Chapter 6: "GAIL"
KAT POV
Kinaumagahan nakita ko na silang lahat sa dining table na nagbreakfast. Nakita kong kung paano alagan ni Drew si Ynah. Kahit sa paghahanda ng pagkain inaasikaso nito ang dalaga. Dating si Drew ginawa niya yon sa'kin pero iba na ngayon may Ynah na siya. Ouchhh.. ang sakit naman alam naman ni Drew ang nararamdaman niya bakit kailangan ipakita ang love and care nito sa kasintahan. Napsimangot na lang siya kaya umupo na lang siya sa tabi ni Ken. Napansin niya wala pa si Gail.
"Asan si Gail?" Tanong niya kay Ken.
"Huwag mong hanapin ang taong tulog! Andito naman ako kaya ako ang pansin mo Babe." Sabay kindat nito sa kaniya.
"Babe mo mukha mo! Huwag mo nga akong itulad sa mga babae mo hmm!" Pagmamataray na sabi niya dito. Sa magbabarkada si Arvin at Kenneth ang pinakababaero sa lima. Kaya kahit gwapo ang mga ito never siyang nagkainterest sa dalawang bakulaw na ito.
"Naks! Ang aga aga ang suplada natin. May dalaw ka ba ha?" Nakangising sabi nito.
Binatukan niya ito. "Anong pinagsasabing mong may dalaw puro ka kalukuhan. Kaya walang nagtatagal na babae sa'yo manyak ka talaga."
"Hahaha...Di ako manyak Babe. Gwapo lang ako kaya habulin ako ng babae. For your info ha! Sila ang lumalapit sa'kin di ako. Pinapaiinit ko lang sila." Natatawang sabi nito.
"Ulol!" Nabigla ito na may bumatok sa kaniya sa likod. Si Gail pala.
"Ano ba Dude? Sira araw talaga kayo ni Kat. Mga brutal kayo dalawa." Habang hinihimas nito ang batok.
"Ang aga mo puro hangin ang nasa ulo." Ani ni Gail dito. Natatwa siya sa reaction ni Kenneth. Kulang na lang maging mashed potato si Kenneth. "Gutom lang kaya kumain ka na at tumawag si Auntie Mylene umuwi ka na daw."
"Tumawag si Mommy sa'yo?" Nagtatakang tanong nito kay Gail.
"Yeah! Di mo daw kasi sinasagot ang tawag niya."
Sa lima mas close si Gail and Kenneth. Si Steve, Arvin at Drew ang close. Kaya kung gusto ninyo malaman ang lahat ang tungkol sa kanila don kayo magtanong sa mga kaclose nila.
"Hoy! Umayos na kayong dalawa kanina pang nakahain ng breakfast. Kaya kumain na kayo." It's Arvin katabi nito si Camille.
Tumabi sa kanila si Gail. So nasa gitna siya ni Ken at Gail, ang magkatabi naman at si Arvin at Camille. Katapat naman naming sina Drew at Ynah. Wow! Lang ha at nagsusubuan pa tsskkk.. grabe talaga itong Drew walang pakialam sa nararamdaman niya. Napapahikbi na siya nabiglang nagsalita si Gail.
"Eat Minnie Mouse!" Sabi nito na nakaarok sa kaniya ang kutsara.
"Huh? Anong Minnie Mouse? Di ako daga!" Nakasimanggot siya at kinurot niya ang tagiliran nito.
"Tsskk! Tulala ka naman kasi. At para kang daga kagabi kung saan saan ka nagpupunta. Eat now!" Utos nito sa kaniya.
Holy Shit! Nakita ba ako ni Gail na pumasok sa room ni Drew. Napatingin siya dito para mawala ang issue na daga sinubo ko ang pagkain naibinigay nito. Napatingin siya sa binata, gwapo si Gail habulin ng babae kaso napakatahimik nito sa lima. Lahat naman sila may pagkasuplado.
Nakatingin na lang siya sa bawat galaw ni Gail. Natatawa siya kung anong spoon na gamit nito sa pagsubo sa kanila soya din gamit niya sa pagkain.
"Alam mo Kat bagay kayo ni Gail!" OMG nagsasalita pala ang unggoy hmmm.. Napasimangot na lang siya sa mga sinabi nito.
"Talaga bagay kami? Hmm.. Like Mickey Mouse and Minnie Mouse di sila puwede paghiwalayin kasi sila ang sa isa't isa." Ani na sabi nit okay Ynah pero nakatingin kay Drew.
Di niya mabasa ang reaection ni Drew sa mga nangyayari. Di ko maintindihan ko nagseselos o nakakaasar sa sinagot ni Gail kay Ynah. Huh! Wala naman mali sinabi si Gail hala nagaassume naman siya. At itong si Gail anong pinagsasabi nito bagay kami at di puwedeng paghiwalayin.
"Naku ka ba Gail! Bakit mo nasabi yan! Ikaw talaga payot ka kumain ka na lang at baka gutom lang yan. Akina at ikaw naman ang susubuan ko." Kinuha ko ang spoon at fork dito at sinubuan ko.
GAIL POV
Alam ko naman sapol bata pa kami patay na patay si Kat kay Drew. Wala itong tinitingan kung si Drew lang. Elementary palang kami crush ko na Kat kaso deadman ang kagwapuhan ko.
