa akin. "Saan ba talaga ako?" Sumakit ang ulo kaya kaya napahawak ko sa ulo ko. "Ahhhh....." sigaw ko na para akong nahihilo. Ngayon ko lang na pansin bakit naka hospital gown ako at pag kahawak ko sa aking puson don ako lang na malayan asan ang mga anak ko. "Nanganak na ba ako? Kung nanganak ko asan ang mga bata? Asan sina Mama, Papa at Kuya Clark? At asan si Drew?" Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.
Nakalabas na ako ng pinto nakita kong isang hagdanan kaya mabilis akong bumababa baka andon silang lahat sa sala o nasa kusina. Nasa pinakahuling baitang na ako ng hagdaan ba pansin ko may batang lalaking naglalaro. Nag-iisa lang ito naglalaro ng lego, pero kahit nag-iisa ito masaya ang mukha. Di mo makikitaan ng lungkot sa nga mata nito kahit nag-iisang maglaro. Naalala tuloy niya noong bata pa siya di siya pwedeng walang kalaro dahil ang katwiran niya boring kung nag-iisa ka lamang. Upo ako sa huling baitang ng hagdanan, pinagmasdan ko ito ng mabuti. Kung tatansyahin ko ang edad ng batang lalaki nasa edad lima o anim na taon. Pero sa edad na yun di mo akalain magalung ma iyong magbuo ng mga building sa pamamagitan ng lego. Natatawa pa ako kasi kumakanta pa ito pero mali mali ang lyrics. "Oo nga pala kailangan kong makita ang mag-aama ko, asan ba silang lahat?"
Tumayo ko at nilapita ko ang batang lalaki. "Bata bagong kapitbahay ka ba namin?" Tumunghay ito at gulat na gulat ko sa itsura ng batang lalaki. Napakunot ang noo ko, kaya pinagmasdan ko ito at hinaplos ang mukha. Kamukhang kamukha ito ni Drew noong nga bata pa kami. "Sino ka?" Tanong ko sa bata.
"Si Momma talaga palabiro..., si Xander po ito!" Ngiting saad nito.
"X-xander?" Nauutal at di nakapaniwalang sabi ko dito. Kumunot ang noo nito at nagtatanong ang expression ng mukha.
"Momma, ako po ito si Alexander Tomas Anderson po!" Masayang bigkas nito sa pangalan niya. "At may kakambal po ako na si Thalia, kasama mo ni Daddy."
Nagtataka ako sa mga sinasabi ng batang ito. Kahapon lang buntis ko tapos ngayon ganito na agad ang anak ko? Ngumiti ulit ito sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Momma, walk tayo..." tumayo na ito at pilit niya akong tinatayo. "Please na po momma kailangan na po ninyong mag walk kasi ang haba na ninyong nakahiga sa bed..." di ko alam sa aking sarili pero kusa na akong tumayo at naglakad na kasama si Xander.
Lumabas kami ng bahay at nagtungo sa may hardin. "Wait Xander, asan ko? Di ko ito bahay? Asan ang kapatid mo?" Tanong ko ulit dito. Sa nakikita ko ngayon wala ako sa bahay namin ni Drew o sa bahay ng magulang ko. Mas lalo di ito ang bahay ng kuya Clark niya dahil nakatira lang ito sa condo.
"Wala po kayo sa bahay natin Momma..." ani nito.
Inalis ang pagkakahawak nito sa aking mga kamay at tumakbo sa may damuhan. Tuwang tuwa ito sa mga paruparong nakadapo sa mga bulaklak. "Momma, laro tayo ng habulan, kayo muna ang taya..." sa di ko naintindihan na aking nararamdaman kumilos na lang ang dalawa kong paa at hinabol ko si Xandaer.
Halos naka isang oras din kami naghabulan. Kinapa ko ang aking dibdib at nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Di sa sobrang pagod kundi sa sobrang saya. Humiga ito sa may damuhan, "Momma tabi tayo." Tinabihan ko na ito. "Momma ang ganda po ng araw..." turo nito sa araw. "Sana po nakita ko ito ulit kaso di na po pwede..." malungkot na sabi nito.
"Bakit mo nasabi yan? Kahit araw araw nakikita ko ang araw, ang mga stars at kung ano ano pa..." humulig ito sa aking balikat.
