Maghapon ko nang nilibot ang mga posibleng puntahan ng mag-ina. Kahit na matalik na kaibgan nito si Dap wala rin alam. Kahit anong piga na ginawa ko mukhang nagsasabi ito ng totoo. Nagbakasali rin ako sa pedia ng anak ko kung napunta don pero walang bakas na nagpacheck up ang mag-ina ko.
Umuwi akong pagod na pagod. Kahit pagod ako di ko ito ininda dahil mas mahalagang makita ko ang aking mag-ina.
"Iho, kamusta na ang paghahanap mo sa mag-ina mo?" Tanong ni Manang sa akin.
"Manang, wala pa rin po pero di ako titigil hangga't di ko nakikita sila..."
"Oo nga pala may dumating ulit na sulat sayo sa opisina. Dinala ng secretary mo ito dahil di ka daw pumasok..." inabot nito ang isang sobre.
Napakunot ang noo niya sa laman ng sobre. Nakasaad doon ang petsa ng hiring ng kanilang annulment.
Mukhang mahihirapan siya hanapin ang mga ito dahil ang taong ayaw magpakita mahirap hanapin. Sige hihintayin natin ang petsa na magkaharap tayo Kathy. Sa tingin mo papayag akong magkahiwalay tayo. Kung dati ikaw ang nangbubulabog sa buhay ko ngayon ako naman. Di kita bibitawan basta basta na lang lalo't may anak tayo. Kung dati ikaw ang naghahabol puwes babaliktarin ko naman, ako naman ang hahabol. Kahit gumawa pa ako ng di maganda paraan para makuha kita ulit Kathy, kahit gayumahin din kita gagawin ko yun para sa akin ka lang.
"Manang ipagluto ninyo po ako ng makakain nagugutom na po ako..."
"Mabuti naman Iho at naisipan mo pang kumain..." may pag-aalalang tono ang boses nito.
"Napag-isipan ko Manang kailangan ko ng lakas para kapag nagkita kami ng asawa ko di ako mukhang losyang at gwapo pa rin sa paningin niya..." biro kong wika.
"Ikaw talagang batang ka ka... sige ipagluluto kita ng paborito mo!" Tinalikuran na ako nito.
At ako naman kailangan kong maligo dahil pagkatapos kong makausap ang biyenan ko sa bar ako nag diretcho at nagpakalasing.
~
"Dada, wake up..."
"Dada..."
"X-xander?"
"Ako nga po!"
Napahawak ko sa aking ulo dahil sa sakit. Nagpalingalinga ko sa paligid. "Nasaan ako?"
"Si Dada talaga! Di ba nagpunta na tayo dito..."
Umupo na rin ito sa tabi ko at hinawakan ang aking pisngi. Di ko mapigilan na mapaiyak. Di ko alam ang aking nararamdaman sa ginawa ni Xander sa akin. Nakokonsensya ba ako dahil ako ang naging dahilan o na miss ko sila.
"Dada, stop crying po..."
"Sorry baby..."
"Dada, sabi ni Pareng San Pedro di talaga ako nakatakda mabuhay sa ngayon pero dadating po ang araw na babalik ako sa inyo ni Momma..." ngiting wika nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko dito.
"Kasi ganito yun," umayos ito ng upo at nag cross arm sa harapan ko. "Sabi ni Pareng San Pedro, may tamang oras daw po ako para bumalik sa inyo. Sa ngayon po dip o ito ang tamang oras kaya nawala po ako sa inyo ni Momma..."
"Anak, I'm so sorry! Sorry kung naging gago si Dada..."
"Dada! Bad word po yun..."
"Oh I'm sorry again son..." napakamot ako sa aking ulo s ginawang pagsita nito sa akin.
"Dada..." tawag nito sa akin na may kulbit pa.
'Hmm..."
"Katulad ng sinabi ko po, may tamang panahon para sa atin. Kapag dumating yun po alam ko lahat tayo masayang masaya..."
BINABASA MO ANG
Bewitched My Husband To Be ✔️
Chick-Lit"What if kung mawala ang bisa ng gayuma, di loveless na naman ako? Pasaway kasi ang puso kahit i-program or i-reformat di pa rin maalis ang virus di ko pa rin malimutin ka, hindi ko magawa." Gilalas si Katty nang malamang ginayuma ng lola niya si...