Kaya eto ako lahat gagawin para maibaling ang lahat ang atensyon ni Kat sa kaniya. Alam ko naman na di siya magugustuhan ni Drew. Because Drew like Ynah since first year college palang kami. Mahiyain lang ang gago kung di pa naging girlfriend ni Arvin si Camille di malalapit nito. Akala ko noon si Kat ang nililigawan nito pero hindi pala little sister lang daw ang tingin nito dito.
"Talaga bagay kami? Hmm.. Like Mickey Mouse and Minnie Mouse di sila puwede paghiwalayin kasi sila ang sa isa't isa." Sagot k okay Ynah. Nakita ko ang reaction ni Drew natatawa lang ako sa nakita ko. Alam mo bestfriend niya si Kat kaya alam nagseselos ito. Hangga't di pa marerealize ang feel nito uunahan ko na siya.
Natatawa siya sa pagsubo ni Kat sa kaniya ng sunod sunod. Kahit mukha na siyang nabubulunan ok lang basta masaya siya ngayon.
"Kat enough na at busog na ako. Ikaw naman ang kumain at para medyo magkalaman ang utak mo ng ibang pagkain at di na lang laging coco jam. Hmmm... Eat!" Sabi ko kay Kat.
Lahat ng babae nag-aayos na nang gamit nila pauwi sa kanikanilang bahay. Andito kaming magbabarkada sa sala ng bahay nina Drew.
"Gail do u like Kat?" Tanong ni Arvin.
"Yes!" Walang gatol na sabi mo dito, bakit pa ako nag dedeny sa kanila kung gusto si Kat.
"Wow Dude! Walang pangngangatal ang sagot straight to the point talaga." It's Kenneth.
Si Steve ang wala dito nasa Bahrain siya ngayon para sa tournament.
"Indeed! Maganda naman si Kat, mabait at ang nagustuhan ko sa kaniya di siya maarte katulad ng ibang babae nakilala ko." Sagot ko sa kanila.
"Ewan Arvin seryoso ka na talaga kay Camille? Baka kapag nakita mo ang ex-wife mo maghabol ka. I heard sa kuwento ni Kat nagkakamabutihan sila ni Clark. Clark is a good catch." Ani ko kay Arvin.
"Good for her." Simpling sagot nito. Tsskk.. grabe ang lalaking ito naglihim sa amin na may asawa nap ala siya at si Dap pa pala ang asawa nito. Simple at very beautiful si Dap yon ang un among makikita sa kaniya same like Kat walang arte sa katawa. Di katulad ni Sofia may kaartehan but di siya plastic pinapakita niya kung di niya gusto ang isang tao. Pero kapag kaibigan mo siya makikita mo ang sweet side ni Sofia. Naputol na lang ang pag-iisp ko nang tanungin ni Kenneth si Drew.
"Ikaw Drew seryoso ka nab a kay Ynah?" tanong ni Kenneth kay Drew.
Ngumiti muna ito bago sumagot. "Kilala ninyo naman ako never ako nagkagirlfriend, yes fling mayroon at yon dahil sa inyong dalawa ni Arvin." Binato nito ng throw pillow si Kenneth. "At ikaw kailan ka magseseryoso sa buhay mo Mr. Playboy?"
"Naku mga Dude huwag muna magugunaw ang mundo kasi nageenjoy pa ako sa mga babae ko." Natatawang sabi nito.
KAT POV
Nauna na akong punta sa Mindoro. Susunod na lang ang buong team ng engineer at architecture team. Nagdahilan na lang siya na may aayusin at may ipinagagawa ang Lola niya sa kaniya kay pumaya si Drew na magbiyahe akong mag-isa. Bandang alas nueva nang umaga ako nakarating sa pier ng Calapan hinihintay ko na lang ang sasakyan na susundo sa'kin dito. Nang may mabangga akong matang babae. Tinulungan ko ito sa mga natapon na gamit at inayos ko na rin para di makalat.
Naramdaman ko nang hawakan niya ang mga palad ko at titig na titg ito sa mukha ko.
"Ineng, makukuha mo siya pero di madali maraming kang daranasing hirap para makuha mo siya. Kapag lumayo ka don lang niya mararamdaman ang halaga mo sa buhay niya. Pero sa huli ipaglalaban ka niya ng patayan para makuha ulit." Napatulala na lang siya sa mga sinabi ng matandang babae. Nang llumingo siya sa kinatatayuan nito wala nap ala sa tabi niya. Di niya maabsord ang lahat ng sinabi nito sa kaniya nagugulohan siya. Sinong makukuha? At anong hirap ang daranasin niya?
Nagulat na lang siya ng may bilang may humawak sa balikat niya. Ang driver pala ng lolo niya si Mang Isko. Sumakay na siya sa sakyan at pumikit siya inaalala niya ang mga sinabi ng matandang babae.
BINABASA MO ANG
Bewitched My Husband To Be ✔️
أدب نسائي"What if kung mawala ang bisa ng gayuma, di loveless na naman ako? Pasaway kasi ang puso kahit i-program or i-reformat di pa rin maalis ang virus di ko pa rin malimutin ka, hindi ko magawa." Gilalas si Katty nang malamang ginayuma ng lola niya si...