"Momma, alagan po ninyo ang sarili ninyo. Mahalin po ninyo ang sarili ninyo." Nagtataka ako sa mga sinasabi nito. Hinawakan nito ang aking mga kamay at pinisilpisil nito. "Momma, mahal na mahal ko po kayo ni Daddy..." sabay haplos nito sa akin pisngi. "Momma, tulog na kayo ulit. At pagkagising ninyo po makikita na ninyo sina Daddy at Thalia." Habang hinahaplos nito ang aking pisngi, kumakanta ito ng isang lullaby. Sa bawat himig nito pumapayapa ang aking kalooban, hanggang nakaramdam na akong unting unti pumipikit ang aking nga mata.
DREW POV
Dalawang buwan ang nakakalipas wala pa rin malay si Kathy. Dalawang buwan na rin si Thalia, napakalusog na bata ni Thalia. Kapag pinagmamasdan ko si Thalia di ko malimutan ang nangyari noon.
Flashback
Nang sabihin ng nurse na nagflat line lahat kami na bahala lahat.
Lumabas si Dap sa ER, "Tita... Tito... g-gusto ko lang ipaalam na okay na si Kathy," sa sinabi ni Dap na buhayan ko. "Tatapatin ko na kayo, alam naman ninyo na kulang sa buwan ang kambal kailangan itong incubator depende sa development ng kambal. Si Baby Xander ang pinakamahina. Kaya ipagpray natin." Sa mga sinabi ni Dap natulala ko lalo't nalaman kong mahina si baby Xander. "Mamaya dadalhin na sila sa nursery pwede na ninyong masilip ang kambal...." nabigla kami ng bigla itong umiyak at niyakap ang mommy ni Kathy. "Tita magpakatatag kayo, okay na si Kathy sa ngayon pero comatose siya..." pinaliwanag nito ang lahat kung bakit pero wala pa rin ako naiintindihan.
Nabigla ang lahat ng suntukin ko ang pader ng hospital na naging dahilan ng pagdudugo ng aking kamay. "Ang gago ko... ang gago gago ko..." patuloy ko pa rin sinusuntok ang pader, na pinigilan ako ng aking ama. "Tama na anak..." yapos nito sa akin sa likod. "... andito na, wala na tayong magagawa pa."
"Tama ang daddy mo Drew, kahit magsisihan pa tayo dito walang mangyayari. Comatose na si Kathy, ngayon kailangan ka ng kambal. Iparamdam mo sa kanina kahit may sakit ang mommy niya andyan naman ang daddy nila." Sa nga salitang binitiwan ni mommy nabuhayan ako. Tama kailangan ko ng mag-iina ako.
Lumuhod ako sa mga ito, "mommy... daddy... patawad po!"
~0~
Isang linggo na ang nakakaraan isang masakit na balita ang ibinigay ng mga doctor na natingin sa kambal. Di na daw nakayaan ni Baby Xander.
End of flashback
"Asawa ko, gising ka na! Kailangan ka namin ni Thalia..." saad ko dito habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Kathy.
Ito ang araw araw kong ginagawa ang kausapin ang asawa ko. Dito ba rin ako nag oipisina kung kinakailangan may pirmahan pinupuntahan ako ng secretary ko dito at kung mag biding naman si Daddy ang nakikipagmeeting sa kliyente. Dito na rin ako binibisita nga mga kaibigan ko. Sina mommy ko ang nag-aalaga kay Thalia minsan ang biyenan ko. Laki ng pasasalamat ko sa mga magulang namin at di nila ako iniwan. "Asawa ko, ang laki na ni Thalia. Ang ganda ganda niya," hinalikan ko ito sa noo. "Thank you asawa ko! Binigyan mo ako ng princess.... sorry kung wala akong nagawa para sa ating prinsipe sana mapatawad mo ako, asawa ko," sa tuwing kinakauasap ko si Kathy di ko mapigilan ang umiiyak. Kung dati di ko pinakikitang sa iba na naiyak ako, ngayon wala akong pakialam kung makita nilang umiiyak ako.
"Ohhhh..." rinig kong ungol ng asawa.
"Asawa ko, wait tatawag lang ako ng doctor. Salamat sa Panginoon na gising ka na..." naiiyak kong sambit dito.
BINABASA MO ANG
Bewitched My Husband To Be ✔️
Genç Kız Edebiyatı"What if kung mawala ang bisa ng gayuma, di loveless na naman ako? Pasaway kasi ang puso kahit i-program or i-reformat di pa rin maalis ang virus di ko pa rin malimutin ka, hindi ko magawa." Gilalas si Katty nang malamang ginayuma ng lola niya si...